Resources para sa Pamilya
Buod ng Kurso Ukol sa mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak


Buod ng Kurso Ukol sa mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak

Bahagi A: Pagpapatatag ng Pagsasama ng Mag-asawa

Aralin 1: “Ang Mag-anak ay Sentro sa Plano ng Lumikha”

Ipinahahayag ng mga propeta sa mga huling araw ang walang-hanggang kahalagahan ng kasal at ng mag-anak.

Nakapagdudulot ng kagalakan at mga dakilang pagpapala sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan ang walang-hanggang kasal.

Ang kurso ukol sa mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak ay nilayon upang tulungan tayong makatagpo ng kagalakan sa ating mga ugnayang pangmag-anak.

Maaaring maging “kapirasong langit” ang ating mga tahanan habang nagtatayo tayo “sa bato na ating Manunubos.”

Aralin 2: Pagkakaroon ng Pagkakaisa sa Pagsasama ng Mag-asawa

Inatasan ng Panginoon ang mga mag-asawa na magkaisa.

Dapat pahalagahan ng mga mag-asawa ang isa’t isa bilang magkapantay na pareha

Dapat pahintulutan ng mga mag-asawa na umakma sa isa’t isa ang kani-kanilang mga katangian at kakayahan.

Dapat maging tapat sa isa’t isa ang mga mag-asawa.

Aralin 3: Pangangalaga sa Pagmamahalan at Pagkakaibigan ng Mag-asawa

Kailangang pangalagaan ng mga mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Ang mga pagpapahayag ng pagkagiliw at kabaitan ay nagpapanatiling masigla sa pagmamahal at pagkakaibigan ng mag-asawa.

Ang angkop na intimasiya sa mag-asawa ay isang pagpapahayag ng pag-ibig.

Dapat pagsikapan ng mga mag-asawa na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa, na siyang dalisay na pag-ibig ni Cristo.

Aralin 4: Pagtugon sa mga Hamon sa Pagsasama ng Mag-asawa

Lahat ng mag-asawa ay makararanas ng mga paghamon.

Malalampasan ng mga mag-asawa ang anumang hamon kung ituturing nilang isang pakikipagtipan ang pag-aasawa.

Kapag dumarating ang mga hamon, maaari nating piliing tumugon nang may pagtitiyaga at pagmamahal sa halip na tumugon nang may pagkabigo o galit.

Aralin 5: Pagtugon sa mga Hamon sa Pamamagitan ng Magandang Pag-uusap

Ang bawat mag-asawa ay magkakaroon ng ilang pagkakaiba ng opinyon.

Dapat hanapin ng mga mag-asawa ang mga kahanga-hangang katangian ng isa’t isa.

Ang magandang pag-uusap ay nakatutulong sa pag-iwas at paglutas sa mga suliranin.

Aralin 6: Pagpapatatag ng Pagsasama ng Mag-asawa sa Pamamagitan ng Pananampalataya at Panalangin

Dapat magtulungan ang mag-asawa na pag-ibayuhin ang pananampalataya nila kay Jesucristo.

Pinagpapala ang mag-asawa kapag magkasama silang nananalangin

Aralin 7: Ang Nakapagpapagaling na Kapangyarihan ng Pagpapatawad

Ang diwa ng pagpapatawad sa pagitan ng mag-asawa ay pagdudulot ng kapayapaan at damdamin ng pagtitiwala at katiyakan.

Dapat humingi ng tawad sa isa’t isa ang mag-asawa para sa kanilang mga pagkukulang at gumawa ng taimtim na pagsisikap na magbago.

Dapat hangaring patawarin ng mag-asawa ang isa’t isa.

Aralin 8: Pangangasiwa ng Pananalapi ng Mag-anak

Ang wasfong pangangasiwa ng pananalapi ay mahalaga para sa masayang pagsasama ng mag-asawa.

Dapat magtulungan ang mag-asawa na sundin ang mga pangunahing alituntunin sa pangangasiwa ng pananalapi.

