Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

diagram of houseTalakayan Ngayon:

3 Alisin ang Utang

graphic of house

Financial Stewardship Success Map

1. Unawain ang Utang

Basahin:Ang utang ay paghiram ng perang hindi iyo. Ito ay karaniwang may dagdag na halaga, na tinatawag na interes. Ang interes ay porsiyento ng halagang inutang. Sa huli ay mas malaki ang babayaran mo para sa hiniram mo, kung minsa’y napakalaki pa nga. Ang mga utang ay may kasamang inaasahang mga paghuhulog, at inaasahan na buung-buo mong babayaran ang lahat ng hiniram mo pati na ang interes.

Talakayin:Bakit nanghihiram ng pera ang mga tao?

Basahin:Lagi tayong pinapayuhan ng mga propeta na umiwas sa pangungutang. Itinuro ni Pangulong Heber J. Grant na, “Kung may isang bagay na maghahatid ng kapayapaan at katiwasayan sa puso ng tao, at sa pamilya, ito ay ang mamuhay ayon sa ating kinikita. At kung may isang bagay na nakakapagod at nakakapanghina at nakakalungkot, iyon ay ang magkaroon ng mga utang at obligasyon na hindi kayang bayaran ng isang tao” (Gospel Standards: Sermons and Writings of Heber J. Grant, tinipon ni G. Homer Durham, [1941], 111).

Sa susunod na dalawang kabanata ay matututo kang sumunod sa payo ng mga propeta na umahon sa pagkakautang.

Pag-isipang mabuti:Gumugol ng dalawang minuto para pag-isipan ang mga desisyon mo ukol sa pera na hindi maganda ang kinalabasan. Ano ang mga ibinunga nito? Gaano katagal mo nadama ang mga epekto nito? Paano ito nakaapekto sa iyo, sa pagsasama ninyong mag-asawa o pamilya, at sa kakayahan mong maglingkod sa iba?

Umiwas sa Pangungutang

Basahin:Nagpayo ang mga propeta na iilan lang ang makatwirang dahilan para mangutang at na kapag nangutang ka ay dapat mo itong bayaran sa lalong madaling panahon. Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley na ang “makatwirang pag-utang para bumili ng bahay na abot-kayang bayaran at marahil para sa ilang iba pang bagay na kailangan ay katanggap-tanggap. Subalit mula sa aking kinauupuan, malinaw na malinaw kong nakikita ang matitinding trahedya ng marami na hindi nag-iisip na nanghiram ng mga bagay na hindi nila talaga kailangan” (“I Believe,” Ensign, Ago. 1992, 6).

Depende sa sitwasyon, ang utang ay maaaring katanggap-tanggap para sa sumusunod na mga gastusin:

  • Isang disenteng bahay na abot-kayang bayaran

  • Makatwirang mga gastusin sa pag-aaral na hahantong sa mas magandang trabaho

  • Simple at pangunahing transportasyon (kung kailangan lamang)

Dapat mong iwasang mangutang para sa iba pang mga bagay bukod pa rito. Sa halip, mag-impok para sa mga gastusin.

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng dalawang minuto para pag-isipan ang sumusunod na tanong at isulat ang mga naiisip mo: Ano kaya ang pakiramdam ng walang utang?

Umahon sa Pagkakautang

Basahin:Maaari kang makaahon sa pagkakautang! Ang agresibong paghuhulog sa utang ay mangangailangan ng malaking sakripisyo, ngunit magagawa mo ito. Nasa ibaba ang limang mahahalagang alituntunin sa pag-ahon sa pagkakautang. Tatalakayin natin ang unang tatlo sa kabanatang ito.

  1. Unawain ang mga realidad ng iyong utang

  2. Hangaring makaahon sa pagkakautang

  3. Daigin ang tendensiya ng likas na tao na humahantong sa pangungutang

  4. Tumigil sa pangungutang

  5. Bayaran ang iyong mga utang

Talakayin:Ano ang mga naiisip o impresyon mo mula sa pagbabasa ng limang alituntuning ito?

2. Unawain ang mga Realidad ng Iyong Utang

Basahin:Magkano ang utang mo? Ano ang mga interest rate? Magkano ang mga hulog? Gaano katagal bago mo mabayaran ang utang mo, at magkano ang interes na babayaran mo? Mahalagang malaman ang mga bagay na ito habang sinisikap mong makaahon sa pagkakautang. Para magawa ito, lilikha ka ng debt inventory [imbentaryo ng utang]. Nasa ibaba ang isang sample debt inventory table.

