Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
1. Protektahan ang Iyong Pamilya Laban sa Kahirapan
-
Basahin:Ang paghahanda ay isang mabisang alituntunin ng ebanghelyo. Nangangako ang Panginoon na, “kung kayo ay handa kayo ay hindi matatakot” (D at T 38:30).
Matapos ang ating obligasyon na magbayad muna sa Panginoon sa pamamagitan ng ikapu at iba pang mga handog, ang pangalawang obligasyon natin ay kumilos para protektahan ang ating pamilya mula sa kahirapan. Magagawa lamang natin ito kung magkakaroon tayo ng pangmatagalang pananaw. Sa kabanatang ito matututo tayo ng dalawang hakbang para maprotektahan ang ating pamilya laban sa kahirapan sa pera:
-
Bumuo ng isang-buwang emergency fund
-
Kumuha ng sapat na insurance
-
-
Talakayin:Mag-ukol ng ilang sandali para tingnan ang Financial Stewardship Success Map. Sa palagay mo, bakit pangalawang prayoridad ang protektahan ang iyong pamilya laban sa kahirapan matapos kang magbayad ng mga ikapu at mga handog?
2. Bumuo ng Isang-Buwang Emergency Fund
-
Basahin:Sa pamamagitan ng pag-monitor sa iyong mga gastusin kahit sa loob lang ng apat na linggo, dapat ay tukoy mo na ngayon ang halaga ng perang kailangan para sa isang-buwang halaga ng mga gastusin sa buhay. Dapat ay katumbas ng iyong isang-buwang emergency fund ang halagang ito.
Para sa iyong isang-buwang emergency fund, dapat kang magtabi ng pera sa isang ligtas at madaling puntahang lugar tulad ng isang bank account. Huwag gamitin ang perang ito para sa anumang bagay maliban sa mga emergency. Kung may emergency ka at kailangan mong gamitin ang pera mula sa iyong isang-buwang emergency fund, agad simulang maglagay ng pera sa pondo hanggang sa maibalik ito nang buo. Kalaunan, pagkatapos mong mabayaran ang lahat ng iyong consumer debt, magsisimula kang mag-impok ng sapat na pera para sa mga gastusin mo para sa tatlo hanggang anim na buwan (tatalakayin natin ang hakbang na ito sa kabanata 9).
Kailangan mong sikaping makabuo ng isang-buwang emergency fund sa lalong madaling panahon. Ilagay ang anumang ekstrang pera mo sa iyong emergency fund hanggang sa makumpleto ito. Kahit may utang ka, bayaran lamang ang minimum na kailangang bayaran hanggang sa makabuo ka ng isang-buwang emergency fund. Para mapabilis ang prosesong ito, maaari kang maghanap ng ekstra o mas magandang trabaho, magbenta ng ilang bagay na hindi mo kailangan, o magtanggal ng ilang gastusing hindi kailangan.
-
Talakayin:Anong mga pagpapala ang maaaring dumating sa iyong pamilya sa pagkakaroon ng isang-buwang emergency fund? Bakit ka dapat magbuo ng isang emergency fund bago ka magbayad ng utang?
3. Kumuha ng Sapat na Insurance
-
Basahin:Paano maaapektuhan ang kabuhayan mo o ng pamilya mo kung isa sa inyo ang magkasakit nang malubha o magkaroon ng kapansanan, o marahil ay pumanaw pa? Ano ang magiging epekto ng isang bagay na tulad ng sunog sa bahay o isang malubhang aksidente sa kotse sa inyong kabuhayan? Nangyayari ang ganitong uri ng mga paghihirap, at kung hindi tayo handa, maaaring magsanhi ng malaking problema sa pera ang mga ito. Ang isang magandang pagkunan ng proteksyon laban sa posibleng kahirapan ay ang insurance. Ang insurance ay isang pakikipag-ayos kung saan ginagarantiyahan ng isang organisasyon (karaniwa’y isang insurance agency) na babayaran nila ang isang tao para sa partikular na kahirapan kapalit ng isang fixed na bayad.
Itinuro ni Pangulong N. Eldon Tanner, “Walang bagay na tila tiyak na tiyak na katulad ng di-inaasahang mga pangyayari sa ating buhay. Sa pagtaas ng halaga ng pagpapagamot, health insurance lamang ang paraan para matustusan ng karamihan sa mga pamilya ang gastos sa malubhang aksidente, karamdaman, o panganganak. … Ang life insurance ay naglalaan ng daan para patuloy na kumita kapag namatay nang maaga ang bumubuhay sa pamilya. Bawat pamilya ay dapat maglaan para sa wastong health at life insurance” (“Constancy amid Change,” Ensign, Nob. 1979, 82).
-
Talakayin:Bakit napakahalaga ng insurance? Anong mga biyaya ang maaaring dumating sa pagkakaroon ng sapat na insurance?
Mga benepisyo ng Insurance
-
Basahin:Makakatulong ang insurance para protektahan ka mula sa matinding problema sa pera na dulot ng aksidente at iba pang mga kahirapan.