Bahagi B: Mga Pananagutan ng mga Magulang sa Pagpapatatag ng mga Mag-anak

Aralin 9: “Ang mga Anak ay Mana mula sa Panginoon”

Ipinagkakatiwala ng Ama sa Langit ang Kanyang mga espiritung anak sa mga magulang sa lupa.

Dapat hangarin ng mga magulang na matugunan ang bawat pangangailangan ng bawat anak.

Ang mga anak ay may karapatan sa magiliw na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga magulang.

Ang pang-aabuso sa anak ay kasalanan sa Diyos .

Nagdudulot ng malaking kagalakan ang mga anak sa buhay ng kanilang mga magulang.

Aralin 10: Ang mga Sagradong Tungkuling Ginagampanan ng mga Ama at Ina (Bahagi 1: Mga Tungkulin ng mga Ama)

Dapat magtulungan ang mga ama at ina upang makapaglaan ng kalasag ng pananampalataya sa bawat isa sa kanilang anak.

Dapat mamuno ang mga ama nang may pagmamahal at kabutihan.

Dapat tustusan ng mga ama ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay ng kanilang mga mag-anak at pangalagaan sila.

Aralin 11: Ang mga Sagradong Tungkuling Ginagampanan ng mga Ama at Ina (Bahagi 2: Mga Tungkulin ng mga Ina)

Nakikilahok ang mga ina sa gawain ng Diyos.

Pangunahing pananagutan ng mga ina ang pangangalaga sa kanilang mga anak.

Dapat tulungan ng mga ama at ina ang isa’t isa bilang magkapantay na pareha.

Aralin 12: Pagtuturo sa mga Anak sa Pamamagitan ng Halimbawa at Tagubilin

Pananagutan ng mga magulang na turuan ng kanilang mga anak.

Makatatanggap ng inspirasyon ang mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak.

Nagtuturo ang mga magulang sa pamamagitan ng halimbawa at tagubilin.

Aralin 13: Pagtuturo ng mga Alituntunin ng Ebanghelyo sa mga Bata (Bahagi 1)

Makatutulong ang mga turo ng mga magulang sa mga bata upang manatiling malakas ang kanilang pananampalataya.

Dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga unang alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo.

Ang mga magulang ay dapat “turuan ang kanilang mga anak na manalangin, at lumakad nang matwid sa harapan ng Panginoon.”

Aralin 14: Pagtuturo ng mga Alituntunin ng Ebanghelyo sa mga Bata (Bahagi 2)

Nagpapakita ng pagmamahal ang mga magulang sa kanilang mga anak kapag tinuturuan nila ang mga ito.

Dapat turuan ng mga magulang ang mga anak ng pagkahabag at paglilingkod.

Dapat turuan ng mga magulang ang mga anak ng katapatan at paggalang sa pag-aari ng iba.

Dapat ituro ng mga magulang sa mga anak ang tungkol sa mga gantimpala ng matapat na pagtatrabaho.

Dapat turuan ng mga magulang ang mga anak ng kadalisayang pari.

Aralin 15: Paggabay sa Mga anak sa paggawa nila ng mga pasiya

Kailangan ng mga anak ng gabay sa paggawa nila ng mga pasiya.

Matutulungan ng mga magulang ang mga anak na gamitin sa kabutihan ang kanilang pagpili.

Dapat pahintulutan ng mga magulang ang mga anak na matuto mula sa mga kinahinatnan ng hindi mabubuting pasiya.

Dapat magpakita ng walang-maliw na pagmamahal ang mga magulang sa mga anak na naliligaw ng landas.

Aralin 16: Pangmag-anak na Panalangin, Pangmag-anak na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at Gabing Pantahanan ng Mag-anak

Dapat bigyan ng bawat mag-anak na Banal sa mga Huling Araw ng mataas na priyoridad ang pangmag-anak na panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan at gabing pantahanan ng mag-anak.

Nakatatanggap ng mga dakilang pagpapala ang mga mag-anak kapag magkakasama silang nananalangin.

Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay nakatutulong sa mga mag-anak na mapalapit sa Diyos.

Tumutulong ang gabing pantahanan ng mag-anak na mapatibay ng mga mag-anak ang kanilang sarili laban sa mga makamundong impluwensiya.