2009
Ang Mas Dakilang Regalo
Disyembre 2009


Ang Mas Dakilang Regalo

Lois N. Pope, Utah, USA

Isang umaga matapos kong basahin at pagnilayin ang Aklat ni Mormon, napag-isip ko na matatapos ko itong muli bago matapos ang taon. Dahil sa pagkaunawang ito naalala ko ang kapatid kong lalaki, na inalagaan ko sa bahay namin noong mga huling linggo ng kanyang buhay bago siya namatay sa kanser noong 2005.

Determinado si Oliver na tuparin ang pangako sa sarili na sundin ang payo ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) at basahin ang Aklat ni Mormon bago matapos ang taon.1 Pero pagsapit ng taglagas na iyon, marami pang pahinang babasahin si Oliver. Kalaunan nanghina na siya nang husto at hindi na makabasang mag-isa.

Determinadong tuparin ang kanyang pangako, itinanong ni Oliver sa akin kung maaari ko siyang basahan ng Aklat ni Mormon. Mas malayo na ang narating ko sa sarili kong pagbabasa, pero nagalak akong magsimula kung saan siya natapos.

Sa pagbabasa ko para kay Oliver araw-araw, natulungan ko siyang kamtin ang mithiin niyang tapusin ang aklat sa pagtatapos ng taon, ilang araw lang bago siya namatay. Sa oras na iyon halos hindi na siya makapagsalita nang malinaw, pero malinaw at aktibo ang isipan niya. Kahit hirap, madalas niya akong pasalamatan sa regalong bigay ko sa kanya, na sinasabing maaari na siyang mamatay nang payapa dahil natupad na niya ang kanyang pangako.

Ilang beses ko nang nabasa ang Aklat ni Mormon, pero hinding-hindi ko nadama ang lakas ng impluwensya nito o malinaw na naunawaan ang mga tuntunin nito na tulad noong mga huling araw ng buhay ng kapatid ko. Tunay ngang binigyan ako ni Oliver ng mas dakilang regalo.◼

Tala

  1. Tingnan sa Gordon B. Hinckley, “Isang Patotoong Buhay na Buhay at Tapat,” Liahona, Ago. 2005, 6.