Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
9: Makipag-usap: Manalangin at Makinig


9:

Makipag-usap: Manalangin at Makinig

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo kung paano mo pinaglingkuran ang isang tao noong nakaraang linggo.

Pag-isipang mabuti:Kailan nasagot ng Ama sa Langit ang aking mga dalangin?

Panoorin:“Creating Lift,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 23.)

Paglikha ng Pag-angat

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Creating Lift

Pangulong Dieter F. Uchtdorf: Para maiangat ang eroplano mula sa lupa, kailangang lumikha ng pag-angat. Sa aerodynamics, nangyayari ang pag-angat kapag dumadaan ang hangin sa mga pakpak ng eroplano at ang puwersa ng hangin sa ilalim ng pakpak ay mas malakas kaysa sa puwersa ng hangin sa ibabaw ng pakpak. Kapag nahigitan ng pag-angat ang paghila pababa ng grabidad [gravity], umaangat ang eroplano sa lupa at nagsisimulang lumipad.

Sa gayunding paraan, makalilikha tayo ng pag-angat sa ating espirituwal na buhay. Kapag ang puwersang tumutulak sa atin pataas ay mas malakas kaysa sa mga tukso at kalungkutang humihila sa atin pababa, makaaangat at makalilipad tayo tungo sa kinaroroonan ng Espiritu.

Bagaman maraming alituntunin ng ebanghelyo na tumutulong sa atin upang makaangat, gusto kong magtuon ng pansin sa isang ito.

Panalangin!

Ang panalangin ay isa sa mga alituntunin ng ebanghelyo na nagpapaangat. May kapangyarihan ang panalangin na ilayo tayo mula sa ating mga alalahanin sa mundo. Maiaangat tayo ng panalangin mula sa mga ulap ng pagdurusa o kadiliman tungo sa maliwanag at maaliwalas na papawirin.

Isa sa pinakadakilang mga pagpapala at pribilehiyo at oportunidad na mayroon tayo bilang mga anak ng ating Ama sa Langit ay ang pagkakataon nating makausap Siya sa pamamagitan ng panalangin. Masasabi natin sa Kanya ang mga karanasan natin sa buhay, pagsubok, at pagpapala. Makaririnig at makatatanggap tayo ng makalangit na patnubay mula sa Banal na Espiritu [anumang oras at saanmang lugar].

(Tingnan sa Dieter F. Uchtdorf, “Panalangin at ang Bughaw na Papawirin,” Ensign o Liahona, Hunyo 2009, 5–6)

Bumalik sa pahina 22.

Talakayin:Paano natin makikilala ang mga sagot sa ating mga dalangin? Bakit mahalagang bahagi ng panalangin ang pakikinig?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 8:2 at ang sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson (sa kanan)

Talakayin:Bakit mahalagang kasanayan ang pakikinig? Paano tayo matutulungan ng pakikinig na mabuti sa ating trabaho?

Basahin:Mga sinabi nina Pangulong Henry B. Eyring at Elder Robert D. Hales (sa kanan)

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Manalanging mag-isa at bilang pamilya tuwing umaga at gabi. Mag-ukol ng oras matapos ang bawat panalangin na mapitagang nakikinig para sa patnubay.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa pagkikipag-usap sa iyong pamilya o mga kaibigan.