2010
Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno
Nobyembre 2010


Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Isang brodkast ng pandaigdigang pagsasanay sa pamumuno ang gaganapin sa Nobyembre 13, 2010. Ang brodkast na ito ay magbibigay ng tagubilin tungkol sa mga bagong hanbuk ng Simbahan (Hanbuk 1: Mga Stake President at Bishop at Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan).

Ang sumusunod na mga miyembro ay inaanyayahang dumalo sa brodkast: Mga General Authority; Area Seventy; stake, mission, temple, at district presidency; stake at district clerk; stake at district executive secretary; high councilor; stake at district Relief Society, Young Men, Young Women, Primary, at Sunday School presidency; bishopric; branch presidency; ward at branch clerk; ward at branch executive secretary; high priests group leader at assistant; elders quorum presidency; ward at branch Relief Society, Young Men, Young Women, Primary, at Sunday School presidency; ward mission leader.

Ang pagsasanay sa pamumuno ay ibobrodkast sa mahigit 30 wika. Makipagkita sa mga lider ng priesthood sa inyong lugar para sa iba pang impormasyon kung kailan ipapalabas ang brodkast.