Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

diagram of houseTalakayan Ngayon:

Badyet

Basahin:Congratulations sa pagbubuo ng badyet! Ang badyet ay maaaring maging mabisang kasangkapan sa pagkontrol sa sitwasyon ng iyong pananalapi at pagbabawas ng stress sa buhay mo. Sa mga banal na kasulatan, nalaman natin na, “ang katotohanan ay kaalaman ng mga bagay sa ngayon, at sa nakalipas, at sa mga darating pa” (D at T 93:24).

Talakayin:Paano kaya maiaangkop ang talatang ito mula sa Doktrina at mga Tipan sa iyong pananalapi at sa paggamit ng badyet?

Basahin:Ang pag-alam sa tunay na katayuan ng pananalapi ng iyong pamilya ay mahalaga sa matagumpay na financial stewardship. Itinuro ni Elder Joseph B. Wirthlin, “Alam ng masinop na namumuhay kung magkano ang perang dumarating buwan-buwan, at kahit mahirap, dinidisiplina nila ang kanilang sarili sa paggasta ng mas kaunti sa halagang iyon” (“Mga Pagkakautang sa Lupa at sa Langit,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 42).

Maaaring mahirap sumunod sa isang badyet. Nangangailangan ito ng katapatan, disiplina, at pagtitiyaga—maaaring kailangan itong subukan nang ilang beses para magawa ito nang tama! Habang sinisikap mong baguhin ang iyong ugali sa paggastos, tandaang sumangguni sa Panginoon at sa iyong asawa o sa isang accountability partner. Sa patuloy na pagsisikap at mapagmahal na suporta, maaari kang maging higit na katulad ng mga batang naghintay sa eksperimento ng marshmallow (na tinalakay sa naunang kabanata).

Talakayin:Paano tayo matutulungan ng Panginoon na magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo, kabilang na ang disiplina sa sarili at kasigasigan?

Basahin:Ngayo’y tatalakayin natin ang apat na alituntunin sa pagsunod sa badyet:

  1. Magtakda ng makatotohanan at nakagaganyak na mga mithiin ukol sa pananalapi.

  2. Maghanap at gumamit ng isang sistema ng pagbabadyet.

  3. Panagutin ang iyong sarili.

  4. Hangarin ang tulong ng Panginoon, at patuloy na magsikap!

1. Magtakda ng Makatotohanan at Nakagaganyak na mga Mithiin ukol sa Pananalapi

Basahin:Ang pagtatakda ng mithiin ay isang mabisang kasangkapang tumutulong sa atin na bumuo at magkaroon ng pangmatagalang pananaw.

Itinuro ni Elder M. Russell Ballard, “May sasabihin ako sa inyo tungkol sa pagtatakda ng mithiin. Talagang kumbinsido ako na kung hindi tayo magtatakda ng mga mithiin sa buhay at matututo kung paano maging dalubhasa sa paraan ng pamumuhay para maabot ang ating mga mithiin, maaari tayong tumanda at lumingon sa ating buhay para lamang makita na maliit na bahagi lamang ng ating buong potensyal ang ating nakamit. Kapag natuto ang isang tao na maging dalubhasa sa alituntunin ng pagtatakda ng mithiin, maaari na siyang makagawa ng malaking kaibhan sa mga resultang nakakamit niya sa buhay na ito” (“Do Things That Make a Difference,” Ensign, Hunyo 1983, 69–70).

    Talakayin:
  • Paano ka natulungan ng mga mithiin na magprogreso noong araw?

  • Paano naging pagpapakita ng pananampalataya ang pagtatakda ng mithiin?

Basahin:Mahalagang magtakda ng mga mithiin ukol sa pera na kapwa makatotohanan at nakagaganyak. Sa susunod na ilang kabanata, matututo tayo tungkol sa maraming mithiin at pinansyal na prayoridad, pati na tungkol sa pagbubuo ng isang-buwang emergency fund, pag-ahon sa pagkakautang, pagkakaroon ng pangmatagalang emergency fund, pag-invest para sa pagreretiro, at pag-iimpok para sa iba pang karapat-dapat na mga gastusin. Ang sumusunod na aktibidad ay tutulungan kang matukoy kung alin sa mga ito ang dapat mong maging kasalukuyang pinansyal na prayoridad.

Basahin:Maaari mong piliing magsikap na gumawa ng iba pang pangmatagalang mga mithiin bukod pa sa iyong kasalukuyang pinansyal na prayoridad, na maaaring kabilangan ng pag-iimpok para sa pag-aaral, misyon, kotse, bahay, o bakasyon ng pamilya o iba pang mga gastusing panglibangan. Magkakaroon ng maraming tukso na piliin ang panandaliang pananaw kaysa pangmatagalang pananaw. Ang mga mithiin ay maaari kang bigyan ng dahilan para humindi sa ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng isang bagay na aasamin mo sa hinaharap.

Talakayin:Ano ang personal na naggaganyak sa iyo na gustuhing sundin ang iyong badyet?

2. Maghanap at Gumamit ng Isang Sistema ng Pagbabadyet

Basahin:Maraming kagamitan at sistemang magagamit para mahawakan mo nang maayos ang iyong badyet at ma-monitor ang iyong mga gastusin. Ang mga epektibong sistema ng pagbabadyet ay mula sa simpleng sistema ng pagsulat lang sa papel hanggang sa mobile at computer applications.

