Pagsisimula—Maximum na Oras: 15 Minuto
Magkaroon ng pambungad na panalangin.
Ipakilala ang inyong sarili. Mag-ukol ng isang minuto ang bawat isa sa inyo para ibahagi ang inyong pangalan at anumang tungkol sa inyo.
Welcome sa Ating Self-Reliance Group!
-
Basahin:Tutulungan ka ng grupong ito na matuto, lumikha, at gumamit ng badyet. Magsisimula kang bumuo ng isang emergency fund, lumikha ng planong makaahon sa utang, matutong mag-impok para sa mga gastusin sa hinaharap, at magplano para sa pagreretiro. Ang pinakamahalaga, matututo ka tungkol sa kaugnayan mo sa Ama sa Langit at aanyayahan kang hawakan nang maayos ang pera mo sa mga paraang kalugud-lugod sa Kanya. Bawat miting ng grupo ay tatagal nang mga dalawang oras.
Paano Ito Ginagawa?
-
Basahin:Ang mga self-reliance group ay parang council. Walang titser o eksperto. Sa halip, susundan ninyo ang mga materyal ayon sa pagkakasulat dito. Sa patnubay ng Espiritu, tutulungan ninyo ang isa’t isa gaya ng sumusunod:
-
Pare-pareho kayong mag-aambag sa mga talakayan at aktibidad. Walang sinuman, lalo na ang facilitator, ang dapat mangibabaw sa pag-uusap.
-
Mahalin at suportahan ang isa’t isa. Magpakita ng interes, magtanong, at kilalanin ang isa’t isa.
-
Magbahagi ng mga positibo at kapaki-pakinabang na mga puna.
-
Gumawa at tumupad ng mga ipinangakong gagawin.
Itinuro ni Elder M. Russell Ballard na, “Walang problema sa pamilya, ward, o stake ang hindi malulutas kung maghahanap tayo ng mga solusyon ayon sa paraan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapayo—totohanang pagpapayo—sa isa’t isa” (Counseling with Our Councils, binagong edisyon [2012], 4).
-
-
Panoorin:“My Self-Reliance Group,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Lumaktaw sa “Kung Walang Titser, Paano Natin Malalaman Kung Ano ang Gagawin?” na nasa pahina 3.)
-
Talakayin:Paano nagtagumpay nang husto ang grupo sa video? Ano ang gagawin natin bilang grupo para magkaroon ng karanasan na nagpapabago ng buhay?
Kung Walang Titser, Paano Natin Malalaman Kung Ano ang Gagawin?
-
Basahin:Madali lang. Basta sundan ang mga materyal. Bawat kabanata sa workbook ay may anim na bahagi:
-
Magreport: Talakayin ang naging progreso mo sa mga ipinangako mong gawin sa buong linggo.
-
Saligan: Repasuhin ang isang alituntunin ng ebanghelyo na hahantong sa higit na espirituwal na self-reliance.
-
Matuto: Matuto ng praktikal na mga skill na hahantong sa higit na temporal na self-reliance.
-
Pag-isipang mabuti: Makinig sa pagbibigay ng inspirasyon ng Espiritu Santo.
-
Mangakong gawin: Mangakong kumilos ayon sa mga ipinangakong gawin sa buong linggo na tutulong sa iyo na umunlad.
-
Kumilos: Sa buong linggo, isagawa ang natutuhan mo.
-
Paano Gamitin ang Workbook na Ito
Kapag Makita Mo ang mga Salitang Ito, Sundin ang mga Direksyong Ito | ||||
---|---|---|---|---|
Basahin |
Panoorin |
Talakayin |
Pag-isipang Mabuti |
Aktibidad |
Magbabasa nang malakas ang isang tao para sa buong grupo. |
Panonoorin ng buong grupo ang video. |
Magbabahagi ng mga ideya ang mga miyembro ng grupo sa loob ng dalawa hanggang apat na minuto. |
Tahimik na mag-iisip, magmumuni-muni, at magsusulat ang mga tao sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. |
Gagawa ang mga miyembro ng grupo nang mag-isa o kasama ang iba sa loob ng itinakdang oras. |
SERTIPIKO NG PAGKUMPLETO
-
Basahin:Ang mga miyembro ng grupo na dumadalo sa mga miting at tumutupad sa mga ipinangako nilang gawin ay maaaring tumanggap ng self-reliance certificate mula sa LDS Business College. Tingnan sa pahina 208.