Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
1: Ang Self-Reliance ay Isang Alituntunin ng Kaligtasan


1:

Ang Self-Reliance ay Isang Alituntunin ng Kaligtasan

Bago magsimula, basahin ang “Paano Gamitin ang Manwal na Ito” sa loob ng pabalat sa harap.

Pag-isipang mabuti:Juan 10:10 (sa kanan)

Talakayin:Ano ang isang masaganang buhay?

Panoorin:“He Polished My Toe,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 5.)

Pinakintab Niya ang Daliri Ko sa Paa

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from He Polished My Toe

Elder Enrique R. Falabella: Habang lumalaki ako, wala kaming gaanong pera. Naaalala ko nang lapitan ko isang araw ang aking ama at sinabi ko sa kanya, “Papa, kailangan ko po ng bagong sapatos. Luma na po itong suot ko.” Tumigil siya at tiningnan ang sapatos ko at nakita niya na talagang luma na ito. Sabi niya, “Palagay ko maaari nating ayusin ito.” Kumuha siya ng kaunting itim na shoe polish at nilagyan ang sapatos ko, at makintab at maganda na ito. Sabi niya sa akin, “Hayan, maayos na ang sapatos mo, anak.” Sumagot ako, “Hindi po, hindi pa. Kita pa rin po ang daliri ng paa ko.” Sabi niya, “Kung gayon, aayusin din natin iyan!” Kumuha pa siya ng shoe polish at nilagyan niya ang daliri ko sa paa!

Noong araw na iyon nalaman ko na mayroong solusyon sa bawat problema. Kumbinsido ako na ang alituntuning ito ng self-reliance at ang inisyatibong ito ay isang paraan para mapabilis ang gawain ng Panginoon. Bahagi ito ng gawain ng kaligtasan. Tayong lahat ay maaaring maging mas mabuti pa kaysa ngayon. Kailangan ninyong kalimutan ang kawalan ng interes. Maraming beses tayong kampante, at sumisira ito sa ating pag-unlad. Araw-araw ay maaari akong umunlad kung ipapasiya kong gumawa ng isang bagay na kakaiba para mapaganda ang hindi magandang nagawa ko noon. Kung gagawin mo ito nang may pananalig, na nagpapakita ng pananampalataya at pag-asa kay Cristo na nariyan Siya para tumulong sa iyo, makikita mo ang paraan para umunlad sa temporal at espirituwal na mga bagay. Ito ay dahil sa ang Diyos ay buhay, at ikaw ay Kanyang anak.

Bumalik sa pahina 4.

Talakayin:Naniniwala ka ba na mayroong solusyon sa mga problema mo? Paano tayo magiging marapat sa kapangyarihan ng Panginoon para tulungan tayo?

Basahin:Ang reperensya sa Handbook 2 at ang sipi ni Elder Dallin H. Oaks (sa kanan). Ang pagiging self-reliant ay hindi nangangahulugan na magagawa o matatamo natin ang anumang gusto natin. Sa halip, ito ay paniniwala na sa pamamagitan ng biyaya, o nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ni Jesucristo at sa sariling sikap, natatamo natin ang lahat ng espirituwal at temporal na pangangailangan sa buhay na kailangan natin para sa ating sarili at sa ating pamilya. Ang self-reliance ay katibayan ng ating tiwala o pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos na gumawa ng mga himala sa ating buhay at bigyan tayo ng lakas para magtagumpay sa mga pagsubok at paghihirap.

Talakayin:Paano ka natulungan ng biyaya ni Cristo na makamtan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay?

Talakayin:Basahin ang sinabi ni Pangulong Marion G. Romney (sa kanan). Paano mo malalaman na nagiging mas self-reliant ka?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Basahin ang liham ng Unang Panguluhan sa pahina 3, at salungguhitan ang ipinangakong mga pagpapala. Ano ang kailangan mong gawin para matamo ang mga ito? Isulat ang iyong mga naisip sa ibaba.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa self-reliance sa iyong pamilya o mga kaibigan.