Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto

house diagramTalakayan Ngayon:

  • Pananampalataya kay Jesucristo

  • Pagkakaisa ng Mag-asawa

  • Katapatan sa Self-Reliance

1: Magtrabaho at Maging Responsable

Basahin:Nang paalisin sina Adan at Eba sa Halamanan ng Eden, sinabi ng Diyos, “Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa” (Genesis 3:19). Bagama’t nais ng Panginoon na ibigay sa atin ang lahat ng bagay na kailangan natin sa temporal, inaasahan Niya tayong magpakasipag at maging responsable sa sarili nating mga pangangailangan. Pansinin na ang isa sa mga suportang pader sa Financial Stewardship Success Map (tingnan sa pahina 8) ay “trabaho.” Ang pagiging self-reliant sa temporal ay nangangailangan ng patuloy na kasipagan at sigasig.

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Hindi inaasahan ng Panginoon na magtatrabaho tayo nang higit sa kaya natin. Hindi Niya (at dapat hindi rin natin) ikinukumpara sa iba ang mga ginagawa natin. Ang gusto lang ng ating Ama sa Langit ay gawin natin ang pinakamahusay na magagawa natin. … Ang pagtatrabaho ay panlaban sa alalahanin, gamot sa pagdurusa, at nagsisilbing daan sa mga posibleng mangyari. … Kapag nabaon sa putik ang ating bagon, mas malamang na tulungan ng Diyos ang taong nagtutulak upang iahon ang bagon kaysa ang taong sumasambit lang ng panalangin—gaano man kahusay siyang magsalita” (“Dalawang Alituntunin para sa Alinmang Pamumuhay,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 56–57).

Talakayin:Isipin ang mga halimbawa ng masisipag na manggagawa sa buhay mo. Anong mga katangian ang karaniwan sa mga taong ito?

Kailangan Nating Alisin ang Ating Temporal na Pag-asa sa Ibang Tao

Basahin:Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na: “Ang responsibilidad para sa kapakanang sosyal, emosyonal, espirituwal, pisikal, o pangkabuhayan ng bawat tao ay nakasalalay una sa kanyang sarili, ikalawa sa kanyang pamilya, at ikatlo sa Simbahan kung siya ay tapat na miyembro nito. Walang tunay na Banal sa mga Huling Araw, na may kakayahang pisikal o emosyonal, na kusang ipapaako sa iba ang kapakanan niya o ng kanyang pamilya. Basta’t kaya niya, sa ilalim ng inspirasyon ng Panginoon at sa sariling kayod, siya ang maglalaan sa kanyang sarili at kanyang pamilya ng espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 139–40).

financial reliance

Itinuro ni Elder Dale G. Renlund, sa pagbanggit sa pahayag ni Elder Wilford W. Andersen, na: “Kapag mas malayo ang kaugnayan ng nagbibigay at ng tumatanggap, lalong nagiging mapaghanap ang tumatanggap” (“Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 39). Ang karapatang matamo ang isang bagay ay pakiramdam na karapat-dapat ka sa isang bagay kahit hindi mo ginawa ang angkop at kumpletong hakbang na kailangan para matamo ito. Kabaligtaran ito ng responsibilidad. Kapag nadama mo na may karapatan ka sa temporal na mga pagpapala, lumalayo ang Espiritu sa buhay mo. Habang napapalapit ka kay Kristo, mapupuspos ang puso mo ng damdamin ng responsibilidad para sa sarili mong kapakanan, at maglalaho ang pakiramdam na may karapatan ka sa isang bagay.

    Talakayin:
  • Paano nililimitahan ng pag-asa sa iba ang personal nating paglago?

  • Bakit mahalagang iwasang umasa sa pamahalaan o mga social program?

  • Anong iba pang mga risk o panganib ang may kaugnayan sa pag-asa sa iba, pati na sa pamilya, para sa personal nating mga pangangailangan?

2. Magtulungan para sa Maayos na Paghawak ng Pera

Pag-isipang mabuti:Paano nakaapekto sa iyo ang iyong pananalapi sa espirituwal at emosyonal?

Basahin:Isa sa mga pinakalaganap at mabisang kasangkapan ni Satanas sa pagsira sa mga pamilya ay ang kapabayaan sa pera at ang kaakibat nitong stress. Dahil mga pamilya ang sentro sa plano ng Ama sa Langit (tingnan sa Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo), mahalagang iwasan natin ang paninisi, kawalan ng tiwala, at galit sa ating tahanan. May asawa ka man o wala, ang matalinong paghawak ng pera ay mas ilalapit ang mga mahal sa buhay sa isa’t isa at sa Diyos, at maaaring gawing panlaban sa kasamaan; ang nagkakaisang pamamaraan sa paghawak ng pera ay maaaring maghatid sa huli ng pasasalamat, pagkakasundo, at kapayapaan.

Talakayin:Bakit mahalagang magkaisa ang mag-asawa tungkol sa pera?

