Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Oktubre 2024


Kumonekta

Chien-Hsun C.

15, Taoyuan City, Taiwan

dalagita

Larawang kuha ni Zhiyang Tsai

Ang mga tinedyer sa Taiwan ay kailangang gumising nang alas-5:00 n.u. para magpunta sa seminary nang alas-5:30. Napakalaking hamon nito sa akin dahil marami akong pagsusulit at homework. Kaya madalas akong mahuli sa seminary. Dati-rati, sinisisi ko ang Simbahan sa paggising ko nang napakaaga. Pero pinayuhan ako ng aking mga magulang na magdasal at humingi ng tulong sa Ama sa Langit.

Noong una, inakala ko na hindi ako matutulungan ng Ama sa Langit. Pero isang gabi ay lumuhod ako sa tabi ng kama at nagdasal, na hinihiling sa Diyos na tulungan akong mahanap ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang sapat. Pagkatapos niyon, nirebyu ko ang palagian kong ginagawa. Nakita ko na maraming oras ang nasayang ko bago matulog.

Ngayo’y sinisikap ko nang matulog nang mas maaga. Nagdarasal ako bago matulog, na nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng kaligayahan at kapayapaan at para sa patnubay ng Banal na Espiritu.