Kung hindi ninyo mapapanood ang video, pumili ng mga gaganap na tauhan at ipabasa ang script na ito.
Kofi: Hello, Sister Benkosi. Kumusta?
Sister Benkosi: Okey ka ba, Kofi?
Kofi: Hello, Sister Benkosi. Marami po akong ginagawa. Kailangan kong magtrabaho at magsilbi at tumulong sa pamilya ko … at may football pa ako. Kulang talaga ang oras ko!
Sister B. : Kofi, nasa iyo ang lahat ng oras.
Kofi: Ano po?
Sister B. : Iho, binigyan tayo ng Diyos ng magandang regalo—ang ating oras. Gugulin natin ito sa mga bagay na pinakamahalaga.
Kofi: Pero paano po, Sister Benkosi? Lagi kayong maraming nagagawa. Matagumpay po kayo sa inyong pamilya at negosyo. Naglingkod kayo at natulungan ang marami, gaya ko. Di ko alam kung paano n’yo ito ginagawa.
Sister B. : Gusto mo ba talagang malaman? Kung mauupo ka at makikinig, sasabihin ko sa iyo ang sikreto ko.
Madaling-araw ako gumigising. Nagbibihis ako at naghihilamos.
Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos inililista ko ang gagawin ko sa araw na iyon.
Iniisip ko kung sino ang paglilingkuran ko. Nagdarasal ako para malaman ang kalooban ng Diyos. At nakikinig ako.
Kung minsan pumapasok sa isip ko ang mga pangalan o mukha ng mga tao. Idinadagdag ko sila sa listahan ko.
Kofi: Kaya ba lagi ninyong nalalaman kung sino ang paglilingkuran ninyo?
Sister B. : Oo, Kofi. At ipinagdarasal ko na bigyan ako ng lakas at karunungan. Ipinagdarasal ko na “[pabanalin ng Diyos] ang [aking] pagganap.” Iyan ang sabi sa 2 Nephi 32 .
Nagpapasalamat ako sa Kanya. Nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Nagpapatulong ako sa Kanya sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.
Pagkatapos tinitingnan ko ang listahan ko. Nilalagyan ko ng 1 ang pinakamahalaga, at ang sumunod ay 2 .
Kofi: Paano ninyo nalalaman kung ano ang uunahin?
Sister B. : Nakikinig ako kapag nagdarasal ako! Pagkatapos ay kumikilos ako. Tinitingnan ko ang number 1 at sinisikap kong unahin ito, at isinusunod ko ang number 2.
Kung minsa’y nagbabago ang mga bagay-bagay. Sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na iba ang gawin ko. Maganda iyon.
Nagpapakapagod ako, pero panatag ako. Alam kong tutulungan ako ng Diyos.
Kaya, sa tulong ng listahan ko at ng Espiritu, nagagawa ko ang mahalaga, Kofi.
Kofi: Parang madaling mahirap.
Sister B. : Tama ka! Bago ako matulog, nagdarasal ako. Nagrereport ako sa Ama sa Langit. Sinasabi ko sa Kanya ang nangyari sa maghapon. Nagtatanong ako. Itinatanong ko kung ano pa ang mapagbubuti ko. Nakikinig ako. Madalas kong madama ang Kanyang pagmamahal. Alam ko na pinag-iibayo Niya ang sinisikap kong gawin. Tapos panatag na ako, Kofi, at natutulog na ako.
Kofi: Ayos ‘yan, Mamma Benkosi. Gusto ko ang kapanatagang iyan. Gusto kong gamitin ang oras ko. Gusto kong gumawa at maglingkod nang mas mabuti.
Bumalik sa pahina 90 .