2009
Pasko sa Iba’t ibang Panig ng Mundo
Disyembre 2009


Pasko sa Iba’t ibang Panig ng Mundo

Nagdiriwang ng Pasko ang mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo sa iba’t ibang paraan. Nakalarawan sa kalendaryong ito ang ilan sa mga ito. Gupitin ang mga larawan sa pahina K16. Isabit ang kalendaryong ito sa dingding ng inyong tahanan. Simula sa Disyembre 1, hanapin ang tagpong inilalarawan ng mga salita para sa araw na iyon. Pagkatapos ay idikit ang larawan sa kuwadrado para sa araw na iyon.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

Sa Japan, gustung-gustong kumain ng mga bata ng Christmas cake na may mga strawberry at whipped cream.

Sa Finland, dumadalaw sa sementeryo ang mga pamilya tuwing Bisperas ng Pasko at nagtitirik ng kandila sa puntod ng mga mahal nila sa buhay.

Sa India, naglalagay ang mga tao ng maliit na lamparang yari sa luad sa bubong ng kanilang bahay para ipakita na si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan.

Sa Ireland, naglalagay ang mga pamilya ng kandila sa bintana ng kanilang bahay para ipakita na malugod sana nilang tatanggapin sina Maria at Jose.

Iniiwanan ng mga batang Aleman ang kanilang sapatos o bota sa tabi ng fireplace o sa labas ng pintuan nila sa harapan. Kinaumagahan, puno ng kendi ang kanilang sapatos.

Sa Australia, maraming taong pumupunta sa dalampasigan at kumakanta ng mga awiting Pamasko.

Iniilawan ng mga pamilya sa Argentina ang mga lobong papel na hugis-diamante na tinatawag na globos tuwing Bisperas ng Pasko at pinalilipad nila ang mga ito sa langit sa gabi.

Sa Venezuela, maagang nagro-roller skate ang mga bata sa kalsada tuwing Pasko ng umaga.

Sa Estados Unidos, nilalagyan ng mga tao ng dekorasyon na maliliit na bombilya, palara, at mga palamuti ang mga puno ng evergreen.

Ang mga pamilya sa Pilipinas ay nagdedekorasyon ng mga parol, na hugis-bituin na gawa sa kawayan at papel-de-hapon at naiilarawan ng maliliit na bombilya.

Sa Liberia, naghahapunan sa labas ng bahay ang mga pamilya, na nakaupo nang pabilog. Kasama sa tradisyonal na Pamaskong hapunan ng mga taga Liberia ang biskwit, kanin, at karne.

Sa Bulgaria, sabay-sabay na tumatayo ang lahat pagkatapos ng hapunan.

Sa araw ng Pasko sa Sweden, nagsusuot ng puting damit na may pulang sash ang panganay na babae at hinahainan ng almusal ang kanyang mga magulang sa kanilang silid.

Sa Holland, ang mga pamilya ay nagdiriwang sa Bisperas ng Pasko sa pamamagitan ng pag-inom ng mainit na tsokolate at pagkain ng banketletter, isang cake na kahugis ng unang letra ng apelyido ng pamilya.

Sa Norway, kumakain ng rice pudding ang mga bata. Ang batang makakita sa nakatagong mani ang mananalo ng candy pig o isang tsokolate.

Gumugupit ng disenyo ang mga pamilyang Mexicano sa mga supot na papel para makagawa ng mga parol, o farolitos. Nilalagyan ng mga kandila ang loob ng farolitos, na nakahilera sa mga bangketa, bintana, at bubong.

Binibigyan ang mga bata sa Espanya ng mga laruan, kendi, o maliliit na instrumentong musikal sa pagbabahay-bahay nila na bumibigkas ng mga tula o kumakanta ng mga awiting Pamasko.

Isang linggo bago sumapit ang Pasko, nagbibihis-pastol at nagbabahay-bahay ang mga batang Italyano habang kumakanta at bumibigkas ng mga tula.

Tumatanggap ang mga bata sa England ng isang tubong nababalutan ng papel, na tinatawag na Pamaskong paputok, sa Pamaskong hapunan. Malakas ang putok ng tubo kapag hinila sa magkabilang dulo. Isang sumbrerong papel, tula, o maliit na laruan ang nasa loob nito.

Sa New Zealand, maraming lungsod ang nagdiriwang sa mga parke. Nakikinig ang mga tao sa mga bantog na mang-aawit na kumakanta ng mga awiting Pamasko.

Maagang gumigising ang mga pamilyang Tongan para magluto at maghatid ng almusal sa mga kapitbahay nila. Sabik maghatid ng mga almusal na ito ang mga bata at makita kung ano ang dala-dala ng mga kapitbahay.

Sa Paraguay, dinedekorasyunan ng mga tao ng mga bulaklak ng niyog ang bahay nila.

Sa Lebanon, nagtatanim ng gisantes, trigo, bins, at lentil dalawang linggo bago sumapit ang Pasko. Ipinapalibot ang mga usbong nito sa tagpo ng pagsilang ni Jesucristo na nasa tahanan.

Sa Ghana, magdamag na gising ang mga pamilya at naglalaro. Bago sumapit ang hatinggabi, nagbibilang ng segundo ang pamilya hanggang sa sumapit ang araw ng Pasko.

Kahit iba’t ibang paraan ang ating pagdiriwang, ang Pasko ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang maalaala ang pagsilang ni Jesucristo.

Mga paglalarawan ni Scott Greer

Para sa aktibidad at mga tagubilin, tingnan sa mga pahina K8–K9.