Mga Salitang Gabay sa Buhay
Isang Mas Mataas na Uri ng Kagalakan
Naranasan ko mismo ang maluwalhating bukang-liwayway na pumupuno ng kagalakan sa kaluluwa. Natuklasan ko sa sarili ko na ang payapang tiwalang ito ay nagmumula sa pagsunod sa Tagapagligtas at sa paglakad sa Kanyang Landas.
Ang Diyos ay nagbibigay ng kagalakan na higit pa sa anumang iniaalok ng mundong ito. Ito ay isang kagalakang nagtitiis sa dalamhati, dumaraig sa kalungkutan, at pumapawi ng lumbay.
Mga Paanyaya na Makasumpong ng Kagalakan
-
Mag-ukol ng oras sa isang taimtim at buong- pusong pagsisikap na lumapit sa Diyos.
-
Hanapin ito. Masigasig na maghanap araw-araw ng mga sandali ng pag-asa, kapayapaan, at kagalakan.
-
Maghatid ng kagalakan sa iba na nasa paligid mo. Maaari mong subukang:
-
Magdasal para sa isang tao.
-
Pagbibigay ng tapat na papuri.
-
Pagtulong sa isang tao na madama na tinatanggap at minamahal siya.
-
Pagbabahagi ng paboritong talata sa banal na kasulatan at kung ano ang kahulugan nito sa iyo.
-
Pakikinig.
-
Kapag tinanggap mo ang mga paanyaya na ito, mararanasan mo ang “kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip,” maging sa gitna ng mga kalungkutan.