Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Talakayin:Sa palagay mo bakit ang “magbayad ng mga ikapu at mga handog” ang unang layer sa Financial Stewardship Success Map?
-
Basahin:Pinayuhan ang mga miyembro ng Simbahan na magbayad ng kanilang ikapu at mga handog bago bayaran ang iba pang mga gastusin, maging ang mga pangangailangan. Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks, “ang pagbabayad ng ikapu ay isang pagsubok ng prayoridad” (“Tithing,” Ensign, Mayo 1994, 35). Kapag ipinakita ninyo ang Diyos sa iyong mga prayoridad, magbubukas ka ng mas malalaking oportunidad para sa kanya na pagpalain kayo. Madalas bigyang-diin ng mga banal na kasulatan na dapat gawin nang maayos ang mga bagay-bagay. (Para sa mga halimbawa, tingnan sa I Mga Taga Corinto 14:40, Mosias 4:27, at Doktrina at mga Tipan 93:43.)
Itinuro ni Pangulong Heber J. Grant, “Ang kalalakihan at kababaihan na naging lubos na matapat sa Diyos, na nagbayad ng kanilang ikapu, … sila ay binigyan ng Diyos ng karunungan kung saan nagamit nila ang natitirang siyam na bahagi, at naging mas malaki ang halaga nito sa kanila, at mas marami silang nagawa rito kaysa kung hindi sila naging matapat sa Panginoon” (sa Conference Report, Abr. 1912, 30).
-
Talakayin:Sa palagay mo, paano nakakatulong sa iyo ang pagbabayad ng ikapu para mas kapaki-pakinabang ang paggamit mo sa natitirang siyamnapung bahagi ng pera mo?
1. Baguhin ang Paraan Mo ng Paghawak ng Pera
-
Basahin:Para unang mabayaran ang mga ikapu at mga handog, maaaring kailangang baguhin ang iyong karaniwang paraan sa paghawak ng pera. Ang pag-aasikaso sa kasalukuyang gastusin ay madalas makaagaw sa kakayahan nating mag-ipon para sa hinaharap at bumuo ng pinansyal na seguridad. Ganito ang ginagawa ng maraming tao sa pagganap sa financial stewardship: una nilang binabayaran ang kagyat na mga pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, transportasyon, at pangangalaga sa kalusugan, habang nagbabalak na makaipon at magbayad ng ikapu sa kung ano ang natira. Ang paraan na ito ay inilarawan sa kasunod na diagram.
-
Basahin:Bagama’t ang gawaing ito ay maaaring karaniwan, may mas mahusay na paraan sa paghawak ng pera: Pagkatanggap mo ng iyong sahod o kita, unahing bayaran ang ikapu at pagkatapos ay magtabi ng pera para sa iyong sarili sa hinaharap—kahit kaunti lang ito. Pagkatapos, gamitin ang matitira (ang malaking bahagi ng iyong kinikita) na pambayad sa gastusin. Ang paraan na ito ay nakalarawan sa diagram sa ibaba.
-
Talakayin:Ano ang ilan sa mga pagkakaiba ng dalawang pamamaraang ito? Bakit sa huli ay ginagawa ng mas maraming tao ang mas karaniwang pamamaraan sa paghawak ng pera?
-
Basahin:Gagamitin natin ang mga paglalarawan sa ibaba na ginamitan ng garapon, ilang bato, at buhangin para ipakita ang karunungan ng pagtatabi muna ng pera para sa Panginoon at para sa ating sarili sa hinaharap (tingnan sa Stephen R. Covey, A. Roger Merrill, and Rebecca R. Merrill, First Things First: To Live, to Love, to Learn, to Leave a Legacy [1994], 88–89).
Ang garapon ay kumakatawan sa ating kinikita: na isang limitadong pinagkukunan. Lahat tayo ay may mga garapon na magkakaiba ang sukat o laki, ngunit ang prinsipyong tinatalakay dito ay pareho para sa lahat. Ang mga bato at buhangin, kapag inilagay sa garapon, ay kumatawan sa mga paraan na magagamit natin ang pera natin. Sa halimbawang ito, ang malalaki at maliliit na bato ay kumakatawan sa ating pangmatagalang mga prayoridad—pagtatabi ng pera para sa Panginoon at para sa ating sarili sa hinaharap—at ang buhangin ay sumisimbolo sa ating kasalukuyang mga pangangailangan at gusto.
