Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Setyembre: Itinuturo sa Akin ng Sampung Utos na Mahalin ang Diyos at ang Kanyang mga Anak


Setyembre

Itinuturo sa Akin ng Sampung Utos na Mahalin ang Diyos at ang Kanyang mga Anak

“Kung mahal ninyo ako kayo ay maglilingkod sa akin at susunod sa lahat ng aking kautusan” (D at T 42:29).

Dagdagan ng ilang sarili ninyong ideya ang mga ideyang narito. Bawat linggo, magplano ng mga paraan para (1) tukuyin ang doktrina, (2) maipaunawa ito sa mga bata, at (3) tulungan silang maipamuhay ito. Itanong sa sarili, “Ano ang gagawin ng mga bata para matuto, at paano ko sila matutulungang madama ang Espiritu?”

Linggo 1: Pagpapalain tayo kapag sinunod natin ang mga utos.

Tukuyin ang doktrina (pagkakita sa isang pakay-aralin): Anyayahan ang isang ina na dalhin ang kanyang sanggol sa oras ng pagbabahagi. Magpabahagi sa mga bata ng ilang patakaran na makatutulong upang manatiling ligtas ang sanggol. Sabihin sa mga bata na lahat tayo ay mga anak ng Ama sa Langit; mahal Niya tayo at binibigyan tayo ng mga batas o utos na magpapanatili sa ating ligtas at maligaya. Magpakita ng isang larawan ni Moises at ng Sampung Utos, at ikuwento nang kaunti sa mga bata kung paano tinanggap ni Moises ang mga utos (tingnan sa Exodo 19–20).

The Ten Commandments

Maghikayat ng pag-unawa (pagkanta ng mga awitin): Ilagay sa pisara ang sumusunod na tatlong parirala: “Igalang at Sambahin ang Diyos,” “Igalang ang mga Magulang,” at “Igalang ang Iba.” Sabihin sa mga bata na ang Sampung Utos ay mapaghihiwa-hiwalay sa tatlong kategoryang ito. Hatiin ang mga bata sa mga grupo at bigyan ang bawat isa ng isang awiting nauugnay sa isa sa mga kategorya. Pagpasiyahin ang bawat grupo kung sino ang kakanta ng awitin (halimbawa, mga lalaki lamang, mga babae lamang, o yaong mga nakapula). Matapos kantahin ang awitin, ipadikit sa isang bata ang awitin sa ilalim ng tamang kategorya. Isiping gamitin ang sumusunod na mga awitin: “Sabado” (AAP, 105), “Susunod Ako” (AAP, 71), “Ang Tatay Ko” (AAP, 111), “Ang Simbahan ni Jesucristo” (AAP, 48), at “Sa Akin Nagmumula ang Kabaitan” (AAP, 83).

arches

Maghikayat ng pagsasabuhay (pagkanta ng isang awitin): Kantahin ang “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (AAP, 68–69), at hilingin sa mga bata na pakinggan ang mga pangako sa atin kapag sinusunod natin ang mga utos. Ipabahagi sa kanila kung paano sila pinagpapala kapag sinusunod nila ang mga utos.

Linggo 2: Dapat kong igalang at sambahin ang Diyos.

Maghikayat ng pag-unawa at pagsasabuhay (pagbabasa ng mga banal na kasulatan): Ipaliwanag na ang unang apat na utos na ibinigay ng Ama sa Langit kay Moises ay nagtuturo sa atin na dapat nating igalang at sambahin ang Diyos. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang mga reperensya sa banal na kasulatan sa apat na papel.

