Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance


Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance

Basahin:Congratulations! Sa nakaraang 12 linggo nagkaroon ka ng mga bagong gawi at lalong naging self-reliant. Nais ng Panginoon na patuloy mong taglayin ang mga kakayahang ito at magtaglay ka ng mga bagong kakayahan. Habang nagdarasal at nakikinig tayo, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman kung anong mga bagay sa ating buhay ang dapat nating pag-igihin pa.

Talakayin:Ano ang magagawa natin para makapagpatuloy sa ating landas patungong self-reliance? Paano tayo patuloy na magtutulungan?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa susunod na 12 linggo. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Repasuhin at patuloy na ipamuhay ang lahat ng 12 alituntunin ng My Foundation [Ang Aking Saligan] at mga gawi ng self-reliance.

  • Ibahagi sa iba ang natutuhan mo tungkol sa self-reliance. Patuloy na tulungan ang mga miyembro ng iyong grupo, o mag-alok na mag-facilitate ng bagong self-reliance group.

  • Pag-ibayuhin ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isa pang self-reliance group.

  • Pag-aralan ang mga alituntunin ng doktrina ng self-reliance sa ibaba.

Mga Alituntunin ng Doktrina tungkol sa Self-Reliance

Ang Self-Reliance ay Isang Kautusan

Layunin ng Panginoon na Maglaan para sa Kanyang mga Banal, at Taglay Niya ang Lahat ng Kapangyarihan para Gawin Ito

Ang Temporal at Espirituwal ay Iisa

Doktrina at mga Tipan 78:13–14; Moises 2:27–28

Doktrina at mga Tipan 104:15; Juan 10:10; Mateo 28:18; Mga Taga Colosas 2:6–10

Doktrina at mga Tipan 29:34; Alma 34:20–25