Magreport: Ibahagi sandali sa grupo ang isang bagay na nagawa mo noong nakaraang linggo dahil nagamit mo nang matalino ang oras mo.
Pag-isipang mabuti: Bakit nais ng Ama sa Langit na ako mismo ang maging responsable sa buhay ko?
Panoorin: “Sedrick’s Journey,” available sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin sa pahina 17 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Sedrick : Ako si Sedrick Kambesabwe. Nakatira ako sa Democratic Republic of the Congo. Miyembro ako ng LDS Church.
Branch missionary ako sa nayon ng Kipusanga. Kailangan kong maghanda sa pagmimisyon sa ibang bansa. Para makapagmisyon, kailangan ko ng passport, na ang halaga ay 250 U.S. dollars.
Para kumita, bumibili kami ng tatay ko ng mga saging. Maraming inaaning saging ang ilang nayon: Tishabobo, Lusuku, at Kamanda.
Ang Tishabobo ay mga 9 na milya mula rito. Ang Lusuku ay 18 milya. Gayon din ang Kamanda. Pumupunta kami roon at bumibili ng mga saging, at ibinibenta rito sa amin.
Para makapunta sa mga nayon, nagbibisikleta kami. Ang kaya naming dalhin ay apat o anim na buwig ng saging.
Kapag nakabisikleta ako, isa’t kalahating oras ang papunta at gayundin ang pabalik, kung hindi sira ang bisikleta at may lakas pa ako. Kapag tanghaling-tapat at masyadong mainit, mabagal ang kilos ko dahil sa init at sikat ng araw.
Kaya kong magdalawang biyahe kada araw kung madaling-araw ako gigising. Magandang paraan ito para mabayaran ang aking passport.
Ngayon ay kumikita na ako, paunti-unti, kaya nag-iimpok ako para sa pag-aaral at misyon ko. At ngayon, makalipas ang apat na taong pagtatrabaho, may pambayad na ako ng passport ko, may 70 dollars pa akong impok.
Bumalik sa pahina 16 .
Talakayin: Paano tayo matututong magtiyaga, kahit mahirap ang trabaho?
Basahin: Doktrina at mga Tipan 42:42 at ang sinabi ni Pangulong James E. Faust (sa kanan)
“Huwag kayong maging tamad; sapagkat siya na tamad ay hindi makakakain ng tinapay ni makapagsusuot ng kasuotan ng manggagawa.”
Doktrina at mga Tipan 42:42
“Ang pagtitiyaga ay makikita sa mga taong … hindi sumusuko kahit sabihin pa ng iba na, ‘Hindi magagawa ito.’”
James E. Faust , “Pagtitiyaga,” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 51
Talakayin: Basahin ang sinabi ni Elder D. Todd Christofferson (sa pahina 17 ). Bakit inaasahan ng Panginoon na pagtatrabahuhan natin ang tinatanggap natin?
“Ipinlano ng Diyos ang mortal na buhay na ito na nangangailangan ng patuloy na paggawa. … Sa pamamagitan ng paggawa natutustusan natin at napagiginhawa ang buhay. … Ang paggawa ay nagpapalakas at nagdadalisay ng pagkatao, lumilikha ng kagandahan, at ang kasangkapan sa ating paglilingkod sa isa’t isa at sa Diyos. Ang buhay na inilaan ay puno ng paggawa, minsan paulit-ulit, … minsan hindi napahahalagahan ngunit palaging ginagawa ang yaong nagpapaunlad, … nakatutulong, [at] nagpapabuti.”
D. Todd Christofferson , “Larawan ng Isang Buhay na Inilaan,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 17
Step 1: Pumili ng partner at magkasama ninyong basahin ang bawat hakbang sa huwaran sa ibaba.
Step 2: Sabihan ninyo ang isa’t isa na magsalita tungkol sa isang napakahirap na gawain o hamon na kasalukuyang kinakaharap ng isa.
Step 3: Tulungan ang isa’t isa na iangkop ang apat na hakbang sa ibaba sa mahirap na gawain o hamon.
➊
Magkaroon ng Mabuting Pag-uugali
➋
Tandaan na Magtulungan
➌
Palitan ng Pananampalataya ang Takot
➍
Sumulong nang may Pagtitiyaga at Tapang
Ilista ang iyong mga pagpapala.
Magpatulong sa mga kaibigan, kasamahan, kagrupo, at sa iba pa.
Iwasang mag-alinlangan. Tandaan na nasa Panginoon ang lahat ng kapangyarihan. Manalangin sa Kanya at tanggapin ang Kanyang kalooban.
Huwag na huwag sumuko; magtiis nang may pananampalataya. Maghanap ng mga lesson na maaaring itinuturo sa iyo ng Panginoon.
Step 4: Sumulat ng dalawa o tatlong paraan na makakasulong ka nang may pananampalataya, na nagtitiwala na maglalaan ang Diyos.
Gumawa ng Tala
Pag-isipang mabuti: Basahin ang sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan). Paano ako tumutugon kapag dumaranas ako ng kabiguan?
“Responsibilidad nating umangat mula sa pagiging karaniwan lamang tungo sa pagiging mahusay, mula sa kabiguan tungo sa tagumpay. Ang tungkulin natin ay maabot ang pinakamahusay natin. Isa sa pinakadakilang mga kaloob ng Diyos sa atin ay ang kagalakang magsikap na muli, dahil hindi kailangang magwakas sa kabiguan ang lahat.”
Thomas S. Monson , “The Will Within,” Ensign, Mayo 1987, 68
Mangakong Gawin: Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
Pumili ng isang bagay na mahirap o hindi komportableng gawin at tapusin ang gawain. Isulat ito sa ibaba.
Gumawa ng Tala
Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa trabaho at pagtitiyaga sa iyong pamilya o mga kaibigan.