Indeks ng mga Kaganapan sa Kumperensya
Ang sumusunod ay isang listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya para gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.
Tagapagsalita |
Kuwento |
---|---|
Elder Jeffrey R. Holland |
Mga magulang ni Jeffrey R. Holland ang gumastos para sa kanyang misyon (6). |
Rosemary M. Wixom |
Nagdasal ang mga bata habang minamaniobra ng ina ang kanilang sasakyan sa gitna ng malakas na bagyo (9). |
Elder D. Todd Christofferson |
Naggupit ng mga balahibo ng tupa ang lolo ni D. Todd Christofferson at pinangtustos ito sa pagmimisyon (16). Hindi hinati nang patas ng isang kasosyo sa negosyo ang ari-arian (16). |
Elder Robert D. Hales |
Binarnisan ni Robert D. Hales ang isang sahig hanggang sa makulong siya sa isang sulok (24). |
Elder Quentin L. Cook |
Tinulungan ng isang bishop ang isang tao na magsisi sa kanyang pagiging hindi tapat (27). |
Elder Russell M. Nelson |
Ibinahagi ni Russell M. Nelson ang Aklat ni Mormon sa mga kaibigan (47). Naging miyembro ang isang kabataang lalaki sa Simbahan pagkatapos magbasa sa mormon.org (47). |
Elder Patrick Kearon |
Nakagat ng isang alakdan si Patrick Kearon (50). |
Elder Juan A. Uceda |
Nagalit ang isang ama sa kanyang anak na babae habang nagbabasa silang pamilya ng mga banal na kasulatan (53). |
President Henry B. Eyring |
Dinalaw ni Spencer W. Kimball sa ospital ang ama ni Henry B. Eyring (59). |
Pangulong Thomas S. Monson |
Hindi naglaro ng basketbol si Clayton M. Christensen sa araw ng Linggo (67). |
President Henry B. Eyring |
Nanghingi ng mga damit ang isang pangulo ng Relief Society para ibigay sa mahihirap (70). |
Pangulong Boyd K. Packer |
Hinikayat ang isang nagsising babae na huwag nang lumingon pa sa nakaraan (74). |
Elder Jay E. Jensen |
Nagdasal at nakatanggap si Jay E. Jensen ng patotoo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (77). |
Pangulong Thomas S. Monson |
Natutong magpasalamat ang isang pamilya maging sa gitna ng kahirapan (87). |
Elder L. Tom Perry |
Tinulungan ng isang kabataang lalaking priest ang isang lalaking may kapansanan upang makabahagi ng sakrament (91). |
Elder Larry R. Lawrence |
Hiniling ng mga magulang sa isang anak na lalaki na huwag umalis ng bahay dahil masama ang pakiramdam nila tungkol sa isang aktibidad (98). |
Elder Mervyn B. Arnold |
Namatay ang isang baka dahil sa labis na pagkain ng trigo (105). |
Elder M. Russell Ballard |
Nagsimula ang adiksyon ng isang babae sa paggamit ng mga iniresetang gamot (108). |
Silvia H. Allred |
Nakaranas ang isang pamilya ng trahedya pagbalik nila mula sa pagkakabuklod sa templo (116). |
Barbara Thompson |
Napagpala si Barbara Thompson sa pamamagitan ng visiting teaching ng ina ni Ashley (119). |
Pangulong Thomas S. Monson |
Isang mag-asawang may-ari ng isang boarding house ay nagpatuloy sa kanilang tahanan ng isang hukot na matandang lalaki (122). |