May dalawang pangunahing paraan para mabayaran ang mga produkto at serbisyo: cash o electronic payments. Bawat isa sa mga pangkalahatang pamamaraang ito ay may positibo at negatibong aspeto at makakaapekto sa paraan ng paghawak mo ng iyong badyet at pag-monitor sa iyong mga gastusin. Sa susunod na ilang bahagi, tatalakayin natin ang dalawang karaniwang sistema ng pagbabadyet. Ang isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay hanapin ang tamang sistema para sa iyo.

Panoorin:“The Envelope System,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 83.)

video icon

Panoorin:“Digital Systems,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 84.)

video icon

Basahin:Sa alinmang paraan, tiyaking:

  • Hindi ka mandaya sa pamamagitan ng pagbabago ng itinakda mong halaga o manghiram mula sa iba pang mga kategorya. Sumangguni sa iyong asawa o sa accountability partner mo kung kailangang mag-adjust.

  • I-monitor na mabuti ang lahat ng gastusin, at i-adjust ang mga kategorya ng iyong badyet sa susunod na buwan kung kailangan.

3. Panagutin ang Iyong Sarili

Basahin:Magtatagumpay ka lamang sa pagsunod sa badyet kapag pinanagot mo ang iyong sarili. Ang inyong lingguhang family council ay maaaring magsilbing paraan para marepaso ang iyong mga mithiin at badyet at mag-adjust kung kailangan. Kung nahihirapan kang panagutin ang iyong sarili, maaaring mainam na ireport mo ang iyong progreso sa ibang tao—isang kaibigan, action partner, mentor, o financial adviser. Ang mahalaga ay nag-uukol ka ng oras para patuloy na i-evaluate ang iyong progreso at na gumagawa ka ng mga pagbabago kung kailangan.

Talakayin:Bakit mahalagang panagutin ang iyong sarili? Paano mo pananagutin ang iyong sarili sa badyet mo?

4. Hingin ang Tulong ng Panginoon at Patuloy na Magsikap

Basahin:Tandaan na sa matapat na financial stewardship ay maaari mong kailanganing baguhin ang iyong pananaw, mga gawi, at pag-uugali. Ang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala ay tutulungan kang pagdaanan ang pagbabagong ito. Dahil maaaring maalis ng mga pagbabagong ito ang mga nakagawian mo na, at dahil ang pagbabadyet ay isang proseso ng pagkatuto, maaaring kung minsan ay mabigo kang sundin ang iyong badyet.

Bukod pa riyan, maaari kang magkamali at makagawa ng pabigla-biglang pagbili o magkaroon ng mga kagipitan sa pera tulad ng pagkawala ng trabaho, mga medical emergency, o di-inaasahang mga gastos sa pagpapakumpuni. Matututo ka tungkol sa pagbubuo ng emergency fund at pagharap sa mga kagipitan sa pera sa mga huling kabanata, ngunit sa ngayon ay mahalagang tandaan na ang badyet ay madaling baguhin at na ang pagsunod sa badyet ay nangangailangan ng tiyaga.

Kapag nagkaroon ka ng mga problema sa iyong badyet, talakayin ang mga ito sa inyong family council, at repasuhin ang mga bahagi ng iyong badyet na maaaring kailangang i-adjust. Kahit pinanghihinaan ka na ng loob at parang ayaw mo nang sumunod sa badyet, tandaan na maaari kang patuloy na magsikap, at sa pagsangguni sa Panginoon at paghingi ng tulong sa Kanya, magtatamo ka ng lakas at kakayahang magpatuloy sa iyong mga pagsisikap.

Talakayin:Ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ka ng mga problema sa iyong badyet?

Talakayin sa Inyong Family Council ang Pagsunod sa Badyet

Basahin:Ang pagsunod sa badyet ay nangangailangan ng pagkakaisa ninyong mag-asawa at ng inyong pamilya. Sa linggong ito, talakayin ang posibleng mga sistema ng pagbabadyet na maaari mong gamitin at ang mga paraan kung saan maaari mong i-adjust ang badyet mo kung sakaling magkaroon ka ng mga problema. Bukod pa riyan, talakayin ang iyong kasalukuyang pinansyal na prayoridad at iba pang mga pangmatagalang mithiin at ang mga plano mo para makamit ang mga ito. Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba. Tandaan, kung wala kang asawa, ang family council mo ay maaaring kabilangan ng isang roommate, kaibigan, kapamilya, o mentor.

Sample Family Council Discussion

Tiyaking magsimula at magtapos sa isang panalangin para maanyayahan ang Espiritu.

Part 1: Magrepaso

  • Ano ang magagawa mo para mapaigi ang badyet mo?

  • Ano ang kasalukuyan mong pinansyal na prayoridad? Talakayin ang assessment sa pahina 76.

Part 2: Magplano

  • Ano ang iyong mga pinansyal na prayoridad at pangmatagalang mithiin?

  • Ano ang gagamitin mong sistema ng pagbabadyet para makasunod sa badyet at ma-monitor ang iyong mga gastusin?

  • Paano mo susundin ang iyong budget, at ano ang gagawin mo kung lumampas ka sa badyet?