2009
Pasko sa Temple Square
Disyembre 2009


Isang Pasko sa Temple Square

Maraming tao ang gustung-gustong bumisita sa Temple Square sa Kapaskuhan. Sina Liza, edad 11, at Hiram, edad 10, ay magpinsan mula sa Kaysville, Utah, na pumunta upang makita ang magagandang ilaw at tanawin sa Temple Square.

Mahirap magpasiya kung ano ang unang titingnan. Saanmang dako nababalutan ang mga puno ng maliliit na kumukutitap na Christmas lights na kulay rosas, dilaw, asul, at berde. Higit sa lahat, ang Salt Lake Temple ay nagliliwanag sa kaputian, at nagniningning ang gintong estatwa ni Moroni sa tuktok.

Nasiyahan sina Liza at Hiram sa pagtingin sa ilang set ng tagpo ng pagsilang ni Jesucristo na kasinglaki ng mga bata na sadyang ginawa para sa mga batang nagpunta sa 2002 Winter Olympics sa Salt Lake City.

Nilikha ng mga artist mula sa ilang bansa ang mga set para pasayahin ang mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo at tulungan silang maisip ang Tagapagligtas. Idinidispley pa rin ang mga set na iyon sa Temple Square tuwing Kapaskuhan. May mga set mula sa Japan, Mexico, New Zealand, at Poland. Kung titingnan ninyong mabuti, makikita ninyo ang ilang kakaibang mga handog sa sanggol na si Jesus!

Itaas: Huminto sina Liza at Hiram para tingnan ang tagpo ng pagsilang ni Jesucristo na sinlaki ng tao na malapit sa Tabernacle at nakinig sa kuwentong Pamasko sa loudspeaker.

Itaas: Sa harap ng templo ay may isang puro puting set ng tagpo ng pagsilang ni Jesucristo. Nababanaag sa pool ang templo at sina Maria, Jose, at Jesus. Napakagandang tanawin nito.

Mga larawang kuha ni Craig Dimond