Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Magpakita ng Integridad


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Magpakita ng Integridad—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Bakit mahal ng Panginoon ang mga taong may “integridad ang puso”?

Panoorin:“What Shall a Man Give in Exchange for His Soul?” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 111.)

10:5

Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from What Shall a Man Give in Exchange for His Soul

Elder Robert C. Gay: Minsa’y itinanong ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo: “Anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang kaluluwa?”

Ito ang tanong na itinuro ng aking ama na pag-isipan kong mabuti ilang taon na ang nakalilipas. Habang lumalaki ako, binigyan ako ng mga magulang ko ng mga gawaing-bahay at binigyan ako ng allowance para sa gawaing iyon. Madalas kong gamitin ang perang iyon, na mahigit 50 cents kada linggo, para manood ng sine. Ang halaga ng tiket sa sinehan noon ay 25 cents para sa isang batang 11-taong-gulang. May natitira pa akong 25 cents para ipambili ng kendi, na tig-5 cents ang isa. May sine na, may kendi pa! Ang sarap ng buhay ko noon.

Maayos ang lahat hanggang sa mag-12 anyos ako. Habang nakapila isang hapon, nalaman ko na ang halaga ng tiket para sa mga 12-anyos ay 35 cents, at ibig sabihin niyan ay mababawasan ng dalawa ang kendi. Dahil hindi ako handang isakripisyo iyon, ikinatwiran ko na, “Tulad pa rin noong isang linggo ang hitsura mo.” Pagkatapos ay lumapit ako at humingi ng tiket na halagang 25 cents. Hindi nagduda ang kahera, at lima pa rin ang nabili kong kendi sa halip na tatlo.

Sa tuwa sa nagawa ko, nagmadali akong umuwi para ikuwento kay Itay ang malaking tagumpay ko. Habang ikinukuwento ko ang mga detalye, wala siyang imik. Pagkatapos ko, tumingin lang siya sa akin at sinabing, “Anak, ipagbibili mo ba ang kaluluwa mo sa halagang singko?” Tumimo ang sinabi niya sa batang puso ko. Hinding-hindi ko nalimutan ang aral na ito.

(“Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Kaluluwa?” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 34.)

Bumalik sa pahina 110.

Talakayin:Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng integridad? Ano ang ilang maliliit na paraan na ipinagpapalit ng mga tao ang kanilang kaluluwa para makuha ang gusto nila sa buhay na ito?

Basahin:Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13 at Job 27:5 (sa kanan)

Talakayin:Basahin ang Mosias 4:28 (sa kanan) at ang pahayag ni Elder Joseph B. Wirthlin (sa pahina 111). Bakit kailangan ng personal na integridad sa pagbabayad ng utang o business o student loan (tulad ng PEF loan)?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Pag-igihin ang isa sa walong aspetong binigyan mo ng rating sa itaas.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa integridad.