Isang Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan sa mga Bata sa Daigdig
Ang Dahilan ng Pagdiriwang
Ang Pasko ay isa sa mga pinakamagandang panahon ng taon. Gayunman, hindi ang mga regalo, christmas tree, dekorasyon, o pagkain ang dahilan kaya napakasaya ng panahong ito.
Ginugunita natin ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, kaya nagiging tunay na katangi-tangi ang Pasko.
Kapag sinikap nating alalahanin ang ating Tagapagligtas, titindi ang hangarin nating tularan ang Kanyang pamumuhay. Hindi lamang nagkataon na Pasko ang panahon ng taon na ang mga tao ay lubos na mapagmahal, mapagbigay, mabait, at mapagpasalamat.
Sa pagsisikap nating sundin ang halimbawa ni Cristo sa panahong ito at gawin ang makakaya natin na tularan ang Kanyang pamumuhay, maghanap tayo ng mga paraan para mapasigla ang mga nasa paligid natin. Ipagdiwang natin ang pagsilang ng ating Tagapagligtas sa pagiging mga alagad ni Cristo sa salita at sa gawa.
Pinatototohanan namin na kapag ginawa natin ito, ang hangaring sundin Siya na lumalago sa ating kalooban sa araw ng Pasko ay mag-iibayo pa sa buong taong darating.
Pangulong Thomas S. Monson
Pangulong Henry B. Eyring
Pangulong Dieter F. Uchtdorf