Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
4: Magsisi at Maging Masunurin


4:

Magsisi at Maging Masunurin

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo ang pag-unlad mo sa pagrerekord ng kita at gastusin noong nakaraang linggo.

Pag-isipang mabuti:Paano nauugnay ang pagsisisi at pagsunod sa self-reliance?

Panoorin:“Obedience Brings Blessings,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 13.)

Ang Pagsunod ay Nagdudulot ng mga Pagpapala

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Obedience Brings Blessings

Pangulong Thomas S. Monson: Napakagandang pangako! “Siya na sumusunod sa mga kautusan ay tumatanggap ng katotohanan at liwanag, hanggang sa siya ay maluwalhati sa katotohanan at malaman ang lahat ng bagay” [D at T 93:28]. …

Mga kapatid, ang pinakamalaking pagsubok sa buhay na ito ay pagsunod. “Susubukin natin sila,” sabi ng Panginoon, “upang makita kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang Diyos” [Abraham 3:25].

Sinabi ng Tagapagligtas, “Sapagkat lahat ng magkakaroon ng pagpapala sa aking mga kamay ay susunod sa batas na itinakda para sa pagpapalang yaon, at ang mga batayan nito, gaya ng pinasimulan bago pa ang pagkakatatag ng daigdig” [D at T 132:5].

Wala nang mas dakila pang halimbawa ng pagsunod kaysa sa ipinakita ng ating Tagapagligtas. Sinabi ni Pablo tungkol sa Kanya:

“Bagama’t siya’y Anak, gayon ma’y natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

“At nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya” [Sa Mga Hebreo 5:8–9].

Ang Tagapagligtas ay nagpakita ng dalisay na pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng sakdal na pamumuhay, sa pagsasakatuparan ng Kanyang sagradong misyon. Kailanma’y hindi Siya nagyabang. Kailanma’y hindi Siya nagmalaki. Kailanma’y hindi Siya nagtaksil. Palagi Siyang mapagpakumbaba. Palagi Siyang taos. Palagi Siyang masunurin. …

Nang maharap sa matinding pagdurusa sa Getsemani, kung saan dumanas Siya ng matinding sakit kung kaya’t “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” [Lucas 22:44], ipinakita Niya ang pagiging masunuring Anak sa pagsasabing, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” [Lucas 22:42].

Katulad ng tagubilin ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol noon, Kanya rin tayong tinatagubilinan, “Sumunod ka sa akin” [Juan 21:22]. Handa ba tayong sumunod?

Ang kaalamang hinahanap natin, ang sagot na hinahangad natin, at ang lakas na ninanais natin ngayon para maharap ang mga hamon ng magulo at pabagu-bagong mundong ito ay maaaring mapasaatin kapag handa tayong sundin ang mga utos ng Panginoon. Babanggitin kong muli ang mga salita ng Panginoon: “Siya na sumusunod sa mga kautusan [ng Diyos] ay tumatanggap ng katotohanan at liwanag, hanggang sa siya ay maluwalhati sa katotohanan at malaman ang lahat ng bagay” [D at T 93:28].

Mapagpakumbaba kong idinadalangin na nawa ay pagpalain tayo nang sagana na ipinangako sa mga masunurin. Sa pangalan ni Jesucristo, na ating Panginoon at Tagapagligtas, amen.

(“Ang Pagsunod ay Nagdudulot ng mga Pagpapala,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 89, 92)

Bumalik sa pahina 12.

Talakayin:Anong mga pagpapala ang natanggap mo na sa pagsunod sa mga batas ng Diyos? Paano tayo tinutulungan ng pagsisisi na umunlad?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 130:20–21 at ang sinabi ni Propetang Joseph Smith (sa kanan)

Talakayin:Basahin ang Josue 3:5 at ang mga sinabi nina Elder Jeffrey R. Holland at Pangulong Spencer W. Kimball (sa pahina 13). Bakit tayo kailangang magsisi, magpakabanal, at magsikap na gumawa ng mabuti kapag hangad nating maging self-reliant?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Sundin ang batas na pinili mo sa aktibidad sa itaas.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa pagsunod sa iyong pamilya o mga kaibigan.