Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Tanggapin ang mga Ordenansa sa Templo


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Tanggapin ang mga Ordenansa sa Templo—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Ano ang ilan sa mga bagay na pinakamahalaga sa iyo?

Panoorin:“Doing What Matters Most,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 201.)

Paggawa ng Pinakamahalaga

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Doing What Matters Most

Narrator: Isang madilim na gabi ng Disyembre, isang eroplano ang bumagsak sa Florida. Mahigit 100 katao ang namatay. Mga 20 milya lamang ang layo para makalapag nang ligtas.

PANGULONG Dieter F. Uchtdorf: Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin kung ano ang nagsanhi nito. Ang landing gear ay nakababa nang wasto. Nasa kundisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nang maayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyang iyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwi sa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao.

Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew ay nagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay na pinakamahalaga.

Ang ugaling magtuon ng pansin sa hindi mahalaga at pabayaan ang pinakamahalagang bagay ay nangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. Lahat tayo ay nasa panganib. … Nakatuon ba ang isip at puso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay na pinakamahalaga?

(“Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’t Hindi Kami Makababa,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 59, 60)

Bumalik sa pahina 200.

Talakayin:Ano ang mga bagay na hindi mahalaga na humahadlang sa progreso? Paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng ebanghelyo?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 84:20 at ang pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer (sa kanan)

Talakayin:Sa hangarin nating maging self-reliant, bakit mahalagang maging karapat-dapat sa templo?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Kung mayroon kang temple recommend, magtakda ng petsa para makapunta sa templo.

  • Kung wala kang temple recommend, kausapin ang iyong bishop o branch president para pag-usapan kung paano ka makapaghahandang matanggap ang iyong mga ordenansa sa templo.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo tungkol sa mga ordenansa sa templo.