My Foundation [Ang Aking Saligan]: Manampalataya kay Jesucristo—Maximum na Oras: 20 Minuto
-
Pag-isipang mabuti:Paano nakakaapekto ang aking pananampalataya kay Jesucristo sa pagiging self-reliant ko?
-
Panoorin:“Exercise Faith in Jesus Christ,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 21.)
-
Talakayin:Bakit laging humahantong sa pagkilos ang tunay na pananampalataya? Bakit kailangan ang pananampalataya para tulungan tayo ng Diyos sa temporal at sa espirituwal?
-
Basahin:Mateo 6:30 at ang sipi mula sa Lectures on Faith (sa kanan)
-
Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
-
Ipakita ang iyong pananampalataya ngayong Linggo sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath at sa mapitagang pagtanggap ng sakramento.
-
Basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw.
-
Basahin ang mga banal na kasulatan sa pahina 21. Pumili ng isa at ibahagi ito sa iyong pamilya o mga kaibigan.
Mga Talata sa Banal na Kasulatan tungkol sa Pagkilos na May Pananampalataya
Dahil ayaw tumigil ni Daniel sa pagdarasal, itinapon siya sa yungib ng mga leon, ngunit ang “Dios … [ay] nagsugo ng kaniyang anghel, at … itinikom ang mga bibig ng mga leon, … at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya, sapagka’t siya’y tumiwala sa kaniyang Dios” (Daniel 6:22–23; tingnan din sa mga talata 16–21).
Ibinigay ng Panginoon kay Lehi ang Liahona para gabayan ang kanyang pamilya, at “kumilos ito para sa kanila alinsunod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. … [Nang] sila ay naging mga tamad, at nakalimot na pairalin ang kanilang pananampalataya at pagiging masigasig … hindi sila sumulong sa kanilang paglalakbay” (Alma 37:40–41).
“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig … at subukin ninyo ako ngayon … kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan” (Malakias 3:10).
Noong panahon ng taggutom, hiniling ni Elijah sa balo na ibigay nito sa kanya ang huling pagkain nito. Ipinangako ni Elijah na dahil sa pananampalataya niya, maglalaan ang Panginoon ng pagkain sa kanya, at hindi ito mauubos. (Tingnan sa I Mga Hari 17.)
“Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila” (Isaias 41:17; tingnan din sa talata 18).
-