Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo
Pagiging Bahagi ng Buhay ng Isang Tao
Tularan ang halimbawa ni Cristo na maglingkod nang may pagmamahal.
Ano ang ministering, at paano talaga ito ginagawa? Ang isang paraan ng pag-iisip tungkol sa ministering ay na sumusunod ka sa halimbawa ni Cristo na mahalin, pasiglahin, at paglingkuran ang iba. Ang ministering ay parang pagiging bahagi ng buhay ng isang tao!
Bilang mga disipulo ni Jesucristo, may pribilehiyo at pagkakataon tayong tularan ang Kanyang halimbawa. Noong Kanyang mortal na ministeryo, mapanalangin, isa-isa, at lubos na pinagpala ng Tagapagligtas ang buhay ng libu-libo. Gayundin, sa ating panahon, tinutulutan tayo ng mga ministering assignment na pagpalain ang mga nasa paligid natin, kadalasa’y nang paisa-isa, tulad ng ginawa Niya. Tinutulungan tayo ng ministering na mas makipag-ugnayan sa iba at kay Jesucristo.
OK lang kung kinakabahan, nag-aalangan, o nalilito ka kung paano ka makapaglilingkod sa isang tao. Pag-iibayuhin ni Cristo ang iyong mga pagsisikap. Kailangan mo ba ng mga mungkahi kung saan magsisimula? Tingnan ang listahang ito.
Kailangan mo ba ng mga mungkahi? Narito ang 10 simpleng bagay na magagawa mo para makapaglingkod sa iba.
-
Ipagdasal sila.
-
Magpadala ng magiliw na mensahe.
-
Magtanong tungkol sa kanilang mga libangan at interes.
-
Sumulat ng isang card o liham.
-
Tumawag para kumustahin ang araw nila.
-
Anyayahan sila na dumalo sa isang aktibidad na kasama mo.
-
Dalhan sila ng paborito nilang pagkain.
-
Magbahagi ng nagbibigay-inspirasyon o nakasisiglang musika.
-
Umupo at kausapin sila sa paaralan o simbahan.
-
Maghanap ng mga oportunidad na mapaglingkuran sila at ang kanilang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, makikita ninyo na ang pagmamahal, pagpapasigla, at paglilingkod sa iba ay talagang nakakatulong sa iyo na maging bahagi ng kanilang buhay!