2009
Nadamitan ng Pagmamahal
Disyembre 2009


Nadamitan ng Pagmamahal

Walter Ciro Calderón R., Bogotá, Colombia

Disyembre noon, panahon na madaling maantig ang mga tao dahil naaalala nila ang pagsilang ni Jesucristo at ang ginawa Niya para sa atin sa Kanyang walang hanggang Pagbabayad-sala.

Pag-uwi ko mula sa trabaho, ibinahagi sa akin ng tatlong anak ko at maganda kong kabiyak ang isang desisyong ginawa nila tungkol sa Pasko: “Hindi na kailangang bumili ng mga regalo sa taong ito,” sabi nila.

Gulat akong nagtanong, “At bakit naman ganyan ang desisyon ninyo?” Itinanong ko ito dahil isasakripisyo ng mga anak ko ang isang bagay na buong taon nilang inasam-asam.

Dali-dali silang umalis at kinuha ang dalawang luma at sira-sira kong terno. “Itay,” sabi nila, “sa perang ipambibili namin ng mga Pamaskong regalo, gusto naming palitan mo na ng bago itong mga luma mong terno. Gusto naming makita kang pumasok sa trabaho suot ang bago mong terno!”

Napag-isip ko na ito ang tunay na diwa ng Pasko. Kapag isinakripisyo natin ang isang bagay para sa iba, nauunawaan natin ang kahulugan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Kalaunan, nang isuot ko na ang bagong ternong natanggap ko sa araw ng Pasko, nadama kong nadamitan ako ng pagmamahal.