Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Mga Nilalaman


Mga Nilalaman

Paano Gamitin ang Manwal na Ito

Ang Ang Aking Saligan ay tumutulong sa mga tao na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng doktrina na humahantong sa espirituwal at temporal na self-reliance. Mas maganda kapag narepaso ito sa isang maliit na grupo na may 8 hanggang 12 tao o bilang isang pamilya. Linggu-linggo ibang miyembro ng grupo ang magiging facilitator. Ang facilitator ay hindi nagtuturo ng alituntunin sa grupo. Sa halip, sinusunod niya ang mga materyal at hinihikayat ang lahat na makibahagi. Lahat ng video ay matatagpuan online sa srs.lds.org/videos.

Kapag Nakita Mo ang mga Prompt na Ito, Sundin ang mga Direksyong Ito

Magreport

Pag-isipang Mabuti

Panoorin

Talakayin

Basahin

Aktibidad

Mangakong Gawin

Ibinabahagi ng grupo ang kanilang progreso sa pagtupad sa mga pangako sa loob ng 3–4 na minuto.

Magninilay ang bawat isa at susulat nang tahimik sa loob ng mga 2–3 minuto.

Manonood ng video ang grupo.

Magbabahagi ng mga ideya bilang isang grupo sa loob ng mga 2–4 na minuto.

Isang tao ang magbabasa nang malakas para sa buong grupo.

Gagawa nang isa-isa o magkakasama sa loob ng mga 5 minuto.

Bawat tao ay nangakong umaksyon sa mga item sa loob ng linggong ito.

Mga Self-Reliance Group

Matutulungan ka ng mga self-reliance group na mapahusay ang iyong personal na pera, trabaho, maliit na negosyo, o edukasyon. Para makasali sa isang self-reliance group, kontakin ang inyong stake self-reliance specialist.