Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
2: Manampalataya kay Jesucristo


2:

Manampalataya kay Jesucristo

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo kung paano ka naging mas self-reliant noong nakaraang linggo.

Pag-isipang mabuti:Paano nakakaapekto ang aking pananampalataya kay Jesucristo sa pagiging self-reliant ko?

Panoorin:“Exercise Faith in Jesus Christ,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 7.)

Manampalataya kay Jesucristo

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Exercise Faith in Jesus Christ

Elder David A. Bednar: Ang pagkilos ay nagpapakita ng pananampalataya. Dala ng mga anak ni Israel ang kaban ng tipan. Dumating sila sa Ilog Jordan. Ang pangako ay tatawid sila sa tuyong lupa. Kailan nahawi ang tubig? Nang mabasa muna ang kanilang mga paa. Naglakad sila sa ilog—kumilos sila. Sumunod ang kapangyarihan—nahawi ang tubig.

Madalas nating sabihin, “Okey, uunawain ko nang husto ang kaalamang ito, at pagkatapos ay isasagawa ko iyan.” Sinasabi ko na dapat sapat na ang alam natin para magsimula. Nasa tamang direksyon na tayo. Ang pananampalataya ay isang alituntunin—ang alituntunin—ng paggawa at ng kapangyarihan. Ang tunay na pananampalataya ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo at palaging humahantong sa pagkilos at paggawa.

(Tingnan sa “Seek Learning by Faith” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System religious educators, Peb. 3, 2006], lds.org/media-library)

Bumalik sa pahina 6.

Talakayin:Bakit palaging humahantong sa pagkilos ang tunay na pananampalataya? Bakit kailangan ang pananampalataya para tulungan tayo ng Diyos sa temporal at sa espirituwal?

Basahin:Mateo 6:30 at ang sipi mula sa Lectures on Faith (sa kanan)

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Ipakita ang iyong pananampalataya ngayong Linggo sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath at sa mapitagang pagtanggap ng sakramento.

  • Basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw.

  • Basahin ang mga banal na kasulatan sa pahina 7. Pumili ng isa at ibahagi ito sa inyong pamilya o mga kaibigan.

    Mga Banal na Kasulatan tungkol sa Faith in Action

    Dahil ayaw tumigil ni Daniel sa pagdarasal, itinapon siya sa yungib ng mga leon, ngunit ang “Dios … [ay] nagsugo ng kaniyang anghel, at … itinikom ang mga bibig ng mga leon, … at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya, sapagka’t siya’y tumiwala sa kaniyang Dios” (Daniel 6:22–23; tingnan din sa mga talata 16–21).

    Ibinigay ng Panginoon kay Lehi ang Liahona para gabayan ang kanyang pamilya, at “kumilos ito para sa kanila alinsunod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. … [Nang] sila ay naging mga tamad, at nakalimot na pairalin ang kanilang pananampalataya at pagiging masigasig … hindi sila sumulong sa kanilang paglalakbay” (Alma 37:40–41).

    “Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig … at subukin ninyo ako ngayon … kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan” (Malakias 3:10).

    Noong panahon ng taggutom, hiniling ni Elijah sa isang balo na ibigay nito sa kanya ang huling pagkain nito. Ipinangako ni Elijah na dahil sa pananampalataya niya, maglalaan ang Panginoon ng pagkain sa kanya, at hindi ito mauubos. (Tingnan sa I Mga Hari 17.)

    “Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila” (Isaias 41:17; tingnan din sa talata 18).