Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Marso: Nangungusap sa Atin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang mga Propeta


Marso

Nangungusap sa Atin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang mga Propeta

Awit: “Ang Tama’y Ipaglaban”

(AAP, 81)

“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).

Dagdagan ng sarili ninyong ideya ang mga ideyang narito. Magplano ng mga paraan upang maipaalam ang doktrina sa mga bata at tulungan silang maunawaan at ipamuhay ito. Itanong sa sarili, “Ano ang gagawin ng mga bata para matuto, at paano ko sila matutulungang madama ang Espiritu?”

Linggo 1 at 2: Nagsasalita ang mga Propeta para sa Ama sa Langit.

Ipaalam ang doktrina: Papuntahin ang isang bata sa harapan ng klase. Sabihin sa ibang mga bata na sundin ang kanyang mga sasabihin. Bulungan ng mga simpleng tagubilin ang bata, tulad ng, “Ipalagay mo ang mga kamay nila sa kanilang ulo” o “Sabihin sa kanila na pabulong na batiin ang isang taong katabi nila sa upuan.” Ulitin na may iba pang ilang simpleng tagubilin, na nagtatapos sa “Pahalukipkipin sila.” Itanong sa mga bata kung paano nila nalaman ang gusto mong ipagawa sa kanila. Ipaliwanag na isa sa mga paraan ng pagpapadala ng mga mensahe ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa mga tao sa mundo ay sa pagkausap sa Kanilang mga lingkod at pagkatapos ay pag-uutos sa kanila na kausapin ang mga tao. Itanong, “Sino ang mga lingkod na nagsasalita para sa Ama sa Langit at kay Jesus?” Pasagutin nang sabay-sabay ang mga bata ng, “Ang mga propeta ay nagsasalita para sa Ama sa Langit.”

A Primary leader whispering to a girl during sharing time.  The girl is standing with her arms stretched out in front of her.

Maghikayat ng pag-unawa: Bago mag-Primary, magdikit sa ilalim ng ilang silya ng larawan ng isang propeta at ilang reperensya na mga banal na kasulatan na nagsasabi kung ano ang ginawa o sinabi niya. Puwedeng ibilang sa mga halimbawa ang Noe (Genesis 6:13–14; 7:5, 7–10); Moises (Exodo 14:8–9, 13–14, 21–22); Samuel ang Lamanita (Helaman 14:1–8; 16:1–3); Joseph Smith (D at T 89). Patingnan sa mga bata ang ilalim ng kanilang upuan para hanapin ang mga larawan. Igrupu-grupo ang mga bata, na may isang larawan sa bawat grupo, at paghandain silang magtanghal ng isang dula-dulaan tungkol sa kanilang propeta. Pahulaan sa ibang mga grupo kung sinong propeta ang inilalarawan nila. Talakayin kung paano tinanggap ng mga tao ang mensahe ng propeta at ang mga resulta nito.

Maghikayat ng pag-unawa: Gumawa ng isang “Roleta ng mga Propeta” gaya ng nakapakita rito. Hatiin ang bilog sa walong bahagi, na bawat isa ay may pangalan ng isang propeta mula sa awiting “Propeta’y Sundin” (AAP, 58–59). Ipaikot sa isang bata ang roleta. Magbahagi ng maikling kuwento tungkol sa propeta na nakasaad sa roleta (gamitin ang mga reperensya na mga banal na kasulatan sa AAP, 59, para sa mga ideya). Pagkatapos ay kantahin ang linya tungkol sa propetang iyan sa “Propeta’y Sundin.” Ipaikot sa isa pang bata ang roleta, at ulitin ang aktibidad hangga’t may oras pa.

2016 Outline for Sharing Time/Children's Sacrament Meeting Program

Makukuha ang roleta sa sharingtime.lds.org

Moises

Abraham

Daniel

Enoc

Jonas

Noe

Adan

Samuel

Linggo 3: Pinamumunuan tayo ngayon ng isang buhay na propeta.

Maghikayat ng pag-unawa: Gupitin ang isang pirasong papel sa apat na bahagi at itakip ang mga ito sa isang larawan ng kasalukuyang propeta. Sa likod ng bawat piraso isulat ang isang turo ng propeta. (Sumangguni sa mga isyu ng kumperensya sa Liahona para malaman kung ano ang naging mensahe ng propeta kamakailan.) Ipaalis sa isang bata ang isang piraso ng papel at ipaakto ang turo. Pahulaan sa ibang mga bata ang ginagawa niya. Ulitin sa iba pang mga turo. Magpakita ng isang kopya ng Liahona at ipaliwanag na mababasa natin ang mga salita ng propeta ngayon.

