Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
7: Lutasin ang mga Problema


7:

Lutasin ang mga Problema

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo ang isang mahirap na gawaing natapos mo noong nakaraang linggo.

Pag-isipang mabuti:Bakit tinutulutan ng Ama sa Langit na magkaroon tayo ng mga problema at pagsubok?

Panoorin:“A Bigger Truck?” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 19.)

Mas Malaking Trak?

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from A Bigger Truck

Elder Dallin H. Oaks: Dalawang lalaki ang nagsosyo sa negosyo. Nagtayo sila ng maliit na silungan sa tabi ng mataong daan. Kumuha sila ng sasakyan at nagpunta sa bukid ng isang magsasaka, at doo’y bumili ng isang trak ng milon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala nila ang trak na puno ng milon sa kanilang silungan sa tabi ng daan, at doo’y ipinagbili ang kanilang mga milon ng isang dolyar bawat isa. Nagbalik sila sa bukid ng magsasaka at bumili ng isa pang trak ng … milon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala ang mga ito sa tabi ng daan, muling ipinagbili sa halagang isang dolyar ang bawat milon. Habang papunta sila muli sa bukid ng magsasaka upang muling magkarga, sinabi ng isang kasosyo sa isa, “Kaunti lang yata ang kita natin sa negosyong ito, ’di ba?” “Hindi naman,” sagot ng isa pa. “Palagay mo kailangan natin ng mas malaking trak?”

(“Pokus at mga Priyoridad,” Liahona, Hulyo 2001, 82)

Bumalik sa pahina 18.

Talakayin:Ano ang tunay na problema sa kuwentong ito? Ano ang ilang opsyon ng dalawang lalaki?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 9:7–9 at ang sinabi ni Elder Robert D. Hales (sa kanan)

Basahin:1 Nephi 17:51 at 1 Nephi 18:2–3 (sa kanan)

Talakayin:Paano nakabuo ng sasakyang-dagat si Nephi?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Kumilos ayon sa mga hakbang na tinalakay mo sa aktibidad upang simulan ang paglutas sa problema mo. Tandaan, huwag sumuko. Matagal lumutas ng mga problema at gumawa ng mga pagbabago.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa paglutas ng mga problema sa iyong pamilya o mga kaibigan.