Basahin:Ang mag-asawa ay kadalasang nagmumula sa magkaibang kultura, ekonomiya, at relihiyon. Maaaring magkaiba ang kanilang mga tradisyon, paraan ng pagpapalaki sa anak, at paggastos. Ang isa ay maaaring likas na interesado sa pag-monitor sa mga gastusin at pagsunod sa badyet, at ang isa naman ay maaaring nahihirapan at nabibigatan dito. Maaari itong magsanhi ng di-pagkakasundo. Gayunman, ang pagtanggap sa mga pagkakaiba ng isa’t isa at tunay na pakikinig nang may pagmamahal at pagpapakumbaba ay lilikha ng isang kapaligirang may pagkakaisa. Kung ikaw ay walang asawa, mahalagang maging tapat sa iyong sarili at isali ang Panginoon sa iyong mga desisyon ukol sa paghawak ng pera.

Maraming mag-asawang naniniwala na ang solusyon sa kanilang mga problema sa pera ay dagdagan ang kanilang kinikita. Gayunman, ang magkaibang pamamaraan sa paghawak ng pera ay maaaring mas makasira sa isang relasyon kaysa sa mababang kita o kawalan ng pagkukunan ng pera.

Talakayin:Paano mas nakakasira ang pagtatalo tungkol sa pera kaysa sa mababang kita o kawalan ng pagkukunan?

Basahin:Itinuro Elder Marvin J. Ashton, “Ang pangangasiwa sa pananalapi ng mag-anak ay dapat pagkasunduan ng mag-asawa na may taglay na bukas na isipan at pagtitiwala. Ang pagkontrol sa pera ng isa lamang sa mag-asawa bilang pinagmumulan ng kapangyarihan at awtoridad ay nagiging sanhi ng hindi pagkakapantay sa [pagsasama ng mag-asawa] at hindi tama. Gayunman, kung ang isa sa mag-asawa ay kusang-loob na tumatanggi sa pangangasiwa ng pananalapi ng mag-anak, ito ay pagtalikod sa mahalagang responsibilidad” (One for the Money: Guide to Family Finance [buklet], 2006, 3).

Talakayin:Paano babaguhin ng pagkakaisa ninyong mag-asawa ang buhay mo?

Ang Matalinong Paghawak ng Pera ay Naghahanda sa Atin para sa Pag-aasawa

Basahin:Naghahanda ka man para mag-asawa o ikaw ay walang asawa, diborsyado/diborsyada, o balo, ang matalinong paghawak ng pera ay matutulungan kang maging handa para sa mga relasyon sa hinaharap. Maraming bagong kasal ang nabibigatan sa utang at maling mga gawi sa paggastos na dala na nila nang magpakasal sila, na maaaring magpahirap sa pagsisimula ng kanilang pagsasama. Ang pagsisikap na magkaroon ng mabubuting gawi sa paggastos, magpalaki ng savings, at magbawas o magtanggal ng utang ay mag-aanyaya sa Espiritu sa inyong relasyon at lilikha ng matibay na pundasyon para sa matagumpay na pagsasama ng mag-asawa.

Talakayin:Paano makakatulong sa iyo ang pagiging matalinong katiwala ng pera ngayon na maghanda para maging mas mabuting asawa sa hinaharap?

3. Magdaos ng mga Regular Family Council

Basahin:Noong nakaraang linggo tinalakay natin ang kahalagahan ng pagsangguni sa Panginoon. Gusto Niyang tulungan kang magtagumpay. Bukod sa pagsangguni sa Panginoon, itinuro ng mga propeta ang kahalagahan ng pagdaraos ng mga regular family council.

Panoorin:“Family Councils,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 31.)

video icon

Talakayin:Paano kayo makikinabang ng iyong pamilya sa pagdaraos ng mga family council?

Talakayin sa Inyong Family Council ang Financial Stewardship

Basahin:Ang regular executive family council sa pagitan ng mag-asawa ang pinakatamang pagkakataon para pag-usapan ang financial stewardship. Kung ikaw ay walang asawa, pumili ng isang magulang o iba pang kapamilya, roommate, mentor, o kaibigan at magdaos ng regular at tapat na pakikipag-usap sa taong ito tungkol sa iyong pananalapi. Kung ikaw ay may asawa, malamang na kailanganin mong magkaroon ng mahahalagang pakikipagtalakayan sa iyong asawa sa kabuuan ng kursong ito. Pagkatapos ng kursong ito, matutulungan kayo ng pagdaraos ng mga regular family council na mas magkaisa at maging mas self-reliant.

Isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ang tumukoy ng oras para magdaos ng regular family council. Bilang bahagi ng inyong family council, dapat mong talakayin ang tungkol sa pananalapi. Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa kasunod na pahina bilang gabay sa bahaging ito ng inyong family council.

Sample Family Council Discussion

Tiyaking magsimula at magtapos sa isang panalangin para maanyayahan ang Espiritu.

Part 1: Magrepaso

  • Palagi ka bang nagmo-monitor ng mga gastusin mo? Ano ang natututuhan mo tungkol sa iyong paggastos? Paano mo mapapabuti ang proseso ng pagmo-monitor ng iyong mga gastusin?

  • Talakayin ang mga resulta ng assessment sa pahina 26.

Part 2: Magplano

  • Paano mo mas matatalakay ang tungkol sa iyong pananalapi?

  • Ano ang magagawa mo, kung kailangan, para maalis ang iyong temporal na pag-asa sa pamilya, pamahalaan, simbahan, o tulong ng lipunan?