A portrait of Thomas S. Monson mostly covered by four pieces of paper.

Maghikayat ng pagsasabuhay: Patayuin ang isang bata at ipakumpleto sa kanya ang pahayag na ito: “Susundin ko ang buhay na propeta sa pamamagitan ng …” Ipaulit sa isa pang bata ang sinabi ng unang bata, na nagdaragdag ng ibang paraan ng pagsunod sa propeta. Magpatuloy hangga’t may oras, na hinihikayat ang mga bata na ulitin ang pinakamaraming ideya ng iba pang mga bata na mauulit nila hangga’t maaari.

Linggo 4: May kaligtasan sa pagsunod sa propeta.

Maghikayat ng pag-unawa: Maghanda ng mga simpleng karatula sa daan na nagsasaad ng “Tumigil,” “Bagalan,” at “Magpatuloy.” Pumili ng tatlong batang hahawak ng mga karatula, at sabihin sa kanila na itaas ang mga karatula kapag tinapik sila ng music leader sa balikat. Sabihin sa mga bata na ang ibig sabihin ng karatulang Magpatuloy ay magsimulang kumanta; ang karatulang Tumigil ay tumigil sa pagkanta; at ang karatulang Bagalan ay bagalan ang pagkanta. Kukumpasan ng music leader ang mga bata sa pagkanta ng “Ang Tama’y Ipaglaban” (AAP, 81).

Ipaliwanag na pinananatili tayong ligtas ng mga karatula sa daan at binabalaan tayo sa parating na panganib. Pagkatapos ay ipaliwanag na ang mga tagubilin ng propeta ay kagaya ng mga karatulang ito sa daan dahil pinoprotektahan at pinagpapala tayo ng Ama sa Langit kapag sinunod natin ang mga ito. Hatiin sa tatlong grupo ang mga bata. Sa bawat grupo, magpabahagi ng maikling kuwento sa isang lider o batang nakatatanda tungkol sa panahon na siya (o ang isang tao mula sa mga banal na kasulatan) ay naprotektahan sa pagsunod sa propeta. Pagkatapos ay papuntahin ang mga grupo sa isa pang lider para makinig sa isa pang kuwento. Ipakanta sa kanila ang koro ng “Propeta’y Sundin” habang lumilipat sila sa ibang lider. Patotohanan ang mga pagpapalang dumarating kapag sinusunod natin ang propeta.

Maghikayat ng pagsasabuhay: Pagdrowingin ang mga bata ng sarili nilang mga karatula sa daan at pasulatan ito sa kanila kung paano nila susundin ang mga turo ng mga buhay na propeta. Ipauwi sa kanila ang mga karatula para maipaalala nito sa kanila na sundin ang propeta.

2016 Outline for Sharing Time/Children's Sacrament Meeting Program

Mas malamang na ipamuhay ng mga bata ang mga doktrina kung makakaisip sila ng sarili nilang mga paraan na magawa ito. Nadarama rin ng mga bata ang pagmamahal at pagpapatibay kapag inulit ng mga guro at iba pang mga bata ang kanilang mga ideya.

Magpatuloy

Makukuha ang mga hugis sa sharingtime.lds.org

2016 Outline for Sharing Time/Children's Sacrament Meeting Program

Tumigil

2016 Outline for Sharing Time/Children's Sacrament Meeting Program

bagalan

2016 Outline for Sharing Time/Children's Sacrament Meeting Program

Magpatuloy

Mga tulong para sa Music Leader

Para matulungan ang mga bata na matutuhan ang “Ang Tama’y Ipaglaban” (AAP, 81), isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Idispley ang isang larawan ng kasalukuyang propeta at talakayin nang bahagya ang ilan sa mga tagubilin niya sa atin. Sabihin sa mga bata na ang awiting pag-aaralan nila ay nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagsunod sa propeta.

  • Igrupu-grupo ang mga bata. Bigyan ang bawat grupo ng isa o dalawang linya ng awitin, at palikhain sila ng isang galaw na makatutulong sa kanila na maalala ang mga salita. Ipaturo sa bawat grupo ang kanilang galaw sa ibang mga bata.

A woman leading the singing in Primary.

Kapag nagtuturo ng awit sa mga bata, gamitin ang inyong kamay para ipakita sa kanila ang himig. Itaas o ibaba ang inyong kamay kapag nagbago ang tono (tingnan sa PWHDT, 229).