Pag-isipang mabuti: Paano ba ako talagang naililigtas ng paglimot sa aking sarili sa paglilingkod sa iba?
Panoorin: “In the Lord’s Way,” makukuha sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin ang pahina 183 .)
Kung hindi ninyo mapanood ang video, basahin ang script na ito.
Pangulong Henry B. Eyring : Ang mga alituntunin sa pagtatatag ng programang pangkapakanan ng Simbahan ay hindi pangminsanan o sa isang lugar lamang. Ang mga ito ay para sa lahat ng panahon at lugar. …
… Ang pamamaraan para magawa ito ay malinaw. Yaong mas nakakaangat sa buhay ay dapat magpakumbaba ng kanilang sarili para tulungan ang mga nangangailangan. Yaong sagana ang buhay ay dapat kusang magbigay ng tulong, oras, mga skill, at resources upang maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan. At ang tulong ay dapat ibigay sa paraang mapapalakas ang kakayahan ng tinutulungan para mapangalagaan ang kanilang mga sarili at pagkatapos ay mapangalagaan ang iba. Kapag ginawa ito ayon sa pamamaraan ng Panginoon, napakaganda ng kahahantungan nito. Kapwa pagpapalain ang tumulong at tinulungan.
(Hinango mula sa isang mensaheng ibinigay ni Pangulong Eyring sa paglalaan ng mga Sugarhouse Utah Welfare Services Center, Hunyo 2011, LDS.org )
Pangulong Dieter F. Uchtdorf : Mga kapatid, lahat tayo ay may responsibilidad sa tipan na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba at maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—tumulong, magbasbas, at magpasigla sa mga nasa paligid natin.
Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin. Ang di-makasariling paglilingkod at lubos na paglalaan ay nagpapadalisay sa ating espiritu, nag-aalis ng tabing sa ating espirituwal na mga mata, at nagbubukas ng mga dungawan ng langit. Sa pagiging sagot sa dalangin ng iba, kadalasan ay nasasagot ang sarili nating dalangin.
(“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 76)
Bumalik sa pahina 182 .
Talakayin: Paano nabubuksan ng paglilingkod sa iba ang mga dungawan ng langit sa iyong buhay?
Basahin: Nadarama ng ilan na dapat ay mayroon din sila ng kung anong mayroon ang iba, na maaaring maging sanhi ng hinanakit. Nadarama naman ng iba na may karapatan sila sa mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Ang dalawang patibong na ito ay bumubulag sa mga tao kaya hindi nila makita ang isang mahalagang katotohanan: lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos. Ang hinanakit at pag-angkin ng karapatan ay madaraig sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mga pangangailangan ng iba. Basahin ang Mosias 2:17 , Mosias 4:26 , at ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan).
“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”
“At ngayon, alang-alang sa pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa araw-araw, … nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapanamit sa hubad, pagdalaw sa may karamdaman, at pangangasiwa sa kanilang ikagiginhawa, kapwa espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan.”
“Kapag kayo ay nagkakaisa, ang inyong kapangyarihan ay walang hangganan. Maaari ninyong magawa ang anumang bagay na gusto ninyong maisakatuparan.”
Gordon B. Hinckley , “Iyong Pinakamalaking Hamon, Ina,” Ensign, Nob. 2000, 97
Step 1: Bilang grupo, mag-isip ng isang taong nangangailangan ng tulong.
Step 2: Talakayin ang mga talento, contact, at resources na maibibigay ninyo.
Step 3: Gumawa ng plano na paglingkuran ang taong iyon. Halimbawa, maaari kayong:
Magsagawa ng service project sa inyong komunidad.
Ihanda ang inyong family history gamit ang buklet na My Family: Stories That Bring Us Together. Pagkatapos ay magpunta sa templo at gawin ang mga sagradong ordenansa para sa mga kapamilya na yumao na.
Tulungan ang isang tao sa kanyang landas tungo sa self-reliance.
Basahin: Mga pahayag nina Elder Robert D. Hales at Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan)
“Ang layunin ng [pagiging self-reliant sa] temporal at espirituwal ay ilagay ang ating sarili sa mas mataas na lugar nang maiahon natin sa hirap ang ibang nangangailangan.”
Robert D. Hales , “Pagkilala sa Ating Sarili: Ang Sakramento, ang Templo, at Sakripisyo sa Paglilingkod,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 36
“Kapag nagtutulungan tayo, … magagawa natin ang anumang bagay. Kapag ginawa natin ito, inaalis natin ang kahinaan ng isang taong nakatayong mag-isa at hinahalinhan ito ng lakas ng marami na sama-samang naglilingkod.”
Thomas S. Monson , “Church Leaders Speak Out on Gospel Values,” Ensign, Mayo 1999, 118
Mangakong gawin: Mangakong gawin ang sumusunod na mga hakbang sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang kahon kapag nakumpleto mo ang bawat hakbang.