Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
5: Gamitin nang Matalino ang Oras


5:

Gamitin nang Matalino ang Oras

Magreport:Ibahagi sandali sa grupo ang isang pagpapalang natanggap mo noong nakaraang linggo dahil naging masunurin ka.

Pag-isipang mabuti:Bakit isa sa pinakadakilang mga kaloob ng Diyos ang oras?

Panoorin:“The Gift of Time,” available sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 15.)

Ang Kaloob na Oras

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, i-assign sa mga group member ang mga role mula sa script at ipabasa ito.

still from The Gift of Time

Kofi: Hello, Sister Benkosi. Kumusta?

Sister Benkosi: Okey ka ba, Kofi?

Kofi: Naku, Sister Benkosi. Marami po akong ginagawa. Kailangan kong magtrabaho at magsilbi at tumulong sa aking pamilya … at may football pa ako. Kulang talaga ang oras ko!

Sister B.: Kofi, nasa iyo ang lahat ng oras.

Kofi: Ano po?

Sister B.: Iho, binigyan tayo ng Diyos ng magandang kaloob—ang ating panahon. Gugulin natin ito sa bagay na pinakamahalaga.

Kofi: Pero paano po, Sister Benkosi? Lagi kayong maraming nagagawa. Matagumpay po kayo sa inyong pamilya at negosyo. Naglingkod kayo at natulungan ang marami, gaya ko. Di ko alam kung paano n’yo ito nagawa.

Sister B.: Gusto mo bang malaman? Kung mauupo ka at makikinig, sasabihin ko sa iyo ang sikreto ko.

Madaling-araw akong gumigising. Nagbibihis ako at naghihilamos.

Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos inililista ko ang gagawin ko sa araw na iyon.

Iniisip ko kung sino ang paglilingkuran ko. Nagdarasal ako para malaman ang kalooban ng Diyos. At nakikinig ako.

Kung minsan pumapasok sa isip ko ang mga pangalan o mukha ng mga tao. Idinaragdag ko sila sa listahan ko.

Kofi: Kaya ba lagi ninyong nalalaman kung sino ang paglilingkuran ninyo?

Sister B.: Oo, Kofi. At nagdarasal ako na bigyan ako ng lakas at karunungan. Dalangin ko na ang Diyos ay “[ilaan] ang [aking] pagganap.” Sinabi iyan sa 2 Nephi 32.

Nagpapasalamat ako sa Kanya. Nangangako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Nagpapatulong ako sa Kanya sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.

Pagkatapos tinitingnan ko ang listahan ko. Nilalagyan ko ng 1 ang pinakamahalaga, at ng 2 ang kasunod.

Kofi: Paano ninyo nalalaman kung ano ang uunahin?

Sister B.: Nakikinig ako kapag nagdarasal ako! Pagkatapos ay kumikilos ako. Tinitingnan ko ang number 1 at sinisikap kong unahin ito, at isinusunod ko ang number 2.

Kung minsa’y may nagbabago. Sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na iba ang gawin ko. Maganda iyon.

Nagpapakasipag ako, pero panatag ako. Alam kong tutulungan ako ng Diyos.

Kaya, sa tulong ng listahan ko at ng Espiritu, ginagawa ko ang mahalaga, Kofi.

Kofi: Parang simple lang gawin pero mahirap din.

Sister B.: Tama ka! Bago ako matulog, nagdarasal ako. Nagrereport ako sa Ama sa Langit. Sinasabi ko sa Kanya ang nangyari sa maghapon. Nagtatanong ako. Itinatanong ko kung ano ang puwede ko pang pagbutihin. Nakikinig ako. Madalas kong madama ang Kanyang pagmamahal. Alam kong pinag-iibayo Niya ang sinisikap kong gawin. Sa gayo’y napapanatag ako, Kofi, at nakakatulog.

Kofi: Ayos ‘yan, Mamma Benkosi. Gusto ko ang kapanatagang iyan. Gusto kong gamitin ang aking oras. Gusto kong gumawa at maglingkod nang mas mabuti.

Bumalik sa pahina 14.

Talakayin:Ano ang natutuhan mo mula kay Sister Benkosi?

Basahin:Alma 34:32 at ang sinabi ni Pangulong Brigham Young (sa kanan)

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Gawin ang mga hakbang na ito sa araw-araw para magamit nang mas matalino ang iyong oras. Magreport tuwing gabi sa Ama sa Langit sa iyong mga panalangin.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa matalinong paggamit ng oras sa iyong pamilya o mga kaibigan.