  1. Huwag kang magkakaroon ng ibang sa harap ko. (Exodo 20:3)

  2. Huwag kang gagawa para sa iyo ng . (Exodo 20:4)

  3. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios . (Exodo 20:7)

  4. Alalahanin mo ang , upang ipangilin. (Exodo 20:8)

Hatiin ang mga bata sa apat na grupo. Bigyan ng isa sa mga reperensya sa banal na kasulatan ang bawat grupo, at ipabasa sa kanila ang talata at hanapin ang nauukol na pangungusap sa pisara. Papunan sa unang grupo ang kanilang patlang sa pisara at pamunuan ang iba pang mga bata sa pag-uulit nang sabay-sabay sa pangungusap. Talakayin ang kahulugan ng utos, at ipamungkahi sa mga bata kung ano ang magagawa nila para masunod ito. Isulat sa pisara ang kanilang mga mungkahi. Ulitin sa tatlo pang grupo. Hikayatin ang mga bata na pumili ng isa sa mga mungkahi sa pisara na gagawin sa buong linggo.

Linggo 3: Dapat kong igalang ang aking mga magulang.

Tukuyin ang doktrina (pagsasaulo ng isang talata sa banal na kasulatan): Repasuhin nang kaunti ang mga utos na natutuhan ng mga bata noong nakaraang linggo, at ipabahagi sa ilang bata ang ginawa nila para masunod ang mga utos na iyon. Hatiin ang mga bata sa apat na grupo, at bigyan ng isa sa mga wordstrip na makikita sa ibaba ang bawat grupo (tingnan sa Exodo 20:12).

memorize a scripture

Makikita ang mga wordstrip sa sharingtime.lds.org

Patayuin ang unang grupo, ipaulit ang mga salita sa kanilang wordstrip, at paupuin, na susundan ng iba pang mga grupo nang magkakasunod. Ipapasa sa mga grupo ang kanilang wordstrip sa ibang grupo, at ipaulit ang aktibidad hanggang sa mabasa ng lahat ng grupo ang bawat wordstrip. Patayuin ang lahat ng bata at ipaulit sa kanila nang sabay-sabay ang utos.

Maghikayat ng pagsasabuhay (paglalaro): Hatiin ang mga bata sa mga grupo. Magpaisip sa bawat grupo ng isang bagay na magagawa nila para igalang ang kanilang mga magulang. Ipasadula nang walang salita sa bawat grupo ang kanilang aksyon, at pahulaan sa ibang mga bata ang ginagawa nila. Kapag tama ang hula nila, ipasulat sa isa sa mga bata sa grupo ang kanilang ideya sa pisara.

Linggo 4: Dapat kong igalang ang iba.

Tukuyin ang doktrina (pagtalakay sa paggalang): Sabihin sa mga bata na may darating na napakaimportanteng tao sa Primary ngayon. Ipatanghal sa mga bata kung paano nila maipapakita ang paggalang sa taong ito. Pahulaan sa kanila kung sino ang taong ito. Ihimig ang “Ako ay Anak ng Diyos” habang nagdidikit kayo ng bituing papel sa bawat bata. Ipaliwanag na bawat tao ay importante at na dapat nating tratuhin nang may paggalang ang lahat. Sabihin sa mga bata na itinuturo sa atin ng ilan sa Sampung Utos kung paano igalang ang iba.

Maghikayat ng pag-unawa (pagtalakay sa mga pinag-aaralang sitwasyon): Ipaliwanag na ang Sampung Utos ay nagtuturo sa atin na hindi tayo dapat magnakaw o magsinungaling; isang paraan ito ng paggalang natin sa iba. Maghanda ng ilang pinag-aaralang sitwasyon (tingnan sa PWHDT, 214–15) na naglalahad ng mga sitwasyon kung saan ang mga bata ay nahaharap sa pagpili tungkol sa pagiging tapat. Hatiin ang mga bata sa mga grupo, at bigyan ng ilang pinag-aaralang sitwasyon ang bawat grupo. Ipabasa sa kanila ang bawat pinag-aaralang sitwasyon at talakayin kung paano sila magiging tapat sa bawat sitwasyon.

stars

Humanap ng mga pagkakataong mapakitaan ng pagmamahal ang bawat bata. Kapag nagpakita kayo ng pagmamahal sa mga tinuturuan ninyo, higit nilang madarama ang Espiritu at magiging mas masigasig silang matuto (tingnan sa PWHDT, 39).