Resources Balo ng Sarepta Ang balo ng Sarepta, na isa sa mga pinakamahirap sa mahihirap, ay talagang napaka-self-reliant na tao sa gitna ng kanyang gutom at tigang na lupain. Ngayon, maaaring naaalala ninyo, malapit na siyang maubusan ng pagkain at namumulot ng mga patpat para makapagparikit ng apoy para makapagluto ng huling pagkain. Tila kabaligtaran iyan ng pagiging self-reliant. Ngunit napakalalim ng kanyang espirituwal na mga ugat ng self-reliance, kaya’t nang hingin ng propeta ng Diyos ang kanyang huling pagkain, “siya’y yumaon, at ginawa ang ayon sa sabi ni Elias” (I Mga Hari 17:15). Sinasabi sa atin sa mga banal na kasulatan na pagkatapos niyang gamitin ang kanyang huling butil para mapakain ang propeta, “ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man ay nabawasan” (talata 16), at “kumain ang babae, at siya, at ang kanyang sangbahayan na maraming araw” (talata 15). Malapit na siyang maubusan ng pagkain, pero hindi iyon nangyari—hindi dahil sa may sapat siyang pera, kundi dahil sapat ang kanyang pananampalataya. Kapag ginawa natin ang lahat para maipamuhay ang ebanghelyo at ginawa natin ang lahat para masuportahan ang ating sarili, gagantimpalaan ng Panginoon ang ating pananampalataya at kasipagan. Bumalik sa pahina 43. Mga Tala Gumawa ng Tala