Mga Action Partner
Ang Pakinabang ng mga Action Partner
-
Basahin:Sa tulong ng iba, makagagawa kayo ng malalaking bagay. Halimbawa, ang mga missionary ay mayroong mga kompanyon para sa suporta. Sa ating mga grupo, mayroon tayong mga action partner. Bawat linggo ay pipili tayo at makikipagtuwang sa ibang action partner. Ang mga action partner ay nagtutulungan para masunod ang mga ipinangakong gagawin sa pamamagitan ng:
-
Pagtawag, pagte-text, o pagbisita sa isa’t isa sa buong linggo.
-
Pag-uusap tungkol sa natutuhan natin sa grupo.
-
Paghikayat sa isa’t isa na tuparin ang mga ipinangakong gagawin.
-
Pagpapayuhan tungkol sa mga hamon.
-
Pagdarasal para sa isa’t isa.
-
-
Talakayin:Paano nakatulong sa iyo ang isa pang tao na maisagawa ang isang bagay na mahirap?
-
Basahin:Ang pagiging action partner ay hindi mahirap o nangangailangan ng mahabang oras. Para masimulan ang pag-uusap, maaari mong itanong:
-
Ano ang nagustuhan mo tungkol sa huling miting ng ating grupo?
-
Anong mabubuting bagay ang nangyari sa iyo sa linggong ito?
-
Paano mo ginamit ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] sa linggong ito?
Ang pinakamahalagang bahagi ng talakayan ay ang pagtulong sa isa’t isa na tuparin ang mga ipinangako. Maaari mong itanong:
-
Ano na ang ginagawa mo sa iyong mga ipinangakong gagawin?
-
Kung hindi mo pa natutupad ang ilan sa mga ito, kailangan mo ba ng tulong?
-
Paano ko pinakamahusay na masusuportahan ang iyong mga pagsisikap?
-