11:
Maghangad na Matuto: Magpasiya Kung Saan Ka Patungo at Paano Makarating Doon
-
Magreport:Ibahagi sandali ang isang karanasan nang magpakita ka ng integridad noong nakaraang linggo.
-
Pag-isipang mabuti:Paano lumilikha ng pagkakataon ang pag-aaral?
-
Panoorin:“Education for a Better Life,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 29.)
-
Talakayin:Ano ang ninais ni Elder Joseph W. Sitati noong 13 anyos siya? Ano ang ginawa niya tungkol dito?
-
Basahin:Doktrina at mga Tipan 88:118–19 at ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan)
-
Pag-isipang mabuti:Ano ang mga naiisip at nadarama mo mula sa Espiritu Santo para mapabuti ang iyong buhay?
-
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
-
Kumpletuhin ang sumusunod na mga mithiin at mag-mentor sa mga aktibidad.
-
Tapusin ang pagsulat ng plano sa iyong “misyon sa buhay” at talakayin ito sa inyong pamilya.
-
Pakiusapan ang isang tao na maging mentor mo at itakda ang oras ng iyong pagkikita.
-
Aktibidad—Paglikha ng mga Mithiin
Step 1: Basahin ang sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter (sa kanan). Dahil sa mga mithiin, kumikilos tayo para matamo ang ating mga inaasam.
“Ito ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kailangan nating magsisi at magtika. Sa katunayan, ang proseso ng pagsisisi, paggawa ng mga pangako, at pagtatakda ng mga mithiin ay dapat maging tuluy-tuloy. … Inihahabilin ko ang gawaing ito sa inyo.”
Howard W. Hunter, “The Dauntless Spirit of Resolution” (Brigham Young University devotional, Ene. 5, 1992), 2, speeches.byu.edu
Ang mga mithiin ay dapat:
-
Maging tukoy at maaaring sukatin.
-
Isulat at ilagay sa lugar kung saan mo makikita ang mga ito araw-araw.
-
Magkaroon ng takdang araw ng pagtatapos.
-
Magkaroon ng partikular na mga gagawin para maisakatuparan ang mithiin.
-
Palaging repasuhin, ireport, at i-update.
Step 2: Sa hiwalay na papel, isulat ang dalawa o tatlong mithiing makakatulong sa iyo na makamtan ang iyong misyon sa buhay. Sundin ang halimbawa sa ibaba. Ilagay ang papel sa lugar na makikita mo ito araw-araw.
Mithiin |
Bakit? |
Partikular na mga Hakbang para Makamit ang Mithiin |
Timeline |
Kanino Ko Irereport ang Aking Progreso? |
---|---|---|---|---|
HALIMBAWA: Basahin ang Aklat ni Mormon nang 30 minuto bawat araw. |
Para makatanggap ako ng patnubay araw-araw mula sa Espiritu Santo. |
1. Gumising nang alas-6:00 n.u. araw-araw. 2. Magbasa bago mag-almusal. 3. Irekord ang aking progreso sa isang tsart. |
Susuriin ko ang aking progreso gabi-gabi bago ako matulog. |
Ibabahagi ko ang aking progress chart sa isang kapamilya bawat Linggo. |
Aktibidad—Paghahanap ng Mentor
Step 1: Basahin ang sinabi ni Elder Robert D. Hales (sa kanan). May iba’t ibang uri ng mga mentor. Maaaring kailanganin mo ng isang taong maraming karanasan para sagutin ang iyong mga tanong—isang taong nagawa na ang nais mong gawin. Ang ibang mga mentor ay maaaring mabubuting kaibigan o kapamilya. Ito ang mga taong handang mag-ukol ng mas maraming oras para hikayatin kang gumawa ng mga pagbabago sa buhay mo at gawin kang responsable sa iyong progreso.
“Noong binata pa ako, humingi ako ng payo sa aking mga magulang at sa tapat at mapagkakatiwalaang mga tagapayo. Ang isa ay lider ng priesthood; ang isa naman ay gurong naniniwala sa akin. … Mapanalanging piliin ang mga tagapagturo na iniisip ang inyong espirituwal na kapakanan.”
Robert D. Hales, “Pagtugon sa mga Hamon ng Mundo Ngayon,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 46
Step 2: Pag-isipan ang uri ng tulong na kailangan mo. Ilista ang mga taong maaaring maging mentor mo. Pagnilayan at ipagdasal ang iyong listahan ng mga pangalan.
Step 3: Sagutin ang mga tanong sa ibaba para masimulan ang pakikipag-ugnayan sa mentor. Para maanyayahan ang isang tao na maging mentor mo, itanong mo lang, “Sinisikap kong baguhin ang buhay ko. Handa ka bang tulungan ako?”
Ang Mentor Ko |
---|
Sino ang gusto mong maging mentor mo? |
Ano ang itatanong mo sa kanya para maging mentor mo? |
Kailan kayo puwedeng magkita para ipaalam ang iyong “misyon sa buhay” at mga mithiin? |
Gaano kadalas mo gustong makipagkita sa mentor mo? |
Step 4: Alalahanin na ikaw ang responsable sa iyong “misyon sa buhay.” Kapag kinausap mo ang mentor mo:
-
Repasuhin ang iyong progreso.
-
Repasuhin ang mga balakid sa iyong progreso at ang ginagawa mo para malagpasan ang mga ito.
-
Repasuhin ang partikular na plano mong gawin bago ka makipagkita ulit sa mentor mo.