Ilagay natin ang mga item sa garapon gamit ang mas karaniwang paraan sa paghawak ng pera.
-
Basahin:Pansinin na kapag inuna ninyong ibuhos ang buhangin, walang sapat na espasyo para magkasya ang lahat ng mga bato.
Ngayon, ilagay natin ang mga item sa garapon gamit ang mas self-reliant na pamamaraan sa paghawak ng pera.
-
Basahin:Pansinin na kung una mong ilalagay ang mga bato, may puwang pa para sa buhangin.
-
Talakayin:Paano nauugnay ang halimbawang ito ng garapon sa pagbabayad ng ikapu at pag-iipon ng pera? Bakit nagkasya ang lahat sa garapon sa ikalawang pagkakataon? Paanong ang paglalagay muna ng mga bato sa garapon ay halimbawa ng pagpapakita ng pananampalataya?
-
Basahin:Sa kabuuan ng kursong ito patuloy ninyong malalaman kung paano gawin ang mas self-reliant na paraan sa paghawak ng pera. Bagama’t ang pagsunod sa self-reliant na pamamaraang ito ay maaaring hindi komportable sa una, tutulungan ka nitong mas makapaghanda sa kinabukasan. Natural lang na mag-alala na baka wala kang sapat na pera para sa iyong kasalukuyang mga pangangailangan kung magbabayad ka muna ng ikapu at magtatabi ng pera sa savings. Ito ay isang pagsubok ng pananampalataya. Isang matalinong bishop ang minsang nagsabi sa isang bagong binyag, “Kung ang pagbabayad ng ikapu ay mangangahulugan na hindi ka makakabayad ng tubig o kuryente, magbayad ng ikapu. Kung dahil sa pagbabayad ng ikapu ay hindi ka makabayad ng renta, magbayad ka ng ikapu. Kung dahil sa pagbabayad ng ikapu ay wala kang sapat na pera para pakainin ang iyong pamilya, magbayad ka ng ikapu. Hindi ka pababayaan ng Panginoon” (sa Aaron L. West, “Sacred Transformations,” Ensign, Dis. 2012, 38).
Habang mino-monitor mo ang gastusin mo, ikaw ay nakatanggap din ng sahod o kita. Isipin kung paano mo hinahawakan ang iyong pera at kung paano mo mas mapagbubuti ang pagbabayad mo muna ng ikapu at ng iyong sarili para sa hinaharap. Isa sa iyong mga ipinangakong gawin sa linggong ito ay ipamuhay ang mga alituntuning ito at patuloy na i-monitor ang iyong kita at mga gastusin sa linggong ito.
Bagama’t ang pagsunod sa self-reliant approach sa paghawak ng pera ay nangangailangan ng pananampalataya kay Jesucristo, kailangan din dito ang pagsasabuhay ng tamang financial skills. Sa susunod na linggo, sisimulan mong pagbutihin ang skill sa wastong paggamit ng badyet, na tutulong sa iyo na kontrolin ang iyong paggastos at mapagkasya ang iyong pera para mabayaran ang lahat ng iyong gastusin.
-
Talakayin:Paano mababago ang buhay mo sa pagbabayad muna ng ikapu at pag-iipon ng pera?
2. Magbayad ng mga Ikapu at mga Handog
-
Basahin:“Ang batas ng ikapu ay simple,” pagtuturo ni Pangulong James E. Faust ng Unang Panguluhan. “Nagbabayad tayo ng ikasampung bahagi ng ating indibidwal na kinikita taun-taon. Ang kita ay ipinakahulugan ng Unang Panguluhan na sahod. Ang halaga ng 10 porsiyento ng ating kinikita ay nasa pagitan natin at ng ating Lumikha. … Tulad ng sinabi minsan ng isang convert sa Korea: ‘Sa ikapu, hindi mahalaga kung ikaw ay mayaman man o mahirap. … Kung mas malaki kang kumita ng pera, magbabayad ka ng 10 porsiyento. Kung napakaliit ng iyong kinikita, magbabayad ka pa rin ng 10 porsiyento’” (“Opening the Windows of Heaven,” Ensign, Nob. 1998, 59).
