Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto

1. Maging Matalino at Tapat na Katiwala

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng isang minuto para tahimik na pag-isipang mabuti ang sumusunod na tanong at isulat ang iyong mga iniisip.

  • Gaano ako katiwala sa hinaharap ng aking pananalapi?

Basahin:Sa talinghaga ng mga talento, itinuro sa atin ni Cristo na kailangan nating ingatan ang naibigay sa atin. Tinutulutan ng Panginoon na maging mga tagapag-alaga tayo—o mga katiwala—ng Kanyang mga kaloob sa atin. Sa matatapat sa Kanyang mga kaloob, nangako si Cristo na: “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon” (Mateo 25:21).

Talakayin:Ano ang ibig sabihin ng lahat ng bagay ay pag-aari ng Panginoon para sa iyo?

Basahin:Bilang bahagi ng ipinagkatiwala sa atin, hinihikayat tayong maging matalino sa paghawak ng ating pananalapi. Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“Hinihimok ko kayo … na tingnan ang kundisyon ng inyong pananalapi. Hinihimok ko kayo na maging matipid sa inyong paggastos; disiplinahin ang inyong sarili sa pamimili para makaiwas sa utang hangga’t maaari. Agad bayaran ang inyong utang nang mabilis hangga’t kaya ninyo, at palayain ang inyong sarili sa pagkaalipin.

“Ito ay bahagi ng temporal na aspeto ng ebanghelyo na pinaniniwalaan natin. Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon na maisaayos ang inyong tahanan. Kung nabayaran na ninyo ang inyong mga utang, kung may natitira kayong pera, kahit kaunti, pagdating ng mga unos, magkakaroon kayo ng kanlungan para sa inyong [pamilya] at kapayapaan sa inyong puso” (“To the Boys and to the Men,” Ensign, Nob. 1998, 54).

Habang sinisikap ninyong gamitin nang matalino ang inyong pera, ang inyong pananampalataya kay Cristo ay mag-iibayo, na magbibigay daan para sa mga pagpapala sa hinaharap.

Talakayin:Paano ka nagiging mas mabuting katiwala sa maayos na paghawak ng iyong pera?

Maaari Nating Hawakan nang Matalino ang Ating Pera

Basahin:Ang diagram sa pahina 8—ang Financial Stewardship Success Map—ay naglalarawan ng mga alituntunin para sa matalino at tapat na paghawak ng pera. Pag-aaralan at ipamumuhay mo ang mga alituntuning ito sa susunod na 12 linggo. Sa buong kursong ito, sisikapin mong pag-ibayuhin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo, magkaisa kayong mag-asawa, at palakasin ang tapat na pangako mong maging self-reliant. Bawat lesson ay magtutuon sa isang partikular na bahagi ng Financial Stewardship Success Map.

Talakayin:Magsalitan sa pagbabasa ng mga item na nasa Financial Stewardship Success Map (pahina 8). Paano makakatulong ang bawat isa sa mga ito sa iyong landas tungo sa matagumpay na pagiging katiwala ng pera?

2. Sumangguni sa Panginoon tungkol sa Iyong Pananalapi

Basahin:Walang dudang magkakaroon ng mga hamon kapag sinunod mo ang mga alituntuning ito ng matagumpay na pagiging katiwala ng pera. Sa paghingi mo ng tulong sa mga kapwa mo miyembro ng grupo, at sa patuloy na paghingi ng tulong sa Panginoon, palalakasin ka para malampasan ang mga paghihirap na iyon. Tandaan, laging naglalaan ng paraan ang Panginoon upang matupad ang Kanyang mga utos (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

Tinuruan ni Amulek ang mga dukha sa mga Zoramita na “magsumamo sa [Panginoon] para sa mga pananim ng inyong mga bukid, upang kayo ay umunlad sa mga yaon. Magsumamo kayo para sa mga kawan ng inyong mga bukid upang sila ay dumami” (Alma 34:–25). Sa paghingi mo ng tulong sa Panginoon tungkol sa iyong mga temporal na pangangailangan at hamon at sa pagsisikap para maging self-reliant sa pananalapi, pagpapalain at palalakasin ka Niya.

Ang ibig sabihin ng sumangguni sa Panginoon tungkol sa iyong pera ay magdasal sa Ama sa Langit at humingi ng patnubay tungkol sa mga bagay na nauukol sa pera. Isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ang sumangguni sa Panginoon tungkol sa iyong pananalapi.

Financial Stewardship Success Map

graphic of financial success map

3. I-monitor ang Iyong Kinikita at mga Gastusin

Basahin:Ang unang hakbang tungo sa matagumpay na pagiging katiwala ng pera ay unawain ang kasalukuyang sitwasyon ng iyong pananalapi. Kapag mas naunawaan mo kung saan nagagastos ang pera mo, higit mong maipaplano kung saan mo ito gustong mapunta. Magsisimula ka sa pamamagitan ng pag-monitor sa iyong kinikita at mga gastusin sa unang apat na linggo ng kursong ito.

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng ilang minuto at tahimik na pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  • Alam ko ba kung saan ko ginagastos ang pera ko bawat buwan?

  • Dama ko ba na kontrolado ko kung saan napupunta ang pera ko?

Talakayin:Ano ang maaaring maging mga hamon mo sa pag-monitor sa iyong mga gastusin?

Pag-isipang mabuti:Isulat ang ilang paraan na madaraig mo ang mga hamong ito.