Talakayin:Naniniwala ka ba na may mga solusyon sa iyong mga problema? Paano tayo magiging marapat sa kapangyarihan ng Panginoon na tulungan tayo?
Basahin:Ang Handbook 2 reference at ang pahayag ni Elder Dallin H. Oaks (sa kanan). Ang pagiging self-reliant ay hindi nangangahulugan na maaari nating gawin o makuha ang anumang maisip natin. Sa halip, ito ay paniniwala na sa pamamagitan ng biyaya, o nagbibigay-kakayahang kapangyarihan, ni Jesucristo at ng ating sariling pagsisikap, kaya nating makamit ang lahat ng espirituwal at temporal na pangangailangan ng buhay na kailangan natin sa ating sarili at sa ating pamilya. Ang self-reliance ay katibayan ng ating tiwala o pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos na palipatin ang mga bundok sa ating buhay at bigyan tayo ng lakas para magtagumpay sa mga pagsubok at paghihirap.
Talakayin:Paano nakatulong ang biyaya ni Cristo na makamit ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng buhay?
Talakayin:Basahin ang sinabi ni Pangulong Marion G. Romney (sa kanan). Paano mo malalaman kung nagiging mas self-reliant ka?
Mangakong gawin:Mangakong gawin ang sumusunod na mga hakbang sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat ipinangakong gagawin.
Basahin ang liham ng Unang Panguluhan sa likod ng pabalat, at salungguhitan ang mga ipinangakong pagpapala. Ano ang dapat nating gawin para makamit ang mga ito? Isulat ang iyong mga naisip sa ibaba.
Ibahagi ang iyong natutuhan ngayon tungkol sa self-reliance sa iyong pamilya o mga kaibigan.