Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Hunyo: Makakapiling Kong Muli ang Diyos Dahil sa mga Pangunahing Alituntunin at Ordenansa ng Ebanghelyo


Hunyo

Makakapiling Kong Muli ang Diyos Dahil sa mga Pangunahing Alituntunin at Ordenansa ng Ebanghelyo

Awiting pinili ninyo mula sa Aklat ng mga Awit Pambata

“Naniniwala kami na ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng Ebanghelyo ay: una, Pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; pangalawa, Pagsisisi; pangatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; pang-apat, Pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:4).

Dagdagan ng sarili ninyong ideya ang mga ideyang narito. Magplano ng mga paraan upang maipaalam ang doktrina sa mga bata at tulungan silang maunawaan at ipamuhay ito. Itanong sa sarili, “Ano ang gagawin ng mga bata para matuto, at paano ko sila matutulungang madama ang Espiritu?”

Linggo 1: Ang pananampalataya kay Jesucristo ay umaakay sa atin na mahalin Siya, pagtiwalaan Siya, at sundin ang Kanyang mga utos.

Ipaalam ang doktrina at maghikayat ng pag-unawa: Isulat sa pisara ang “Ang pananampalataya kay Jesucristo ay umaakay sa atin na mahalin Siya, pagtiwalaan Siya, at sundin ang Kanyang mga utos.” Magpakita ng ilang buto ng halaman sa mga bata. Itanong: “Ano ang maaaring kahinatnan ng mga butong ito?” “Paano ninyo nalaman na tutubo ang mga butong ito?” “Ano ang dapat nating gawin para tumubo ang mga ito?” Ipaliwanag na ang ating pananampalataya kay Jesucristo, gaya ng isang buto, ay lalago kung pangangalagaan natin ito. Talakayin ang mga bagay na magagawa natin para lumago ang ating pananampalataya, at ipaliwanag kung paano tayo aakayin ng mga bagay na ito na mahalin at pagtiwalaan si Jesucristo at sundin ang Kanyang mga utos. Kantahin ang “Pananalig” (AAP, 50–51). Gumawa ng mga simpleng galaw sa kamay na isasabay sa unang linya.

Frontal head and shoulders portrait of Jesus Christ. Christ is depicted wearing a pale red robe with a white and blue shawl over one shoulder. Light emanates from the face.

Makukuha ang ipinintang larawan sa sharingtime.lds.org

Linggo 2: Ang pagsisisi ay naghahatid ng kapatawaran.

Ipaalam ang doktrina: Ipabuklat sa mga bata ang kanilang mga banal na kasulatan at ipabasa ang Doktrina at mga Tipan 58:42–43. Ipatukoy sa kanila kung ano ang nangyayari kapag nagsisi tayo sa ating mga kasalanan. (Kung maaari, pamarkahan sa mga bata ang mga talatang ito sa kanilang mga banal na kasulatan.) Maikling ikuwento sa mga bata ang tungkol kay Enos (tingnan sa Enos 1:1–4), at ipabasa sa isang bata ang Enos 1:5–8. Magpatotoo na dahil sa Pagbabayad-sala ni Cristo mapapatawad tayo sa ating mga kasalanan.

Maghikayat ng pag-unawa: Ipaliwanag na ang mga taong nagsisi at napatawad sa kanilang mga kasalanan ay may hangaring maglingkod sa Diyos. Hatiin sa tatlong grupo ang mga bata, at bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga sumusunod na larawan at reperensya na mga banal na kasulatan: Nagbibinyag si Alma sa mga Tubig ng Mormon (Mosias 17:2–4; 18:1–17); Jonas (Jonas 1–3); ibinabaon ng mga Anti-Nephi-Lehi ang kanilang mga espada (Alma 23:4–18; 24:6–19). Ipaliwanag na ang mga kuwentong ito ay nagsasalaysay tungkol sa mga taong nagsisi sa kanilang mga kasalanan at naglingkod sa Panginoon. Iparepaso sa bawat grupo ang mga banal na kasulatan at magpahanda at magpatanghal ng dula-dulaan na nagpapakita kung paano nagsisi ang mga taong ito at pagkatapos ay naglingkod sa Panginoon (sa pamamagitan ng pagtuturo ng ebanghelyo, pagmimisyon, at pagtangging makipaglaban).

Linggo 3: Kapag ako ay bininyagan, nakikipagtipan ako sa Diyos.

