Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Noong isang linggo tinalakay natin ang tatlong alituntuning natukoy natin sa pag-ahon sa pagkakautang:
-
Unawain ang mga realidad ng utang mo.
-
Hangaring makaahon sa pagkakautang.
-
Paglabanan ang tendensiya ng “likas na tao” na aakay sa iyo sa pangungutang.
Ngayo’y tatalakayin natin ang dalawa pang alituntunin:
-
Itigil ang pangungutang.
-
Bayaran ang iyong mga utang.
-
-
Talakayin:Ano ang ilan sa mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan mo noong nakaraang linggo?
Itigil ang pangungutang.
-
Basahin:Hindi ka makakaasang makaahon sa utang hangga’t hindi ka tumitigil sa pangungutang. May dalawang simpleng hakbang para matigil ka na sa pangungutang:
-
Bumuo ng isang emergency fund.
-
Itigil ang paggamit ng mga credit card at consumer loan.
Una, patuloy na bumuo ng isang emergency fund hanggang sa may matipid kang tatlo- hanggang anim-na-buwang halaga ng mga gastusin. Gamitin ang perang ito kapag kailangan sa halip na mangutang. Ngunit tandaang gamitin lang ito sa aktwal na mga emergency at magbadyet para sa iba pa.
Pangalawa, itigil ang pag-asa sa consumer debt at mga credit card. Iminungkahi ni Elder Jeffrey R. Holland ang financial “plastic surgery.” Sabi niya, “Hindi masakit ang operasyong ito: Gupitin lang ang mga credit card ninyo. … Walang kaginhawahang alam ang modernong tao na nailagay sa panganib ang katatagan ng kabuhayan ng mga pamilya, lalo na ng mga bata pang pamilya na naghihirap, na tulad ng credit card” (Jeffrey R. and Patricia T. Holland, “Things We Have Learned—Together,” Ensign, Hunyo 1986, 30). Ang pagtigil sa paggamit ng iyong mga credit card ay tutulungan kang tumigil sa patuloy na pangungutang.
-
-
Talakayin:Ano ang handa mong gawin para matigil ka na sa pangungutang?
2. Bayaran ang Iyong mga Utang
-
Basahin:Pinayuhan na tayo na bayaran kaagad ang ating mga utang sa lalong madaling panahon: “Kapag nagkautang kayo, … magtrabaho upang mabayaran ito kaagad at palayain ang sarili ninyo sa pagkaalipin sa utang” (Tapat sa Pananampalataya [2004], 223).
Narito ang apat na hakbang na tutulong sa iyo na buuin at sundin ang plano para makaahon sa pagkakautang.
-
Magdesisyon na magbayad ng ekstra sa iyong mga utang.
-
Magpasiya kung saan magbabayad ng ekstra.
-
Gamitin ang rollover method.
-
Gumawa ng iba pang mga hakbang kung kailangan.
-
Magdesisyong Magbayad ng Ekstra sa Iyong mga Utang
-
Basahin:Isa sa pinakamahal na paraan para makaahon sa utang ay ang pagbabayad nang minimum. Kadalasan ang minimum na ibinabayad ay porsyento ng balanse. Kapag bumababa ang balanse, gayon din ang minimum na bayad. Pinalalawig nito ang panahong kailangan para mabayaran ang balanse at mas malaki ang magagastos mo sa interes. Para mas mabilis na makaahon sa utang, kailangang mas malaki kaysa sa minimum ang ibayad mo.
Deskripsyon
BALANSE
Interest Rate
Buwanang Bayad
Credit card #1
4,000
17%
97
Credit card #2
6,500
19%
168
Kotse
5,000
3.00%
145
Student loan
18,000
5.50%
300
Mortgage
170,000
4.50%
1,050
Halimbawa, kung ginamit natin ang debt inventory [imbentaryo ng utang] (itaas) mula sa huling kabanata at minimum lang ang ginawang pagbabayad sa credit card #1, sa palagay mo gaano katagal bago ka makaahon sa utang? Magkano kaya ang magiging interes nito? Sa pagbabayad lamang ng minimum:
-
Aabutin ng 20 taon at 9 buwan para mabayaran ito!
-
Aabot ng 5,107.62 ang interes.