Deskripsyon

Balanse

Interest Rate

Buwanang Hulog

Credit card #1

4,000

17%

97

Credit card #2

6,500

19%

168

Kotse

5,000

3.00%

145

Student loan

18,000

5.50%

300

Mortgage

170,000

4.50%

1,050

Sa inyong family council sa linggong ito, gagawa kayo ng ganitong table. Tiyaking punan ang lahat ng impormasyon para sa bawat utang.

3. Hangaring Makaahon sa Pagkakautang

Basahin:Para magawa ang anumang mahirap na bagay, kabilang na ang pag-ahon sa pagkakautang, kailangan ay mas malakas ang hangarin mo kaysa mga balakid. Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks na, “Kapag nagkaroon tayo ng pangitain ng maaari nating kahinatnan, nag-iibayo ang ating hangarin at lakas na kumilos” (“Hangarin,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 44). Para magtagumpay, magtuon sa iyong mithiing makaahon sa pagkakautang at wariin kung ano ang magiging buhay mo kapag wala ka nang pasan na utang. Itinuro ni Elder Neal A. Maxwell na, “Ang iginigiit nating hangarin, sa paglipas ng panahon, ang siyang kahihinatnan natin sa huli” (“According to the Desire of [Our] Hearts,” Ensign, Nob. 1996, 21).

Talakayin:Bakit mo gustong makaahon sa pagkakautang? Ano ang magagawa mo na hindi mo nagagawa ngayon?

4. Daigin ang “Likas na Tao”

Basahin:Sa Aklat ni Mormon, itinuro ni Haring Benjamin na, “Sapagkat ang likas na tao ay kaaway ng Diyos, at naging gayon mula pa sa pagkahulog ni Adan, at magiging gayon, magpakailanman at walang katapusan, maliban kung kanyang bigyang-daan ang panghihikayat ng Banal na Espiritu, at hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon, at maging tulad ng isang bata, masunurin, maamo, mapagpakumbaba, mapagtiis, puno ng pag-ibig” (Mosias 3:19). Para maihubad ang likas na tao, kailangan nating tandaan ang mga alituntuning natutuhan natin mula sa kabanata 4 tungkol sa pagpapanatili ng pangmatagalang pananaw. Tulad ng mga bata sa eksperimento sa marshmallow, kailangan nating matutuhang ipagpaliban ang mga panandaliang kasiyahan upang makamit ang mga pangmatagalang mithiin.

Kabilang sa mga tendensiya ng “Likas na tao” ang:

  • Pabigla-biglang pagbili at di-mapigilang paggastos.

  • Kamangmangan o kapabayaan tungkol sa realidad ng ating pananalapi.

  • Pag-iimbot at pagkumpara ng ating sarili sa iba.

Ang pagpapaubaya sa likas na tao ay malamang na umakay sa atin na mangutang at magkaroon ng stress sa pananalapi. Sa kabilang dako, sa paghahangad nating sundin ang mga “panghihikayat ng Banal na Espiritu,” bibigyan tayo ng kakayahan ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala na maging matatag sa harap ng kagipitan.

Talakayin:Ano ang ibig sabihin ng hubarin ang likas na tao?

Basahin:Tingnan pa natin nang mas mabuti ang ilan sa mga tendensiyang ito ng likas na tao sa konteksto ng self-reliance.

Pabigla-biglang pagbili at Di-Mapigilang Paggastos

Pag-isipang mabuti:Mag-ukol ng ilang minuto para pag-isipan ang sumusunod na mga tanong at isulat ang iyong mga sagot sa ibaba: Kailan ka huling bumili nang pabigla-bigla ng isang mamahaling bagay? Ano iyon? Paano mo sana nagamit nang mas epektibo ang perang iyon sa ibang bagay?

Basahin:Malamang na nakabili na tayong lahat nang pabigla-bigla o hindi natin napigilan. Kung minsa’y gumagastos tayo kapag dismayado o galit tayo. Kung minsa’y gumagastos tayo dahil pakiramdam natin ay marapat lang na gantimpalaan natin ang ating sarili. Kung minsa’y natutukso tayo sa bagsak-presyo o promosyon na maniwala na kailangan natin ang isang bagay samantalang hindi naman talaga. Maraming dahilan kaya tayo gumagastos sa mga bagay na hindi natin kailangan kapalit ng pagbabayad para sa mga bagay na pinakamahalaga. Ang sumusunod na aktibidad ay tutulungan tayong maunawaan kung bakit pabigla-bigla tayo sa pagbili.