Maghikayat ng pag-unawa: Papuntahin ang isang bata sa harapan ng klase at ipaunat ang kanyang mga bisig. Pagkatapos ay lagyan ng isang aklat ang bawat kamay. Basahin ang Mosias 18:7–11. Ipaliwanag na isa sa mga tipang ginagawa natin kapag tayo ay bininyagan ay ang “magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan.” Itanong sa batang may hawak ng mga aklat kung nangangawit na siya. Patulungin ang dalawa pang bata na maitaas ang kanyang mga bisig. Talakayin ang ilang pasaning maaaring taglay ng mga bata, tulad ng tinutukso, maysakit, nalulumbay, o nahihirapan sa eskuwela. Itanong sa mga bata kung paano sila makakatulong na mapagaan ang mga pasanin ng isa’t isa.

Three children, two boys and a girl, participating in Primary sharing time.  They are standing together holding books in front of them.

Ang paggamit sa mga bata sa mga visual na pagtatanghal ay magpapatuon ng kanilang atensyon at maghahanda sa kanila para matuto. Halimbawa, ang aktibidad na ito ay nagtatanghal ng mga batang nagpapakita ng konsepto ng pagpasan sa mga pasanin ng isa’t isa.

Maghikayat ng pagsasabuhay: Sabihin sa mga bata na binyag ang daan na humahantong sa landas tungo sa buhay na walang hanggan (tingnan sa 2 Nephi 31:17). Sa isang panig ng silid maglagay ng larawan ng isang batang binibinyagan. Sa kabilang panig ng silid maglagay ng larawan ng Tagapagligtas, at ipaliwanag na sa aktibidad na ito ay kinakatawan ng larawang ito ang buhay na walang hanggan. Sabihin sa mga bata na nananatili tayo sa landas tungo sa buhay na walang hanggan kapag tinutupad natin ang ating mga tipan sa binyag. Balik-aralan sandali ang mga tipang ito (pag-alaala kay Jesucristo, pagsunod sa mga kautusan, at pagtulong sa iba). Bigyan ang bawat bata ng isang papel na may nakadrowing na kalasag na PAT. Pasulatin ang mga bata sa kanilang papel ng isang utos na makakatulong sa kanila na matupad ang kanilang mga tipan sa binyag (maaari silang magdrowing ng mga larawang kakatawan sa utos na pinili nila). Ipalagay sa isang bata ang kanyang papel sa sahig sa pagitan ng dalawang larawan. Kung maaari, tulungan ang mga bata na makita ang kautusan sa kanilang mga banal na kasulatan at basahin ito nang sabay-sabay. Ulitin hanggang sa makagawa ng isang landas ang mga bata sa pagitan ng mga larawan.

Line drawing of CTR logo - Outline Version

Makukuha ang logo sa sharingtime.lds.org

Linggo 4: Ang Espiritu Santo ang umaaliw at gumagabay sa akin.

Maghikayat ng pag-unawa: Igrupu-grupo ang mga bata, at bigyan ang bawat grupo ng isang papel na may sumusunod na mga banal na kasulatan:

  • “Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, ipagkakaloob ko sa iyo ang aking Espiritu, na siyang magbibigay-liwanag sa iyong isipan, na siyang magpupuspos sa iyong kaluluwa ng ” (D at T 11:13).

  • “Kung kayo ay papasok sa daan, at tatanggapin ang Espiritu Santo, iyon ang sa inyo ng lahat ng bagay na nararapat ninyong gawin” (2 Nephi 32:5).

  • “Ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, … ang sa inyo ng lahat ng mga bagay, at ng lahat na sa inyo’y aking sinabi” (Juan 14:26).

  • “Magtiwala ka sa Espiritung yaon na nag-aakay sa paggawa ng —oo, ang gumawa ng makatarungan, lumakad nang may pagpapakumbaba, ; at ito ang aking Espiritu” (D at T 11:12).

  • “At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ng lahat ng bagay” (Moroni 10:5).

Ipahanap sa mga bata ang mga banal na kasulatan at papunan ang mga patlang. Pagkatapos ay ipatalakay sa kanila ang itinuturo ng mga banal na kasulatang ito kung paano tayo matutulungan ng Espiritu Santo. Magpabahagi sa kanila ng mga karanasan na natulungan sila ng Espiritu Santo.

Maghikayat ng pagsasabuhay: Sabihin sa mga bata na tinutulungan tayo ng Espiritu Santo sa maraming paraan. Kantahin ang “Ang Espiritu Santo” (AAP, 56). Ipataas sa mga bata ang kanilang kamay kapag kumanta sila tungkol sa paraan na matutulungan sila ng Espiritu Santo. Pahintuin ang pag-awit at talakayin kung ano ang natutuhan nila tungkol sa Espiritu Santo. Magpatuloy sa pagkanta at pagtalakay. Magbahagi ng isang pangyayari na naaliw at nagabayan kayo ng Espiritu Santo.

Makukuha ang handout sa sharingtime.lds.org