Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.
Sagwitch Timbimboo
“Nais kong maging payapa sa piling ng lahat ng tao.”
-
Siya ay isang pinunong Shoshone sa kilala ngayong hilagang Utah, USA.
-
Nabinyagan siya at ang marami sa kanyang mga tao noong 1873.
-
Silang mag-asawa ay ilan sa mga unang American Indian na ibunuklod sa templo.
-
Siya at ang kanyang mga tao ay tumulong sa pagtatayo ng Logan Utah Temple. Kalaunan ay gumawa sila ng gawain sa templo para sa mga kasamahan nilang pumanaw na.
Anna Gaarden Widtsoe
“Itinuturing kong isang malaking pribilehiyo ang … tumulong sa [pagpapalaganap] ng ebanghelyo.”
-
Nanirahan siya sa Norway. Isa siyang biyuda, at nagpalaki siya ng dalawang anak na lalaki.
-
Natutuhan niya ang ebanghelyo mula sa isang sapatero. Nang kumpunihin nito ang sapatos niya, nilagyan nito ng polyeto ng Simbahan ang bawat isa. Nabinyagan siya sa dagat.
-
Nagmisyon siya sa Scandinavia. Naging Apostol ang anak niyang si John.