Pero paano kung binayaran mo ang kasalukuyang minimum na 97, at may ekstrang 100 kada buwan?
-
Mababayaran mo ito sa loob ng 2½ taon—18 taong mas maaga!
-
Makatitipid ka ng 4,357.49 sa interes!.
-
-
Talakayin:Bakit gusto ng mga pinagkakautangan mo na minimum lang ang bayaran mo?
-
Basahin:Ang pagbabayad ng mahigit sa minimum ay magpapaikli sa panahon ng pagbabayad ng utang at makatitipid ka nang malaki sa interes. Imino-monitor mo na ang mga gastusin mo at nakabuo ka na ng badyet. Paano ka makapagtatabi ng kaunting pera sa panggastos mo para makapagbayad ka ng ekstra sa mga utang mo? Isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay magpasiya kung magkanong ekstrang pera ang maitatabi mo para ipambayad sa utang mo. Habang iniisip ang utang na uunahin mong bayaran, pumili ng fixed na halaga na may kasamang ekstra na lampas sa minimum na hulog, at iyon na muna ang bayaran hanggang sa mabayaran nang buo ang utang.
Magpasiya Kung Saan Ibabayad ang Ekstra
-
Basahin:Narito ang ilang opsiyon sa pagdedesisyon kung aling mga utang ang dapat unahing bayaran. Maaari mong:
-
Unahing bayaran ng ekstra ang utang na may pinakamalaking interes.
-
Unahing bayaran ng ekstra ang utang na may pinakamaliit na balanse.
Sa dalawang opsiyon, pareho kang makikinabang at mawawalan, ngunit kapwa ito magpapalaya sa iyo sa utang. Ang isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay tukuyin kung aling utang ang uunahin mong bayaran.
-
Paraan |
Mga Pakinabang |
Mga Mawawala |
---|---|---|
Unahin ang may pinakamalaking interes |
|
|
Unahin ang may pinakamaliit na balanse |
|
|
Gamitin ang Rollover Method
-
Basahin:Ang rollover method ay isang mahusay na paraan para mabayaran nang buo ang mga utang mo. Sabihin nating maaari kang magbayad ng ekstrang 100 kada buwan sa mga utang mo. Kapag binayaran mo na nang buo ang utang, ano ang dapat mong gawin sa perang dating napupunta sa loan na iyon? I-roll over ito para mabayaran mo ang iba pang mga loan! Dito ka talaga nagsisimulang makaahon sa pagkakautang nang mas mabilis.
Halimbawa, sa halimbawang debt inventory [imbentaryo ng utang], kung nagbayad ka ng ekstrang 100 kada buwan sa credit card #1, ang buwanang hulog mo ay naging 197. Kapag nabayaran na ito nang buo, magkakaroon ka ng ekstrang 197 na maaari mong gamitin para bayaran nang buo ang isa pang utang. Kung inilagay mo ang ekstrang 197 na iyon sa balanseng 6,500 para sa credit card #2, maaari kang:
-
Makabayad nang buo sa credit card na iyon nang mas maaga ng 23 taon kaysa kung binayaran mo ang mga minimum na hulog!
-
Makatipid ng mahigit 8,500 sa interes!
Sa sandaling mabayaran mo ang credit card na iyon, magkakaroon ka ng ekstrang 365 na ipambabayad sa iba pang mga utang, at iba pa. Mainam gamitin ang rollover method para mabilis na maalis ang utang.
-
-
Talakayin:Paano ka matutulungan ng rollover method para mas mabilis kang makaahon sa pagkakautang?
Gumawa ng Karagdagang mga Hakbang
-
Basahin:Kung nahihirapan kang maghulog ng minimum sa utang, maaaring kailangan mong gumawa ng karagdagang mga hakbang (tingnan sa ibaba).
Talakayin sa Inyong Family Council ang Pag-aalis ng Utang
-
Basahin:Sa inyong family council sa linggong ito, talakayin kung magkano ang perang maitatabi mo bawat buwan para makabayad ng ekstra sa mga utang mo. Bukod pa riyan, talakayin kung aling loan ang gusto mong simulang unahing mabayaran (ang may pinakamalaking interes o ang may pinakamaliit na balanse). Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba.