Magpatuloy sa Iyong Daan patungong Self-Reliance
-
Basahin:Congratulations! Sa nakaraang 12 linggo nakapagtatag ka ng mga bagong gawi at naging mas self-reliant. Nais ng Panginoon na patuloy mong pag-ibayuhin ang mga kakayahang ito at magkaroon ng mga bagong kakayahan. Kapag nanalangin tayo at nakinig, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang mga bagay sa ating buhay na kailangan nating pagbutihin.
-
Talakayin:Ano ang magagawa natin para makapagpatuloy sa ating daan patungong self-reliance? Paano tayo patuloy na magtutulungan?
-
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa susunod na 12 linggo. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
-
Repasuhin at patuloy na ipamuhay ang lahat ng 12 alituntunin at gawi ng self-reliance.
-
Ibahagi sa iba ang natutuhan mo tungkol sa self-reliance. Patuloy na tulungan ang mga kagrupo mo o mag-alok na mag-facilitate ng bagong self-reliance group.
-
Pag-ibayuhin ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isa pang self-reliance group.
-
Pag-aralan ang mga alituntunin ng doktrina ng self-reliance sa ibaba.
-
Mga Alituntunin ng Doktrina tungkol sa Self-Reliance | ||
---|---|---|
Ang self-reliance ay isang kautusan. |
Layunin ng Panginoon na maglaan para sa Kanyang mga Banal, at taglay Niya ang lahat ng kapangyarihan para gawin ito. |
Ang temporal at espirituwal ay hindi mapaghihiwalay. |
Doktrina at mga Tipan 104:15; Juan 10:10; Mateo 28:18; Mga Taga Colosas 2:6–10 |