Magreport: Ibahagi sandali sa grupo ang isang bagay na ginawa mo noong nakaraang linggo para malutas ang isang problema.
Pag-isipang mabuti: Paano ako talagang nailigtas ng paglimot sa aking sarili sa paglilingkod sa iba?
Panoorin: “In the Lord’s Way,” available sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin sa pahina 21 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Pangulong Henry B. Eyring : Ang mga alituntunin sa pagtatatag ng programang pangkapakanan ng Simbahan ay hindi pangminsanan o sa isang lugar lamang. Ang mga ito ay para sa lahat ng panahon at lugar. …
… Ang paraan para magawa ito ay malinaw. Yaong mas nakakaangat sa buhay ay dapat magpakumbaba ng kanilang sarili para tulungan ang mga nangangailangan. Yaong sagana ang buhay ay dapat kusang magbigay ng tulong, oras, mga kasanayan at resources upang maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan. At ang mga ito ay dapat ibigay sa paraang mapapalakas ang kakayahan ng tinutulungan para mapangalagaan ang kanilang mga sarili [at pagkatapos ay mapangalagaan ang iba. Kapag ginawa ito ayon sa pamamaraan ng Panginoon, napakaganda ng kahahantungan nito. Kapwa pagpapalain ang tumulong at tinulungan. (Hango sa mensaheng ibinigay ni Pangulong Eyring sa paglalaan ng Sugarhouse Utah Welfare Services Center, Hunyo 2011, LDS.org )
Pangulong Dieter F. Uchtdorf : Mga kapatid, lahat tayo ay may responsibilidad sa tipan na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba at maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—tumulong, magbasbas, at magpasigla sa mga nasa paligid natin.
Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin. Ang di-makasariling paglilingkod at lubos na paglalaan ay nagpapadalisay sa ating espiritu, nag-aalis ng tabing sa ating espirituwal na mga mata, at nagbubukas ng mga dungawan ng langit. Sa pagiging sagot sa dalangin ng iba, kadalasan ay nasasagot ang sarili nating dalangin.
(“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 76)
Bumalik sa pahina 20 .
Talakayin: Paano nabubuksan ng paglinglikod sa iba ang “mga dungawan ng langit” sa iyong buhay?
Basahin: Pakiramdam ng ilan ay nararapat sila sa anumang mayroon na ang iba, na maaaring magsanhi ng hinanakit. Pakiramdam naman ng iba ay may karapatan sila sa mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Ang dalawang patibong na ito ay bumubulag sa mga tao kaya hindi nila makita ang isang mahalagang katotohanan: lahat ng bagay ay sa Diyos. Ang hinanakit at pag-angkin ng karapatan ay madaraig sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga pangangailangan ng iba. Basahin ang Mosias 2:17 , Mosias 4:26 , at ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan).
“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”
“At ngayon, alang-alang sa … pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa araw-araw, … nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapanamit sa hubad, pagdalaw sa may karamdaman, at pangangasiwa sa kanilang ikagiginhawa, kapwa espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan.”
“Kapag nagkakaisa kayo, ang inyong kapangyarihan ay walang-hangganan. Magagawa ninyo ang naisin ninyong gawin.”
Gordon B. Hinckley , “Ang Iyong Pinakamalaking Hamon, Inay,” Liahona, Ene. 2001, 113
Step 1: Bilang grupo, mag-isip ng isang tao na nangangailangan ng tulong.
Step 2: Talakayin ang mga talento, kontak, at resources na maibibigay mo.
Step 3: Planuhing paglingkuran ang taong iyon. Halimbawa, maaari kayong:
Magsagawa ng service project sa inyong komunidad.
Ihanda ang inyong family history gamit ang booklet na My Family: Stories That Bring Us Together. Pagkatapos ay magpunta sa templo at magsagawa ng mga sagradong ordenansa para sa mga kapamilyang yumao na.
Tumulong sa isang tao sa kanyang daan patungong self-reliance.
Basahin: Mga sinabi nina Elder Robert D. Hales at Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan)
“Ang layunin ng [pagiging self-reliant sa] temporal at espirituwal ay ilagay ang ating sarili sa mas mataas na lugar nang maiahon natin sa hirap ang ibang nangangailangan.”
Robert D. Hales , “Pagkilala sa Ating Sarili: Ang Sakramento, ang Templo, at Sakripisyo sa Paglilingkod,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 36
“Kapag nagtutulungan tayo, … magagawa natin ang anumang bagay. Kapag ginawa natin ito, inaalis natin ang kahinaan ng isang taong nakatayong mag-isa at hinahalinhan ito ng lakas ng marami na sama-samang naglilingkod.”
Thomas S. Monson , “Church Leaders Speak Out on Gospel Values,” Ensign, Mayo 1999, 118
Mangakong Gawin: Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.