Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto
Isipin ng bawat isa kung ano ang natutuhan ninyo ngayon at isaalang-alang kung ano ang nanaising ipagawa sa inyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa o sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.
“Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay” (Mga Kawikaan 24:27).
Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?