Magreport: Ibahagi ang sinabi mong “misyon sa buhay” kung gusto mo.
Pag-isipang mabuti: Ano ang ilan sa mga bagay na pinakamahalaga sa iyo?
Panoorin: “Doing What Matters Most,” available sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin sa pahina 31 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Narrator : Isang eroplano ang bumagsak sa Florida isang gabing madilim noong Disyembre. Mahigit 100 katao ang namatay. Mga 20 milya lamang ang layo para makalapag nang ligtas.
Pangulong Dieter F. Uchtdorf : Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin ang dahilan. Ang landing gear ay nakababa nang wasto. Nasa kundisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nang maayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyang iyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwi sa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao.
Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew ay nagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay na pinakamahalaga.
Ang ugaling magtuon ng pansin sa hindi mahalaga at pabayaan ang pinakamahahalagang bagay ay nangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. Lahat tayo ay nasa panganib. … Nakatuon ba ang isip at puso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay na pinakamahalaga?
(“Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’t Hindi Kami Makababa,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 59, 60)
Bumalik sa pahina 30 .
Talakayin: Anong mga bagay na walang kabuluhan ang nakakaabala sa ating progreso? Paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng ebanghelyo?
Basahin: Doktrina at mga Tipan 84:20 at ang sinabi ni Pangulong Boyd K. Packer (sa kanan)
“Samakatwid, sa mga ordenansa nito, ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita.”
Doktrina at mga Tipan 84:20
“Pagpapalain tayo ng Panginoon sa pagsasagawa natin ng sagradong ordenansa ng mga templo. Ang mga pagpapala doon ay hindi limitado sa ating serbisyo o paglilingkod sa templo. Pagpapalain tayo sa lahat ng ating mga gawain. Magiging marapat tayo sa paggabay ng Panginoon sa ating espirituwal at temporal na mga gawain.”
Boyd K. Packer , Ang Banal na Templo (1980), 182
Talakayin: Sa paghahangad nating maging self-reliant, bakit mahalagang maging karapat-dapat sa templo?
Step 1: Kasama ang partner, basahin ang sinabi ni Elder Quentin L. Cook (sa kanan) at ang sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan. Salungguhitan ang ipinangakong mga pagpapala para sa mga taong sumasamba sa templo.
“Makabubuting pag-aralan natin ang ika-109 na bahagi ng Doktrina at mga Tipan at sundin ang payo ni Pangulong [Howard W.] Hunter na “itatag ang templo ng Panginoon bilang dakilang simbolo ng [ating] pagiging miyembro.”
Quentin L. Cook , “Tingnan ang Inyong Sarili sa Templo,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 99; sinipi mula sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Howard W. Hunter (2015), 195
“Samakatwid, sa mga ordenansa nito, ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” (D at T 84:20 ).
“At nang sila ay lumaki sa inyo, at makatanggap ng kaganapan ng Espiritu Santo, at mabuo alinsunod sa inyong mga batas, at maging handa na matamo ang bawat kinakailangang bagay” (D at T 109:15 ).
“At kapag ang inyong tao ay lumabag, sinuman sa kanila, sila ay madaling makapagsisisi at bumalik sa inyo, at makahanap ng kasihan sa inyong paningin, at mapanumbalik sa mga pagpapala na inyong itinalagang ibubuhos sa mga yaong nagpipitagan sa inyo sa inyong bahay” (D at T 109:21 ).
“At hinihiling namin, Banal na Ama, na ang inyong mga tagapaglingkod ay makahayo mula sa bahay na ito na sakbit ang inyong kapangyarihan, at nang ang inyong pangalan ay mapasakanila, at ang inyong kaluwalhatian ay bumalot sa kanila, at ang inyong mga anghel ay mangalaga sa kanila” (D at T 109:22 ).
“Hinihiling namin, Banal na Ama, … na walang sandatang ginawa laban sa kanila ang magtatagumpay” (D at T 109:24–25 ).
Step 2: Pagnilayang mag-isa, “Ano ang kailangan kong baguhin sa aking buhay upang makabahagi nang mas madalas sa mga ordenansa sa templo?”
Gumawa ng Tala
Mangakong Gawin: Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
Kung may temple recommend ka, itakda ang petsa ng pagdalo sa templo.
Kung wala kang temple recommend, kausapin ang iyong bishop o branch president para pag-usapan kung paano ka makapaghahanda para matanggap ang iyong mga ordenansa sa templo.
Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa mga ordenansa sa templo sa iyong pamilya o mga kaibigan.
Magpunta sa pahina 32 at repasuhin ang susunod mong mga hakbang.