Talakayin:Paano natin madaraig ang mga tendensiyang bumili nang pabigla-bigla? Ano ang nagawa mo noong araw para madaig ang mga pabigla-biglang pagbiling iyon?

Kamangmangan o Kapabayaan tungkol sa Sitwasyon ng ating Pananalapi.

Basahin:Sa Aklat ni Mormon, kinastigo ni Nephi sina Laman at Lemuel sa pagiging “manhid” at hindi pagdama sa impluwensya ng Espiritu sa kanila (tingnan sa 1 Nephi 17:45). Ang ating mga pagpili ay madalas makapagpatigas ng ating puso, kaya nahihirapan tayong madama ang mga pahiwatig ng Espiritu kapag kailangan tayong magbago. Kung minsa’y maaari nating piliing balewalain ang realidad ng ating sitwasyon dahil “manhid” tayo. Maaaring gusto nating iwasang i-monitor ang mga gastusin o tingnan ang ating mga bank account. Kung gumagamit tayo ng mga credit card o iba pang consumer credit, ang kapabayaang ito ay maaari tayong ihantong kaagad sa pagkakautang.

Kung minsa’y gagastos nang walang ingat ang isang kabiyak o ang mag-asawa, na ipinapalagay na ang asawa niya ang responsable sa sitwasyon ng pananalapi ng pamilya. Tandaan, ang mag-asawa ay kapwa responsable sa pananalapi ng kanilang pamilya, at ang pagbabalewala o paglilipat ng ating responsibilidad ay lalong magtutulak lang sa atin sa mas malaking problema sa pera.

Talakayin:Bakit mahilig ang ilan na balewalain ang realidad ng kanilang sitwasyon? Paano mo madaraig ang pagiging “manhid” tungkol sa sitwasyon ng iyong pananalapi, kung kailangan mong gawin ito?

Pag-iimbot at Pagkumpara ng Ating Sarili sa Iba

Basahin:Natural lang sa tao na ikumpara ang kanilang sarili sa iba, at dinadagsa tayo ng mga mensahe at patalastas na naghihikayat sa atin na bumili ng mga bagay na hindi natin kailangan. Kung minsan pakiramdam natin ay karapatan nating magkaroon ng mga bagay na hindi natin kayang bayaran o hindi talaga kailangan. Ang pagpapatangay sa pag-iimbot ay aakay sa atin kaagad na gumawa ng di-matalinong mga pagbili.

Talakayin:Paano natin madaraig ang tendensiyang ikumpara ang ating sarili sa iba?

Talakayin sa Inyong Family Council ang mga Pinansyal na Prayoridad

Basahin:Sa inyong family council sa linggong ito, tatalakayin ninyo ang mga paraan para madaig at maprotektahan ninyo ang inyong sarili mula sa mga tendensiya ng “likas na tao.” Sama-samang talakayin ang kasalukuyan mong mga utang at gumawa ng “debt inventory [imbentaryo ng utang” (tingnan ang blangkong debt inventory sheet sa pahina 123). Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba para magabayan ang inyong council. Habang magkasama ninyong tinutukoy ang iyong mga utang, at nag-iisip kayo ng mga paraan para madaig ang mga tendensiya ng “likas na tao,” tatanggap ka ng tulong mula sa Panginoon para maalis ang iyong mga utang.

Sample Family Council Discussion

Tiyaking magsimula at magtapos sa isang panalangin para maanyayahan ang Espiritu.

Part 1: Magrepaso

  • Ano ang ilang paraan na ipinapakita mo ang mga tendensiya ng likas na tao?

  • Kailan ang huli mong malaki at pabigla-biglang pagbili? Ano sana ang nagawa mo sa perang iyon?

  • Kapag wala ka nang utang, ano ang magagawa mo na hindi mo magagawa ngayon?

Part 2: Magplano

  • Gumawa ng debt inventory [imbentaryo ng utang] gamit ang table sa pahina 123.

  • Itanong sa iyong sarili:

    • Ano ang magagawa mong kakaiba para maalis ang iyong mga utang?

    • Ano ang mga maaari mong gawin para madaig at maiwasan ang mga tendensiya ng likas na tao?

    • Paano mo maisasali ang Panginoon para matulungan kang hubarin ang likas na tao?