Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
3: Hawakan nang Maayos ang Pera


3:

Hawakan nang Maayos ang Pera

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo kung paano napalakas ng araw ng Sabbath o ng Aklat ni Mormon ang iyong pananampalataya noong nakaraang linggo.

Pag-isipang mabuti:Bakit napakahirap hawakan nang maayos ang pera—at bakit napakahalaga nito?

Panoorin:“First Things First!” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 10.)

Unahin ang Mahalaga!

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, i-assign sa mga group member ang mga role mula sa script at ipabasa ito.

still from First Things First

Tagpo: Batang lalaki at batang babae, na nakadamit na pang-matanda, at ginagaya ang kanilang mga magulang.

Batang Lalaki: Narito na ako, mahal.

Batang Babae: Welcome home. Naku, mukhang pagod ka.

Batang Lalaki: Ikaw rin. Ang dami mo yatang ginawang trabaho?

Batang Babae: Kailangan nating magtrabaho, ’di ba?

Batang Lalaki: Kumita ako ng 10 ngayon.

Batang Babae: Naku, blessing ’yan. Unahin natin ang mahalaga. Magbayad tayo ng ikapu.

Batang Lalaki: Pero paano kung kulangin ang pera natin?

Batang Babae: Diyan papasok ang pananampalataya!

Batang Lalaki: Okey. Ano ang susunod?

Batang Babae: Bumili tayo ng pagkain, magtabi ng pamasahe, at bayaran ang upa sa bahay. At pagkatapos, magandang bumili ng isang upuan …

Batang Lalaki: Pero hindi pwede. Kulang na ang pera natin.

Batang Babae: Pwede ba tayong umutang?

Batang Lalaki: Sabi nila delikadong mangutang. Huwag tayong pumasok sa problema.

Batang Babae: Okey. Tama ka. Eh, ano ang gagawin natin dito?

Batang Lalaki: Iimpok natin! Baka may mangyaring emergency.

Batang Babae: Tama nga. Pero wala na tayong pang-pasyal.

Batang Lalaki: Magkasama naman tayo! At dadagdagan ko pa ang kita ko.

Batang Babae: Hindi ako gaanong gagastos!

Batang Lalaki: Sa ganyang paraan magiging masaya tayo—at self-reliant!

Batang Babae: Tama! Hindi naman pala mahirap. Bakit pinapahirap ito ng matatanda?

Batang Lalaki: Alam mo na. Ganoon talaga sila.

Bumalik sa pahina 8.

Talakayin:Bakit kailangan nating i-monitor at tipirin ang ating pera?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 104:78 at ang pahayag mula sa Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay (sa kanan)

Talakayin:Basahin ang paraan ng self-reliant sa maayos na paghawak ng pera (ibaba). Paano natin ito makakagawian?

diagram self-reliant approach

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • I-monitor ang kinikita at ginagastos mo araw-araw. Magagamit mo ang Income and Expense Record sa pahina 11.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa maayos na paghawak ng pera sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Income and Expense Record

Isulat kung magkano ang nagagastos mo bawat linggo. Ano kaya ang pakiramdam kung may sapat na pera ka para sa mga pangangailangan mo?

Magkano ang nagagastos ko linggu-linggo?

Magkano ang kailangan ko bawat buwan para maging self-reliant?

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Kinita

Ikapu, mga handog

Savings

Pagkain

Tirahan

Mga gastusing medikal

Transportasyon

Mga gastusin sa pag-aaral

Pambayad sa mga utang

Pananamit

Utilities

Telepono

Libangan

Insurance o Seguro

Iba pa

Kabuuang gastos