Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

diagram of houseTalakayan Ngayon:

Badyet

graphic of house

Financial Stewardship Success Map

Talakayin:Sa palagay mo bakit isang pader ang “badyet” sa Financial Stewardship Success Map sa halip na isang layer?

Basahin:Ngayo’y tatalakayin natin ang isa sa pinakamahahalagang kasangkapan sa pagkakaroon ng pinansyal na seguridad at pagiging self-reliant: ang paggawa at epektibong paggamit ng badyet. Ang badyet ay isang plano. Gamit ang isang badyet, nagpaplano ka kung paano mo gagamitin ang pera mo para sa isang partikular na panahon.

Ang pagsunod sa badyet ay tutulungan ka at ang iyong pamilya na kontrolin ang inyong temporal na buhay, hubarin ang likas na tao (tingnan sa Mosias 3:19), at anyayahan ang Espiritu sa inyong tahanan. Ang pagbabadyet ay tutulungan ka ring protektahan ang iyong pamilya laban sa kahirapan kapag ginamit mo ito upang maglaan ng pera para makabuo ng emergency fund, makabayad ng utang, at makapag-impok para sa mga gastusin sa hinaharap.

Ang paggawa at pagsunod sa badyet ay pagpapakita ng pananampalataya. Hindi natin mahuhulaan ang hinaharap, at madalas ay biglang tumataas ang halaga ng mga bilihin. Mahalagang tandaan na ang isang badyet ay kailangang maging flexible—patuloy na naa-adjust at napapaganda. Kapag gumawa ka ng budget sa linggong ito, tandaan na kailangan itong palaging repasuhin at baguhin sa inyong mga regular family council. Kung lalampas ka sa badyet, huwag sumuko! Maaaring tumagal nang ilang buwan ang pag-a-adjust bago ka magkaroon ng epektibong badyet.

1. Bumuo ng Badyet

Basahin:Sa sumusunod na mga aktibidad, magpapraktis tayo ng paggawa ng badyet.

Sa ngayon, tatantiyahin mo ang hinihinging mga halaga batay sa nalalaman at natutuhan mo mula sa pagmo-monitor sa iyong kinikita at mga gastusin. Ang isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay ulitin ang exercise na ito na may totoong mga numero gamit ang table sa dulo ng kabanatang ito.

Para makabuo ng badyet, magsimula sa iyong kinikita.

Basahin:Ang susunod na hakbang sa paglikha ng badyet ay uriin at tantiyahin ang mga gastusin mo. Imino-monitor mo na ang mga gastusin mo at inilalagay ang mga ito sa mga kategoryang nilikha mo sa kabanata 1. Ngayo’y hahatiin natin ang ating mga gastusin sa dalawang uri: “Fixed” at “Variable.” Nasa ibaba ang ilang halimbawa.

Fixed na mga Gastusin (F)

Variable na mga Gastusin (V)

Mortgage/upa

Utility bills

Bayad sa kotse

Mga grocery

Bayad sa insurance

Pagkain sa labas

Ikapu

Gasolina at transportasyon

Emergency fund

Mga supply sa bahay

Iba pang mga bayarin

Libangan

Fixed na mga Gastusin

Basahin:Ang fixed na mga gastusin ay para sa isang tiyak na halaga at hindi nagbabago. Karamihan sa mga gastusing ito ay buwanan, pero maaaring may ilan na humigit-kumulang ay madalas mangyari. Ang fixed na mga gastusin ay hindi direktang makokontrol ng mga gawi sa paggastos; sa halip, ang fixed na mga gastusin ay kontrolado ng pag-assess sa iyong sitwasyon at paggawa ng mga pagbabago. Ang isang mabuting paraan para matukoy ang fixed na mga gastusin ay itanong, “Regular bang nangyayari ang gastusing ito, at ang gastusin bang ito ay pareho ang halaga sa tuwina?” Kabilang sa mga karaniwang halimbawa ang mortgage, upa, bayad sa kotse, at ilang gastusin tulad ng internet, cable, o cell phone bills.

May fixed na mga gastusin ding hindi naman buwanan; kung minsa’y nangyayari ang mga gastusin nang taunan, dalawang beses sa isang taon, o quarterly. Halimbawa, kung patuloy kayong magbabayad ng car insurance kada 6 na buwan o ng life insurance kada 12 buwan, ito ay fixed na gastusin. Para mabago itong fixed na gastusin para magkasya sa badyet mo, hatiin ang halagang binabayaran mo sa bilang ng mga buwan sa pagitan ng mga pagbabayad. Bagama’t maaaring hindi mo buwanang binabayaran ang bayaring ito, itatabi mo ang kaukulang halaga bawat buwan para mabayaran mo ang bayarin kapag kailangan na itong bayaran.

Variable na mga Gastusin

Basahin:Ang variable na mga gastusin ay hindi pareho ang halaga bawat buwan. May ilang variable na mga gastusin na hindi direktang kontrolado ng iyong mga gawi sa paggastos. Halimbawa, ang mga gastusing tulad ng iyong utility bills (tubig, gas, kuryente, at iba pa) ay pabagu-bago batay sa paggamit. Gayunman, kahit maaaring mag-iba-iba ang buwanang halaga, maaari mo pa ring badyetin ito.

Pagdating sa pagbabadyet, ang pinakamahalagang variable na mga gastusin ay ang pinaka-kaya mong kontrolin. Ito ay direktang kontrolado ng iyong gawi sa paggastos. Ang isang mabuting paraan upang matukoy ang marami sa mga gastusing ito ay itanong sa iyong sarili, “Bibilhin ko ba ito sa tindahan (o online)?” Para sa maraming variable na mga gastusin, maaari kang magpasiya kung gagastos ka nang mas malaki o mas maliit sa mga aspetong ito. Kabilang sa mga halimbawa ang mga grocery, gasolina, pagkain sa labas, mga cell phone, at libangan.

Aktibidad sa Sample Budget (Gamit ang Tinantiyang mga Halaga)

Deskripsyon

Uri

Kinita

Ginastos

Balanse

Kinita

(NA)

Balanse

Halimbawa ng Badyet

Deskripsyon

Uri

Kinita

Ginastos

Balanse

Kinita

(NA)

1,000

  • Mga ikapu at mga handog

F

110

890

  • Isang-buwang emergency fund

F

50

840

  • Insurance

F

80

760

  • Upa

F

300

460

  • Utilities

V

30

430

  • Mga grocery at pagkain

V

230

200

  • Mga hulog sa utang

V

80

120

  • Transportasyon

V

50

70

  • Libangan

V

30

40

  • Miscellaneous

V

40

0

Balanse

0

2. Magbalanse ng Badyet

Basahin:Sa pagbubuo mo ng iyong badyet, maaaring makita mo na mas malaki ang mga gastusin kaysa sa kita. Kung ito ang iyong sitwasyon, hindi ka nag-iisa. At ito ay isang problemang maaari mong malutas. May dalawang paraan para ayusin ang problemang ito: Kumita ng mas malaki, o bawasan ang paggastos. Sa ngayon, pag-usapan natin kung paano natin magagamit ang isang badyet para tulungan tayong bawasan ang paggastos sa pamamagitan ng pagkatutong kontrolin ang paggastos para sa mga gusto natin.

Panoorin:“Continue in Patience” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 66.)

video icon

Talakayin:Paano ka katulad ng mga batang ito kung minsan? Aling bata ka?

Talakayin sa Inyong Family Council ang Pagbabadyet

Basahin:Itinuro ni Elder Robert D. Hales na, “Ang [isang] mahalagang paraan ng pagtulong natin sa ating mga anak na matutong maging masisinop na tagapaglaan ay sa pagkakaroon ng badyet ng pamilya. Dapat nating regular na repasuhin sa mga family council meeting ang kita, savings, at planong gastusin ng ating pamilya. Tuturuan nito ang ating mga anak na matukoy ang kaibhan ng mga gusto sa mga kailangan at magplano nang maaga para magamit nang makabuluhan ang kinita ng pamilya” (“Pagiging Masisinop na Tagapaglaan sa Temporal at sa Espirituwal,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 9).

Sa inyong family council sa linggong ito, makipagtulungan sa iyong asawa sa paggawa ng badyet ng inyong pamilya. Kung wala kang asawa, o kung gusto mo ng karagdagang tulong, humingi ng payo sa isang kaibigan, magulang, kapamilya, mentor, o miyembro ng grupo. Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba.

Sample Family Council Discussion

Tiyaking magsimula at magtapos sa isang panalangin para maanyayahan ang Espiritu.

Part 1: Magrepaso

  • Magkano ang ginagastos mo sa bawat kategorya?

  • Paano nagiging pagpapakita ng pananampalataya ang pagbabadyet?

Part 2: Magplano

  • Bumuo ng isang badyet gamit ang mga tagubilin sa kabanatang ito. Punan ang table na “Ang Aking Badyet” sa pahina 67.

  • Makatotohanan ka ba tungkol sa bawat kategorya ng badyet?

  • Kung kailangan, saan ka maaaring magbawas ng gastos sa iyong badyet para maging balanse ito o para mas umayon ang iyong paggastos sa mga pangangailangan o pinahahalagahan mo?