Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Magkaroon ng Balanseng Buhay


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Magkaroon ng Balanseng Buhay—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Paano ko mapapanatiling balanse ang mga kailangan kong gawin sa buhay araw-araw?

Panoorin:“Of Regrets and Resolutions,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 55.)

Tungkol sa mga Panghihinayang at Pagpapasiya

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Of Regrets and Resolutions

Pangulong Dieter F. Uchtdorf: Hindi ba’t totoong madalas ay masyado tayong abala? At, nakalulungkot na itinuturing pa nating kapuri-puri ang pagiging abala natin, na para bang ito ay tanda ng tagumpay o mas maunlad na buhay.

Hindi ba?

Iniisip ko ang ating Panginoon at Perpektong Halimbawa, na si Jesucristo, at ang maikli Niyang buhay kasama ang mga mamamayan ng Galilea at Jerusalem. [Sinubukan kong] isipin na nagmamadali Siya sa pagdalo sa mga pulong o pinagsasabay-sabay ang maraming gawaing dapat tapusin.

Hindi ganoon ang nakikita ko.

Sa halip, ang nakikita ko ay ang mahabagin at mapagmalasakit na Anak ng Diyos na ipinamumuhay ang bawat araw nang may layunin. Nang kinausap Niya ang mga taong nakapalibot sa Kanya, nadama nilang mahalaga at minamahal sila. Alam Niya ang walang hanggang kahalagahan ng mga taong Kanyang nakilala. Sila’y Kanyang binasbasan at pinaglingkuran. Sila’y Kanyang pinasigla at pinagaling. Pinag-ukulan Niya sila ng Kanyang panahon.

(Dieter F. Uchtdorf, “Mga Panghihinayang at Pagpapasiya,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 22).

Bumalik sa pahina 54.

Talakayin:Ano ang ginawa ng Tagapagligtas para magkaroon ng balanseng buhay?

Basahin:Mosias 4:27, 2 Nephi 9:51, at ang mga pahayag nina Elder M. Russell Ballard (sa kanan) at Pangulong James E. Faust (sa pahina 55)

Talakayin:Anong mga bagay ang maaaring simplehan o alisin sa ating buhay para lalo tayong makadama ng kagalakan?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Kumilos ayon sa iyong ideya para maging mas balanse ang buhay mo.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo tungkol sa paghahanap ng balanse.