Uri ng Insurance
-
Basahin:Hindi mo kailangang ikuha ng insurance ang lahat ng bagay—kaya nga bumubuo ka ng emergency fund at iba pang savings. Gayunpaman, mahalagang protektahan mo ang iyong sarili laban sa kahirapan na maaaring maging pabigat sa iyo. Itinuro ng Pangulong Marion G. Romney na “tayo ay … pinayuhan [na] magtabi ng pera para matugunan ang mga emergency at magkaroon ng sapat na health, home, at life insurance” (“Principles of Temporal Salvation,” Ensign, Abr. 1981, 6).
Maraming uri ng insurance, ngunit ang apat na pinaka-karaniwan ay ito:
-
Property insurance: Ang property insurance, tulad ng homeowners, renters, at automobile insurance, ay makakatulong sa pagbabayad ng pagpapalit o pagpapakumpuni ng ari-arian kung sakaling mapinsala ito nang malubha, manakaw, o masira.
-
Health insurance: Ang health insurance ay makakatulong sa pagbabayad ng halaga ng health care, mula sa pagbabayad sa well-care visits at pagpapagamot ng sakit hanggang sa pagbabayad para sa malulubhang pagkakasakit. Depende sa iyong lokasyon, ang health care ay maaaring isang serbisyo ng pamahalaan at maaaring magkaiba-iba ang pangangailangan mo sa health insurance.
-
Life insurance: Ang life insurance ay nagbibigay ng pera sa isang pamilya kapag namatay ang naka-insure na miyembro ng pamilya.
-
Disability insurance: Ang disability insurance ay ginagarantiyahang bayaran ang isang bahagi ng kita ng taong naka-insure kung magkaroon siya ng kapansanan at hindi makapagtrabaho sa matagal na panahon.
-
Mga Presyo ng Insurance
-
Basahin:Ngayong nauunawaan na natin ang insurance at ang ilan sa mga potensyal na pakinabang nito, pag-usapan natin ang ilan sa mga presyo. Ang dalawang pangunahing uri ng presyo o mga gastusing nauugnay sa insurance ay ang premium at ang deductible.
Ang premium ay kumakatawan sa presyo ng insurance—o ang perang babayaran mo nang direkta (kadalasa’y monthly o annually) sa insurance company kapalit ng coverage.
Ang deductible ay kumakatawan sa halagang babayaran mo para sa iyong mga gastusin (tulad ng mga gastusing medikal o ang nagastos sa pagpapakumpuni ng sasakyan) bago bayaran ng insurance company ang natitirang halaga.
Cost-Benefit Analysis
-
Basahin:Kapag nagkukumpara ng mga insurance plan, totoong sinisikap mong ikumpara kung magkano ang ibabayad mo sa plan laban sa kung ano ang potensyal na maibibigay nito sa coverage. Makakatulong na ikumpara ang best-case sa worst-case scenarios.
Annual Minimum Cost (Ang Best-Case Scenario)
Para makalkula ang annual minimum cost, i-multiply lamang ang iyong monthly premium sa 12 buwan (12 x monthly premium), o tingnan ang annual premium kung minsan sa isang taon ka lang sinisingil. Ipinapalagay sa sitwasyong ito na wala kang insurable event sa taon na iyon.
Annual Minimum Cost (Ang Worst-Case Scenario)
Para makalkula ang iyong annual maximum cost, idagdag ang iyong annual minimum cost sa annual deductible ([12 x monthly premium] + deductible). Ipinapalagay sa scenario na ito na ang mga gastusin ng insurable event ay higit pa sa iyong annual deductible.
Gamit ang impormasyong ito maikukumpara mo na ngayon ang mga gastusing sakop ng iba’t ibang plan. Ipinamamalas sa sumusunod na halimbawa ang isang paraan na maikukumpara mo ang mga plan.
Pagsasaalang-alang sa Iba pang mga Benepisyo
-
Basahin:Sa aktibidad na katatapos lang natin, in-evaluate natin ang isang uri ng property insurance plan (renters insurance). Magagamit natin ang ganitong klaseng proseso kapag ipinagkukumpara ang iba pang mga uri ng insurance. Gayunman, madalas ay may iba pang mga dapat isaalang-alang, hindi lamang ang potensyal na minimum at maximum costs. Narito ang ilang dagdag na tanong kapag sinusuri ang iba’t ibang insurance plans:
-
Anong mga serbisyo o pangyayari ang sakop nito?
-
Ano ang mga uri at limitasyon ng coverage?
-
Ano ang reputasyon ng insurance provider?
-
May mga diskwento bang maaaring ibigay sa iyo?
-
Gaano kaposible na halos minimum lang ang mga gastusin na manggagaling sa bulsa mo ang pambayad?
-
Gaano kaposible na maximum ang mga gastusin na manggagaling sa bulsa mo ang pambayad?
-
Talakayin sa Inyong Family Council ang Emergency Fund at Insurance
-
Basahin:Sa inyong family council sa linggong ito, talakayin ang mga paraan para mabuo ang inyong isang-buwang emergency fund. Magpasiya rin kung aling mga insurance plan ang mahalaga para sa inyong pamilya, at siyasatin ang mga insurance policy. Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba.