Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto

diagram of houseTalakayan Ngayon:

5 Patuloy na Magbigay at Pagpalain ang Iba

graphic of house

Financial Stewardship Success Map

1. Ibahagi sa Iyong Pamilya at mga Kaibigan ang mga Alituntunin ng Self-Reliance

Ibahagi ang mga Alituntunin ng Espirituwal na Self-Reliance

Basahin:Kapag tayo ay naging self-reliant sa espirituwal, tungkulin nating tulungan ang iba na maging self-reliant din sa espirituwal. Sa Doktrina at mga Tipan, mababasa natin, “At kung sinuman sa inyo ang malakas sa Espiritu, isama niya siya na mahina, upang siya ay maliwanagan sa buong kaamuan, upang siya ay maging malakas din” (D at T 84:106). Gayundin, sa Bagong Tipan, isinulat ni Pedro, “Na ayon sa tinanggap ng bawa’t isa ay matanggap ang kaloob, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios” (I Ni Pedro 4:10).

Talakayin:Paano naaangkop sa iyo ang mga talatang ito? Paano napagpala ng mga alituntunin ng self-reliance sa My Foundation [Ang Aking Saligan] ang buhay mo? Ano ang ibig sabihin ng maging self-reliant sa espirituwal?

Ibahagi ang mga Alituntunin ng Temporal na Self-Reliance

Basahin:Kapag tayo ay naging self-reliant sa temporal, tungkulin nating tulungan ang iba na maging self-reliant din sa temporal. Ang isa sa pinakamaiinam na paraan para matulungan ang iba na maging self-reliant ay ang maglingkod at magbigay sa iba. Itinuro ni Pangulong Marion G. Romney na: “Umaasa sa isa’t isa ang mga taong sagana at mga taong salat. Ang proseso ng pagbibigay ay pinadadakila ang dukha at pinakukumbaba ang mayaman. Dahil dito, kapwa sila napapabanal. Ang dukha, na napalaya sa pang-aalipin at mga limitasyon ng karukhaan, ay malayang umaangat sa kanilang ganap na potensyal, kapwa sa temporal at sa espirituwal. [Ang mga taong mas sagana], sa pagbibigay ng sobra nila, ay nakikilahok sa walang-hanggang alituntunin ng pagbibigay. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng sapat, o naging self-reliant, tinutulungan niya ang iba, at nauulit ito” (“The Celestial Nature of Self-Reliance,” Ensign, Nob. 1982, 93).

Talakayin:Paano naaangkop sa iyo ang pahayag na ito? Sino ang mga dukha? Paano mo matutulungan ang mga dukha o nangangailangan sa buhay?

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng isang minuto para pag-isipang mabuti ang sumusunod na tanong: Sino ang alam kong nangangailangan ng Personal na Pananalapi para Maging Self-Reliant? Paano ko ito maibabahagi sa kanila? Isulat sa ibaba ang mga pangalan at planong ibabahagi.

2. Patuloy na Sumulong nang May Pananampalataya

Basahin:Congratulations! Nakumpleto mo na ang mga miting ng grupo sa Personal na Pananalapi para Maging Self-Reliant. Para ma-assess ang iyong progreso, isulat kung nasaan ka na at kung paano mo planong patuloy na magprogreso sa table sa ibaba.

Talakayin:Sa nakaraang 12 linggo, paano ka naging isang matalino at tapat na katiwala ng iyong pananalapi?

Basahin:Marami sa mga bagay na napag-usapan natin ay hindi maisasakatuparan sa loob ng 12 linggo. Gayunman, dapat ay nagkaroon ka na ng mga gawing kailangan upang patuloy na magprogreso tungo sa matagumpay na financial stewardship. Patuloy na magdaos ng mga regular family council. Patuloy na repasuhin ang mga kabanata sa workbook na ito. At patuloy na magsikap tungo sa iyong mga pinansyal na prayoridad. Mangakong sundin ang “Susunod na mga Hakbang” na isinulat mo sa huling hanay ng assessment sa mga naunang pahina.

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng limang minuto para pag-isipan ang sumusunod na tanong at isulat ang iyong mga ideya sa ibaba: Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko sa nakaraang 12 linggo?