Resources
Uri ng Investment o Pamumuhan |
Depinisyon |
Fixed o Variable |
---|---|---|
Savings Account |
Ang deposit account, na karaniwan ay sa isang bangko o iba pang institusyong pinansyal, ay karaniwang mababa ang rate of return. Ang mga may-ari ng account ay maaaring mag-withdraw at magdeposito nang walang multa. |
Fixed |
Certificate of Deposit (CD) |
Ang account kung saan ikaw ay nagdedeposito ng partikular na halaga ng pera para sa isang takdang panahon; kung kukunin mo ang pera bago ang takdang oras ng pagkuha, maaari kang mapatawan ng multa (mawalan ang ilang pera na ipinuhunan). Habang naka-invest ang pera, ito ay kumikita ng disenteng halaga ng fixed rate of return. Kapag lampas na ang itinakdang oras, makukuha mo na ang orihinal na halaga ng investment o puhunan, at ang tinubo nito. |
Fixed |
Bond |
Isang debt investment kung saan ipinahihiram mo ang iyong pera sa isang entidad o organisasyon sa takdang panahon upang makatanggap ng inaasahang rate of return. Kapag lampas na ang itinakdang oras, makukuha mo na ang orihinal na halaga ng investment o puhunan, at ang tinubo nito. Ang bonds ay maaaring i-isyu ng mga gobyerno at korporasyon. Depende sa organisasyon na nag-isyu, ang bonds ay maituturing na low risk o high risk. |
Fixed |
Stock |
Ito ay kumakatawan sa isang bahagi ng pagmamay-ari sa isang kumpanya, na ibinebenta bilang shares. Bawat share ay kumakatawan sa isang piraso ng pagmamay-ari, kaya kung ang isang kumpanya ay nag-isyu ng 100,000 shares at ikaw ang may-ari ng isang share, pag-aari mo ang 1/100,000th na bahagi ng kompanyang iyon. Ang rate of return ay depende sa performance o takbo ng kumpanya. |
Variable |
Mutual Fund |
Ang mga ito ay karaniwang binubuo ng isang grupo ng mga sari-saring stocks at bonds. Ang pondo ay pinamamahalaan ng isang propesyonal. Ang mutual funds ay nagbibigay ng simpleng paraan para magkaroon ng iba-ibang investment. Kung maayos ang takbo ng mutual fund, ang halaga ng iyong investment o puhunan ay tumataas. Kung hindi maganda ang takbo nito, ang halaga ng iyong investment o puhunan ay bumababa. |
Variable |
Real Estate |
Puhunan sa pagmamay-ari ng real property tulad ng mga bahay, apartment, o komersyal na mga gusali. Ang return o pagbalik ng puhunan ay dumarating sa pagkakaroon ng kita, pagtaas ng halaga ng ari-arian, o pareho. Maaari ding malugi sa maraming kadahilanan, kabilang ang pagbaba ng halaga ng ari-arian o ang nangungupahan ay hindi nagbabayad ng upa o sinisira ang property o ari-arian. |
Variable |
Pagmamay-ari ng Negosyo |
Ang pamumuhunang ito ay kumakatawan sa pagmamay-ari ng isang bahagi ng pribadong negosyo. Ang returns o kita ay depende sa takbo ng negosyo. |
Variable |