-
Panoorin:“Widow of Zarephath,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 49.)
-
Talakayin:Bakit ibinigay ng balo ng Sarepta ang kanyang huling pagkain sa propetang si Elijah? Ganoon din kaya ang gagawin mo? Bakit oo o bakit hindi?
-
Basahin:Ang batas ng ikapu ay nariyan na noon pa mang panahon ng Lumang Tipan. Sa Malakias, mababasa natin na kung nagbabayad tayo ng ikapu, bubuksan ng Panginoon ang “mga dungawan sa langit” sa atin (tingnan sa Malakias 3:10).
Itinuro ni Elder David A. Bednar na, “Ang matalinghagang paggamit ni Malakias ng ‘mga dungawan’ ng langit ay maraming itinuturo. Sa mga dungawan ng gusali pumapasok ang natural na liwanag. Sa gayon ding paraan, ang pagkaunawa at kaalamang espirituwal ay ibinubuhos sa ating buhay mula sa mga dungawan sa langit kapag sinunod natin ang batas ng ikapu. … Maaaring kailangan at nagdarasal tayo na makahanap ng magandang trabaho. … Ang espirituwal na kaloob na makahiwatig na mabuti [ay] makapagbibigay sa atin ng kakayahan na makahanap ng trabaho na maaaring hindi napapansin ng maraming tao. … Maaaring hangarin nating tumaas ang ating sweldo at pagtrabahuhan ito upang mas matugunan ang mga pangangailangan sa buhay. … [O sa ilang pagkakataon] maaaring gusto at umaasam tayo ng mas malaking pera, ngunit maaaring ang mga pagpapalang ihuhulog sa atin mula sa mga dungawan ng langit ay mas malaking kakayahan na kumilos at baguhin ang ating kalagayan sa halip na umasang mababago ng isang tao o bagay ang ating kalagayan” (“Ang mga Dungawan ng Langit,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 18).
-
Talakayin:Sa paanong paraan ka napatnubayan ng espirituwal na liwanag (o personal na inspirasyon) para baguhin ang sarili mong sitwasyon?
Ang Batas ng Ayuno
-
Basahin:“Ang wastong pagsunod sa araw ng pag-aayuno ay ang hindi pagkain at pag-inom sa dalawang magkasunod na kainan sa loob ng 24-oras, pagdalo sa fast at testimony meeting, at pagbibigay ng handog-ayuno nang bukas-palad upang makatulong sa pangangalaga sa mga nangangailangan” (Handbook 2: Administering the Church [2010], 21.1.17).
Ang mga handog-ayuno ay ginagamit para tulungan ang mga maralita at mga nangangailangan. Ang pagbibigay ng malaking handog-ayuno ay magdaragdag din sa kakayahan nating maging self-reliant.
Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland na, “Pinatototohanan ko ang mga himala, kapwa espirituwal at temporal, na dumarating sa mga taong sumusunod sa batas ng ayuno. … Itangi ang sagradong pribilehiyong iyan kahit minsan lang sa isang buwan, at maging bukas-palad sa pagbibigay ng handog-ayuno at iba pang kontribusyon na pangkawanggawa, pang-edukasyon, at para sa mga missionary kung kaya ninyo. Ipinapangako ko na magiging bukas-palad sa inyo ang Diyos, at yaong mga napapaginhawa ninyo ay tatawagin kayong pinagpala magpakailanman” (“Hindi Ba’t Tayong Lahat ay mga Pulubi?” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 42).
-
Talakayin:Ano ang maaari mong gawin para mapag-ibayo mo ang iyong pag-aayuno?
Talakayin ang mga Ikapu at mga Handog sa Inyong Family Council
-
Basahin:Sa inyong family council sa linggong ito, talakayin ang pakinabang ng pagbabayad ng ikapu at pagtatabi ng kaunting pera para sa savings pagkatapos na pagkatapos mong matanggap ang iyong sahod o kita. Magpasiya kayong mag-asawa kung paano pa pagbubutihin ang inyong pag-aayuno.
Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba.
-
Talakayin:Ano ang maaari naming gawin para mapaigi ang aming karanasan sa grupo?